Wednesday, May 31, 2006

hindi na yata ako marunong magalit.

kahapon, nagpunta ako sa akashi, hyogo prefecture para makipagkita sa isang professor ng department ko sa pinas. may ka-department din ako sa osaka at napag-usapan naming magkita sa akashi station. nagset sila ng oras, 2pm. walang problema sa akin dahil wala naman akong klase kahapon.

mula dito sa kyoto hanggang akashi ay may train na 67mins lang. pinakamabilis na ito at pinakamahal din. nasa 1500 yen. late akong lumabas ng bahay. mas malapit ang osaka sa pupuntahan namin kaya napagdesisyunang sa mahal na train na lang sasakay para umabot sa usapan. dahil nakakahiyang malate.

20 mins after 2pm nasa meeting place na ako. late na. pero mas late yung mga ka-meeting ko. dumating sila after 4pm na. halos dalawang oras akong pinaghintay.

habang umiinom ako ng macha (green tea) frap sa starbucks binabasa ko yung dala kong libro. hindi ako makapagconcentrate dahil kung ano-ano ang iniisip ko dahil sa late ang mga kausap ko. may ibang oras talaga ang pinoy (napag-aralan ko ito sa isang intercultural class ko). bakit kayang maging on time ng pinoy kapag hindi pinoy ang kausap nila. porke ba pinoy ang kausap e normal lang na ma-late. sayang ang oras ko, etc. etc.

pero nung dumating ang mga kausap ko, at nagpaliwanag, wala na akong nagawa. hindi ko na pinamukha sa kanila na sila ang nagset ng oras pero hindi nila kayang sundin, na kung sana may ibang usapan sila e tinantya naman nila yung oras para naman hindi naabala ang taong kausap nila. kasi wala rin namang patutunguhan kung magmamatigas pa ako at magtatampururot kuno. parang masyado na akong matanda para diyan.

nailalabas ko yan ngayon pero hindi ibig sabihin na galit ako. kasi nga di ba, hindi na yata ako marunong magalit.

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online