Tuesday, March 10, 2009

"ERASERHEADS para sa Node 3 ng International Space Station! "

From Paeng's blog:

Eto trip trip lang. NASA has entered for public polling the naming of NODE 3 ng International Space Station. There are four options (Earthrise, Legacy, Serenity and Venture) but there is also a WRITE IN option. Ginamit ito nung komedyanteng si Stephen Colbert kaya mapapansin niyo Colbert yung number one write-in suggestion. Hahaha

Now we have this knack for winning online polls sa mga beauty contest and in campaigning for the New 7 Wonders. Ngayon, tingnan natin kung mamomobilize natin ang mga Eraserheads fans to have part of the space station named Eraserheads para international talaga ang dating ng International Space Station. LOL!

Go to this site.

Write ERASERHEADS sa write-in suggestion. 400,000 plus pa lang ang bumoboto. We can vote once a day up to March 20, 2009.

Ano masasabi niyo? Game!!!

Monday, February 09, 2009

Best Bday Gift

Feb. 6 pa lang, nagstart na ang selebrasyon para sa aking 29th bday. At natanggap ko mula sa aking students ang pinaka-nakakaantig na regalo.

Binigyan nila ako ng surprise party na kumain sa oras ng lecture ko about syntax. Siguro ayaw lang nilang makinig ng tungkol sa syntax kaya nagplano sila ng program.

Meron silang 29 na surprise. Lahat sila nagbigay ng testimonial (parang friendster!). At doon naman ako tinamaan ng todong-todo. Lahat ng sinabi nila ay gagawin kong fuel para patuloy na tumakbo ang aking makina. Meron pala kasing saysay ang aking ginagawa. At naipapaabot ko sa kanila kung ano man ang gusto kong sabihin at iparating. Sa mga panahong nagkakanda-kumahog ako sa pagprepare ng lektur at ng gimik para sa klase, isipin ko na hindi ito masasayang. Sa mga araw na tatamarin akong pumasok at magturo, palagi ko na lang maiisip na may naghihintay sa akin para makinig at matuto.

Pagkatapos naming mabusog sa hinanda ng aking mga estudyante (may 29 na cupcakes, may sansrival na favorite cake ko, may palabok, at may pizza!), narealize ko na nasa tama ang pinili kong gawin sa aking buhay. Masarap ang pakiramdam na may nagsasabi sa iyo na may katuturan ang ginagawa mo.

Tuesday, February 03, 2009

Love month

Gusto ko lang ipaalam sa lahat na Pebrero ang pinakapaborito kong buwan sa buong taon. Birthday ko e. In a few days, I will be one year older. Yahooo! Kahit walang pinagkakatandaan, ok lang.

Sa lahat ng mga friends ko na magbibirthday din ngayong buwan, Maligayang bati sa inyo!

Kahit madalas sinasabi na kulang-kulang tayo, WE ROCK (labas dila, sabay senyas ng kamay!)!!!

Friday, January 30, 2009

Batanes... babu huhu

Nakaskedyul kaming umalis para sa Batanes sa Feb 13, at hanggang Feb 16 kami maglalamierda sana doon. Last year pa kami nakapagpabook dahil promo at talaga namang excited ang grupo namin.

Sasakay dapat kami ng Zest Air. Nitong mga nakalipas na linggo, maraming hindi magagandang balita tungkol sa kanila. Nagkakatakutan kaming grupo. Pero siyempre, excited pa rin kaming pumunta. Batanes iyon eh.

Kaso kahapon, nagcancel na ang Zest Air ng lahat ng flights para sa Pebrero. Kawawa naman kami. Nalulungkot tuloy ako. Ito kasi ang scheduled unang alis namin for the year. Celebration pa ng aming mga birthday. Ganyan siguro talaga. Kung hindi kami sa Batanes pupunta, saan naman kaya kami mapapadpad?

Monday, January 26, 2009

Happy Moo Year!

Maligayang bagong taon (ulit) sa inyo. Binabati ko ang mga taong nag-oobserve ng Chinese New Year, ganun din ang mga taong kailangan ng bagong simula. Sigurado akong marami pa ring tao ang windang at ngayon pa lang nakaka-recover mula sa pagod at saya noong holidays. Kasama ako doon. Kaya naman ngayon pa lang ako magpopost ng aking New Year's Resolution (in random order).

1. Magbasa ng isang article o isang chapter ng libro na may kinalaman sa Linguistics bawat araw. Kailangang maging maalam ulit o magkaroon man lang ng idea sa mga bagong ginagawa sa napili kong field. Sa ngayon, isang dangkal ang ng articles ang kailangan kong basahin para sa isang course: historikal na pagkokompara ng mga wika sa Pilipinas. Masaya at madaling intindihin ang ilan, pero may ibang author din na nakakawindang basahin.

2. Magpunta sa isang bagong lugar kada buwan o sa isang lugar na matagal na matagal ko nang hindi napapasyal. Hindi naman kailangan out of town o sa ibang bansa. Halimbawa, sa QC di pa ako nakapunta sa Parks and Wildlife, sa La Mesa Dam. Sa Paco, hindi pa ako nakapunta sa Paco Park. Mga simpleng bagay. Hindi kailangang maging magastos.

3. Bawasan ang gastos. Huwag bumili ng mga hindi kailangan. Huwag bumili ng damit na masikip ng konti. Minsan kasi bibili ako ng damit na medyo masikip sa pag-asang magiging motibasyon ko ito para pumayat. Well, hindi magandang motibasyon.

4. Gawin ang mga aktibidades na na-oo-han na. Walang mga rason-rason. May mga taong umaasa sa atin.

5. Maglista sa to-do list na tama lang. Kailangan lahat ng ililista ay magagawa.

6. Huwag masyadong supladahan ang mga estudyante. Maging pro-student. May mga pagkakataon kasi ngayon na hindi ko naiintindihan ang mga mag-aaral. Pipilitin kong intindihin sila.

7. Magpractice ng healthy living. Kapag may kainan, huwag magpakasuba. Kumain lang ng tama.

8. Kung may nangangailangan at kaya ng powers ko huwag mag-aatubiling tumulong. Tandaan ang no.4 at no.5 sa itaas.

9. Huwag matulog agad. Magbasa bago matulog. Ang daming nangyayari sa paligid, kailangang maging aware kung ano ang mga ito.

10. Mag-ipon.

Meron din ba kayo?

Friday, January 23, 2009

Weird

Araw-araw akong nagbibyahe. Mula Paco hanggang UP, jeep at fx ang sinasakyan ko. Marami akong napapansin, wala naman kasi akong kausap kaya napagtutuunan ko ng atensyon ang mga kapwa ko pasahero at mga kung bagay-bagay sa kalsada.
Kanina, nasa likod ako ng fx nakasakay, sa side ng driver. Sa harap ko, may magdyowa, si girl ang malapit sa pinto. Natutulog si girl, nakasandig sa balikat ng lalaki si babae. Tapos, naalimpungatan si girl. Umupo ng tuwid. Tapos naloka ako sa sunod niyang ginawa. Hinimas niya yung earlobe ng guy. Wala lang. Pagkatapos, nagpakakumportable ulit si girl at umidlip. Tapos nagising ulit siya, at hinimas nya ulit ang earlobe ng papa niya. Mga tatlong beses pang nangyari yun. Bago siya bumaba, hinimas niya ulit ang earlobe ni guy. Yung kabilang earlobe.

Siyempre, nakita ko lang ito. Hindi ko na inusisa. Chismis ko na lang sa inyo.

Thursday, January 22, 2009

Announcement

blogger templates | Make Money Online