Wednesday, May 31, 2006

ang gastos ko ngayong buwan. labas ng kyoto, party, bili ng libro at bili ng laruan tulad nito

Photobucket - Video and Image Hosting

ang luho ko dito. pero ito yung mga laruan na hindi nabili ni nanay at tatay para sa amin. nangangapitbahay pa ako nung elementary para lang makalaro ng CONTRA at MARIO. para kahit papaano ay ma-satisfy ko ang deprived kong kabataan.

pero simula bukas, papairalin ko na ang pagka-ilocana ko. balik sa pagtitipid ang buhay...

hindi na yata ako marunong magalit.

kahapon, nagpunta ako sa akashi, hyogo prefecture para makipagkita sa isang professor ng department ko sa pinas. may ka-department din ako sa osaka at napag-usapan naming magkita sa akashi station. nagset sila ng oras, 2pm. walang problema sa akin dahil wala naman akong klase kahapon.

mula dito sa kyoto hanggang akashi ay may train na 67mins lang. pinakamabilis na ito at pinakamahal din. nasa 1500 yen. late akong lumabas ng bahay. mas malapit ang osaka sa pupuntahan namin kaya napagdesisyunang sa mahal na train na lang sasakay para umabot sa usapan. dahil nakakahiyang malate.

20 mins after 2pm nasa meeting place na ako. late na. pero mas late yung mga ka-meeting ko. dumating sila after 4pm na. halos dalawang oras akong pinaghintay.

habang umiinom ako ng macha (green tea) frap sa starbucks binabasa ko yung dala kong libro. hindi ako makapagconcentrate dahil kung ano-ano ang iniisip ko dahil sa late ang mga kausap ko. may ibang oras talaga ang pinoy (napag-aralan ko ito sa isang intercultural class ko). bakit kayang maging on time ng pinoy kapag hindi pinoy ang kausap nila. porke ba pinoy ang kausap e normal lang na ma-late. sayang ang oras ko, etc. etc.

pero nung dumating ang mga kausap ko, at nagpaliwanag, wala na akong nagawa. hindi ko na pinamukha sa kanila na sila ang nagset ng oras pero hindi nila kayang sundin, na kung sana may ibang usapan sila e tinantya naman nila yung oras para naman hindi naabala ang taong kausap nila. kasi wala rin namang patutunguhan kung magmamatigas pa ako at magtatampururot kuno. parang masyado na akong matanda para diyan.

nailalabas ko yan ngayon pero hindi ibig sabihin na galit ako. kasi nga di ba, hindi na yata ako marunong magalit.

Monday, May 29, 2006

paano nagsisimula ang isang bagong linggo sa inyo?

ako, pag masustansya ang kinain ko ng nakaraang gabi, gigising ako sa tawag ng kalikasan. pagkatapos, bubuksan ang laptop, magtitingin ng email. magsasign-in sa YM at titingnan kung sino ang nakaonline. kapag wala ang kapatid o ang boyfriend, magsa-sign-out muna o kaya mag-iinvisible mode. hindi pa ako friendly sa mga oras na ito.

magpapakulo ng tubig para sa kape habang nagbabasa ng email. titingnan ang blog kung may nakaalalang magpost sa chatbox. at magbabasa ng news.

habang iniinom ang kape o kumakain ng cereals, binabasa ang news sa pinas. at dahil puro hindi maganda ang balitang nababasa, nag-iisip ako kung paano ako magiging part ng solusyon o paano makakatulong sa tamang panahon.

at sa pag-iisip ng mga ganyang bagay mauubos ang 24 oras ng isang araw.

Friday, May 26, 2006

今週から一つの投稿を日本語で書こうかなと思ってるの。これはうちの日本語の勉強になるため。
日本に来て大学院入ってから、3ヵ月の後2年間になるんですけど、日本語能力は来る前と同じぐらいかな。ということは、全然うまくなってないの。だって、授業はほとんど英語でやってるし、日本語で行う授業は少なくし、レポートも全部で英語なの。

ちょっと恥ずかしい。

まあ、最初の日本語での投稿だから、ここまでです。書くこともないからね。

今度こそ、真面目に日本語で書くぞ!

LIW、これを呼んでたら、もし文法的な間違いがあれば、例えば、助動詞--ずっと苦手なの--教えてね。今年、能力試験取ろうと思ってる。あまり、厳しくしないでね、すぐ傷つくから、うちは。 v(^_^)v

i just realized i'm so reddish today.

am wearing a blouse with red, blue and green strips, maroon pants, red rubber shoes, maroon watch, brownish red eyeglasses.

namumula rin ang mata ko sa puyat.

at red cheeks din ako dahil sa mga tigyawat.

guess niyo kung anong favorite color ko?

kahit anong shade ng

- - B L U E - -

Thursday, May 25, 2006

Mabuhay ang YouTube!!!

Kung hindi dahil sa mga matitiyagang nag-a-upload ng clips ng kung samu't-saring ano-ano, hindi ko mapapanood ang feature ng I-Witness na Pepe's Myth. Sana lang maging regular ito. Sa lahat ng episodes ng I-Witness.

At dahil sa natuwa ako nang napanood ang feature na iyon, nagbakasakali akong nagsearch ng Bulagaan (ng Eat Bulaga) at ng Balakubak (ng Nuts Entertainment). At hindi naman ako nabigo.

Ang mga maliliit na kasiyahan sa buhay.

Suportahan ta ka.

Wednesday, May 24, 2006

siyam na buwan sa sinapupunan
sangkatutak na ire kailangan
sa isang tingin, mamahalin
lahat para sayo'y aakuin

Kayang-kaya kong magpalipas ng isang araw ng walang magandang o matino o makabuluhang nagagawa...

Nanganak na kagabi ang bespren ko. Nasa mundo na si Yumina Diwata (ang bakla ng dating no?). Unang anghel ng batch namin. Sabi ng ibang friendship ko, CS daw si bespren.

Nitong mga nakaraang araw, puro panganganak at pagbubuntis ang napag-uusapan namin. Nanganak ang ate ng roommate ko, yung friend ko noong elementary. Gustong magbuntis ng kapitbahay namin dahil matatapos na ang thesis niya...

Nung 24 ako, dumaan ako sa phase na gusto ko na talagang magkaanak. As in. Gusto ko ng bata. Gusto ng may aalagaan. Kaso napadpad naman ako dito sa Land of the Rising Sun.

At ngayon, habang naririnig ko ang kwento ng mga taong nakapaligid sa akin, hindi ko maisip kung paano nila kinaya. Pinapanood ko lang yung video na kinuha ng roommate ko, hindi ko matagalan.

Hindi ko ma-imagine kung paano kinaya ng nanay ko na lima. Paano kinaya ng nanay niyo na ilabas kayo? Paano niyo kinaya na ilabas ang mga anak niyo ngayon?

Mag-aaral na lang siguro ako habambuhay...

Tuesday, May 23, 2006

Kahit hindi ako marunong tumula, marunong akong maghanap ng mga tugmang salita. Tulad nito:

sentro ng aking buhay
palaging kaagapay
kahit san man mapadpad
matatawag ng palad

at nito:

lumulubog ang araw
kumakain ng isaw
umaakyat ang buwan
humahabang usapan

Napadpad ako sa blog na gustong buhayin ang tanaga. Kung pagbabasehan ang nakasulat sa blog na iyon, batay sa istruktura, tanaga ang tawag diyan sa itaas, may apat na linya at may pitong baybay bawat linya. Pero malamang sa essence, itatakwil yang tula ko (kung matatawag nga itong tula).

Kaya kaya ng praktis ang paggawa ng tula. Hindi kasi ito kasama sa milyon kong talents.

Monday, May 22, 2006

Para akong nasa pinas ngayong gabi. Nagpapanggap na magbasa ng libro habang nakikinig ng radio. Salamat sa mga sites na may online streaming. Nakakapakinig tuloy ako ng NU 107.5, RX 93.1, at sa mga oras na ito, Mellow Touch 94.7. Sayang lang kasi hindi ako makahanap ng Light Rock 96.3,. Yang station na yan ang kasama ko tuwing gabi noong nasa college pa ako at mas mataas pa sa akin ang mga kailangang basahin.

Balik na muna ako sa Japanese book ko. Napagdesisyunan ko kasing maglaan ng kahit isang oras sa isang araw para naman hindi maburo ang kaalaman ko. また、あとで。

v(^.^)v

LUNES.

Pagkatapos ng isang nakakapagod na linggo, magsisimula na naman ang bagong linggo. Ang dami nating dapat gawin. Trabaho, aral, anak, asawa. At siyempre kahit anong mangyari, kailangang maisingit ang gimik. Minsan ang sarap isiping abandunahin na lang ang mga responsibilidad. Pero sa totoo lang, mas boring ang buhay kapag nagagawa natin ang lahat ng katamarang naiisip natin. O kaya kung madali nating natatapos ang mga gawain natin.

Mas gusto kong maraming ginagawa at habang ginagawa ito e napapagod din ang labi ko kakareklamo sa dami ng kailangang gawin. Masarap magreklamo. Parang hindi kumpleto ang buhay. Kaya naman...

HAY NAKU, LUNES NA NAMAN. ANG DAMI NA NAMANG KAILANGANG GAWIN. LUNES PALANG PAGOD NA AKO KAKAISIP NG MGA GAWAIN.

Masarap lang talaga magreklamo. Kaya ilabas lang natin iyan.

Sunday, May 21, 2006

Isang katangian ng Pinoy ang mahabaang goodbyes. Kapag nagpaalam ka na aalis dahil nagugutom ka na, 48 years bago kayo maghiwa-hiwalay talaga. May ulcer ka na nun.

Saturday, May 20, 2006

Kapag maglalakad-lakad para pampalipas ng oras, siguraduhing may pera ang wallet bago pumunta sa grocery o department store. Siguradong paglabas ay may bitbit ng bag, sa ayaw at gusto mo, planado man o hindi.

Determinasyon, lakas ng loob, at dasal ng mga taong nagmamahal ang kailangan upang makamit ang hinahangad.

KAYA NG PINOY!!!

Friday, May 19, 2006

Masarap ang pakiramdam kapag nakatapos ng akademik na libro. Sisipagin kang magbasa ulit ng bago. Huwag iisiping tinatamad dahil walang patutunguhan ang mga ganyang ideya.

Kahit matagal na kayo ng iyong significant other at alam niyong mahal niyo ang isa't-isa, huwag kakalimutang sabihin ang mga katagang mahal kita o kaya'y miss kita (sa kahit anong lenggwahe). Sa oras na marinig o mabasa ito, may hatid pa rin itong kakaibang kilig (hindi bastos!).

Thursday, May 18, 2006

Mas masarap gawin ang mga bagay na hindi importante o kailangan para sa ikauunlad ng sarili. Tulad ng panonood ng maiigsing videos ng mga palabas sa GMA kesa sa pagbabasa ng nakabukas na libro sa harap ko para sa aking thesis.

Kung gusto mong magising, uminom ng kape. Siguraduhing mainit na mainit ang kape para mapaso ang dila. Buong araw kang mulat. Hindi naman masyadong masakit ang paso sa dila.

Wednesday, May 17, 2006

Huwag isasabay ang paggo-grocery kapag umuulan lalo na kung maglalakad papunta at pabalik sa supermarket.

Masarap maglakad kahit umuulan, maliban na lang kung may bitbit.

Masarap manood mag-isa ng drama. Hindi mo iisiping nakakahiya sa kasama mo na balde-balde na ang lumalabas ng tubig mula sa iyong mga mata habang nanonood ng The Notebook.

Huwag iinom ng tubig bago matulog dahil paggising kinabukasan kakailanganing pumunta sa banyo at malas mo lang kung naliligo na housemate mo.

Tuesday, May 16, 2006

Huwag masyadong sasabawan ang kanin ng mantika mula sa adobong baboy. Masusuka ka lang.

blogger templates | Make Money Online