Wednesday, May 24, 2006

Nanganak na kagabi ang bespren ko. Nasa mundo na si Yumina Diwata (ang bakla ng dating no?). Unang anghel ng batch namin. Sabi ng ibang friendship ko, CS daw si bespren.

Nitong mga nakaraang araw, puro panganganak at pagbubuntis ang napag-uusapan namin. Nanganak ang ate ng roommate ko, yung friend ko noong elementary. Gustong magbuntis ng kapitbahay namin dahil matatapos na ang thesis niya...

Nung 24 ako, dumaan ako sa phase na gusto ko na talagang magkaanak. As in. Gusto ko ng bata. Gusto ng may aalagaan. Kaso napadpad naman ako dito sa Land of the Rising Sun.

At ngayon, habang naririnig ko ang kwento ng mga taong nakapaligid sa akin, hindi ko maisip kung paano nila kinaya. Pinapanood ko lang yung video na kinuha ng roommate ko, hindi ko matagalan.

Hindi ko ma-imagine kung paano kinaya ng nanay ko na lima. Paano kinaya ng nanay niyo na ilabas kayo? Paano niyo kinaya na ilabas ang mga anak niyo ngayon?

Mag-aaral na lang siguro ako habambuhay...

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online