Thursday, June 29, 2006

namimiss ko na ang boypren ko. mag-iisang taon na naman simula nang huli kaming magkita. buti na lang at magbabakasyon na at pwede akong makauwi. meron akong pinost sa luma kong blog tungkol sa mga moments namin ni lalabs. ibabahagi ko ulit dito. (either inlababo ako o wala lang ibang maiblog dahil iniisip ang thesis)

hindi naman ito bastos. baka mandiri lang kayo or mapaisip kung lahat ba ng sabay na toyo sa adobo e nahigop ko at umakyat sa utak.

kung wala kayong magawa, dahil sa sobrang pagod, walang pera, o dahil tinatamad lang here are some suggestions, tried and tested, to liven up your relationship :)

10) Kung pareho kayong teacher, magcheck na lang kayo ng mga exams... kanya-kanyang check o palitan. Together... kahit saan... forever... kahit kailan... o di ba ang sweet? (MAJOR YUCK!)

9) Pagmasdan ang isa't-isa ng matagal na sandali. Saka isa-isahin ang mga chaka at dapat iimprove sa mukha at katawan ng iyong kaharap. :)

8) Kung medyo naglalakihan ang mga tiyan dahil sa sobrang kain, gumawa ng music or beat gamit ang tiyan bilang drums. Sabayan ng dighay at indak (pwede rin ng utot)... A couple that makes music together, stays together. :)

7) Kumandirit from point A to point B. Mas malayo, mas maganda. Walang dayaan. Siguraduhing may pambili ng tubig after para walang bagang puputok...

6) Kumuha ng kapirasong tissue paper o kung wala naman kahit anong papel na malinis at di masyadong matigas. I-rolyo ito. Unti-unting ipasok sa butas ng ilong ng inyong wishart. Kung mahal ka talaga niya, papayag siya at hahatsing kung kelan mo gustuhin... (Masarap naman yung feeling ng bumabahing eh!)

5) Kakailanganin niyo ng unan. Humiga ang isa sa inyo. Pumwesto naman ang isa sa harap ng partner at maghanda para sa freefall. Siguraduhing nakapwesto ang unan sa harap ng babagsak na partner, para hindi mauwi sa kung ano man (^-^)

4) Magtanggalan ng whiteheads, blackheads, pimples, buhok sa ilong, mangilang-ngilang balbas at uban habang nasa jeep at stuck sa traffic. Nakikiskis mo din naman yan nang di mo namamalayan.

3) Humanap ng payong na tinitiklop at automatic na bumubukas. Ipatong itong pabaliktad sa hita. Pindutin ang pindutan. Instead na bumukas ang payong, biglang tataas ang handle. Iwasang mailapit ang mukha. Baka maghugis payong ang future hubby :)

2) Maghawakan ng kilikili. Left hand sa right armpit at right hand sa left armpit, ang unang makiliti, may batok!

1) Magturo ng something sa itaas habang ang siko ay nakapatong sa hita mo. Ang challenge ay kailangang pumasok ang index finger sa ilong ng jowa nang ulo lang ang ginagalaw niya. Mahirap talaga 'to, pero may mga minamalas at nasa-satisfy ang objective ng game. Minalas na ako :). Para mas kadiri piliin ang panahon na may sipon ang kalaro.

Pakibalitaan na lang ako kung may gagawin kayo dito at kung magiging successful ito.

Wednesday, June 28, 2006

bukod sa sakura, marami pang magagandang bulaklak dito sa japan. sa pagitan ng marso at abril, namumulaklak ang ume (plum) at sa buwan ng hunyo hanggang panahon ng taglagas, makikita naman ang ajisai (hydrangea). (yan ang picture kasi baka di kayo familiar sa hydrangea tulad ko).

Photobucket - Video and Image Hosting

dinala kami ng aming host father sa isang templo na maraming tanim na ajisai. iniisip niyo siguro bulaklak lang o bulaklak na naman. naisip ko rin yan. marami naman sa kalye niyan. kahit hindi na dumayo sa espesyal na mga lugar, makikita namin iyan habang naglalakad, tanim ng kapitbahay.

hindi lang namin dinayo, nagbayad pa ang host namin para makapasok kami. e sa totoo lang parang isang malaking hardin lang naman na puro ajisai ang tanim. kung ira-rationalise mo, sayang pa ang pera. pero hindi ganyan mag-isip ang hapon.

suportado nila ang local attraction. buhay na buhay ang local tourism. naisip tuloy ng isa kong kasama na sana ganyan din sa pinas. yung maliliit na bagay. hindi naman siguro kabigatan ang magbayad ng 10 piso para sa ganitong klaseng atraksyon. halimbawa, sa UP na lang (ito lang kasi ang pamilyar akong lugar). ang ganda ng university avenue kapag marso. sa gitna ng daan makikita ang sunflower (minsan monstrous sa laki). baka pwedeng i-develop yun. o kaya maghanap ng iba pang lugar (meron siguro sa may philcoa) na pwedeng pagtaniman ng sunflower na pwedeng maging local tourist spot. pwede ring lugar para sa mga pre-wedding pictures (hehehe). syempre kailangan, reasonable ang presyo at hindi magiging sorta kapitalista ang dating.

nagba-babble lang ako dito. hindi ko alam kung feasible ba yan. pero sigurado ako na marami sa kakilala ko na gugustuhing may magandang lugar na malapit at madali nilang puntahan. para magrelax at i-enjoy ang oras.

Monday, June 26, 2006

subukan nating magstart ng isang bagay.

naalala ko na isa itong activity sa logbook ng isang org ko nung college. at kanina habang nasa TA class ako, ginawa ring ito ng prof para i-demonstrate na importante ang pagkakaroon ng coherence sa isang sulatin. at kung ano ang epekto ng hindi konektadong mga ideas. sa academic writing, bagsak yan. pero dito sa gagawin natin, walang babagsak.

mekaniks:
1. magsusulat ako ng isang maigsing kwento at may itatag na mga tao.
2. itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

nakakalito ba? tingnan natin hanggang saan ito makakarating.

ang kwento (simple lang kasi hindi naman ako writer e):

Chapter 1

Salamat naman at dumating na ang dyip. Labing-limang minuto rin akong naghihintay sa ilalim ng araw. Akala ko wala na akong iiitim pero... Lagot na naman ako sa alaskador kong kapatid hindi na naman ako tatantanan nun. E sa totoo lang mas sagana naman siya sa melanin.
Sumakay na ako ng dyip at pumwesto sa likod ng drayber. Tutal malayo pa naman ang bababaan ko. Hindi na nag-antay ng pasahero ang drayber at nagsimula na kaming magbiyahe.

(Itutuloy)

hindi pa decided kung anong theme ng istorya. bahala na sila ghee, melai, at neng. kapag naging sucessful at umabot ng 10 ang nagtuloy ng kwento, ipopost ko ulit dito at tingnan natin kung paano mag-isip ang mga bloggers.

peace.

Friday, June 23, 2006

apat na araw na walang post.

nangangapa na naman ako sa ginagawa ko dito. matatapos na ang semester ng walang academic output. at bilang estudyante, kasumpa-sumpa ito.

kasalanan ko rin. hindi ko magawang maupo at tutukan ang data na matagal nang nandyan. ang daming distraction. maliliit na distraction na ako rin ang nagpapalaki.

tinatanong ko na naman ang sarili ko kung kaya ko bang tapusin ang sinimulan dito. at dahil pumunta ako dito para makakuha ng degree, hindi option ang umuwing walang natapos. pero ayaw ko namang itong tapusin ng basta-basta lang. ayaw kong bumalik sa pinas na guilty at iniisip na hindi ko ginawa ang kaya kong gawin.

at para mangyari yun, kailangang umpisahan ko na ang matagal ko na dapat na sinimulan.

at uulitin ko lang ang sinulat ko sa itaas: nangangapa na naman ako...

Tuesday, June 20, 2006

bakit kapag ang nakalagay sa YM status mo e katulad ng BUSY, DO NOT DISTURB, etc. e siya namang daming mag-PM sa iyo para makibalita? natural ba talaga sa tao na hindi sundin ang mga paalala? kaya naman pag ako'y nalolongkot at nangangailangan ng makakausap, ilalagay ko bilang status e WAG ISTORBOHIN, MARAMING GINAGAWA, etc. papansin kasi ako e.

Sunday, June 18, 2006

Biruan namin sa bahay na si papa ang bunso sa pamilya namin. Madalas magkatampuhan si papa at si bunso. Pinapatulan kasi ni papa si bunso. Pikon ang bata at sutil naman ang isip-bata si tatay.
Natatandaan ko na si papa ang naiiwan sa bahay namin, si mama ang nagtatrabaho. Si papa ang naghahabol sa amin, minsan may hawak na sinturon o tsinelas sa isang kamay at platong puno ng gulay naman sa kabila. May mga memories din ako na siya ang naglalaba ng uniform namin.
Nang naghayskul ako, ulirang rebelde ako, pasaway sa lahat ng utos ng parents. Lahat ng yata ng klaseng project naidahilan ko kapag late ako umuuwi. Naalala ko pa na sobrang pinagalitan ako ng tatay ko nung hayskul ako. Matigas daw ang ulo ako (wala pala dapat daw yan), baka hindi ako makatapos ng aral pag nagpatuloy ang pagiging pasaway ko. Umiiyak ako noon, nakaharap kay tatay (iniisip na mali siya), habang pinaplantsa niya ang uniporme ko.
Tahimik lang si tatay. Kaya pag nagsalita naman e talagang takot ako sa kanya. Hindi ko magawang makapagpaalam sa mga lakad. Pag nagsalita parang galit.
Pero iba na ngayon. Siguro dahil sa adult (naks, adult!) na ako at may mga nangyari sa pamilya namin kaya naman naging mas open kami sa isa't-isa. Mas maganda ang relasyon namin. Wala na ang takot ngayon, puno ng respeto. Kahit ano pa siguro isipin ng ibang kakilala namin na kulang kay papa, napupunan niya ang mga iyon sa ibang paraan.

Tatay, HAPPY FATHER'S DAY po!!!

--------------
Marami pa sana akong gustong isulat kaso hindi ako sanay magseryoso. At parang hindi dito ang tamang lugar.

Saturday, June 17, 2006

i've just recently appreciated our tiny balcony. dati dito lang namin sinasampay ang mga nilabhan. ngayon, naeenjoy ko na ang sunset mula sa balcony namin. ngayon lang kasi ako nakakauwi ng maaga. last year, hanggang 9pm ang klase ko araw-araw kaya naman hindi ko nadiscover na maganda pala ang view mula sa parte ng bahay namin na iyon.
Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Sarap pagmasdan ng ganyang tanawin. Nakakapag-isip ka at nagkakaroon ka ng pagkakataon na ma-appreciate ang maliliit na bagay. Tulad ng peace na nararamdaman habang nakatitig sa labas ng bintana at may hawak na yosi.

Thursday, June 15, 2006

nakabalik na ako sa haybol ko dito sa kyoto. nanggaling pala ako ng tokyo at rumaket simula lunes ng gabi hanggang miyerkoles ng gabi. pag nangangailangan ka nga naman ng datung...
at dahi puro raket lang inatupag ko at weekdaay pa, hindi nangyari ang balak kong pakikipag EB kay mami ghee . next time na lang pag mas matagal akong magstay sa tokyo.

***********
wagi ang aming selebrasyon ng independence day nung nakaraang linggo. bago ang party, may misa muna, in tagalog. first time iyong nangyari kaya naman maraming nagsabi na feel na feel nila ang misa. kaming mga estudyante ang nag-decorate, nag-emcee, nagturo ng sayaw, nagsayaw, at kumanta. all around at all over ang mga byuti ng mga iskolar kuno. first big project ng aming bagong tatag na grupo, and Kyoto Association of Pinoy Scholars o KAPS (kasi makakapal mukha namin!) at ang pinaka-importante sa lahat, kumita ang aming polvoron, pastillas at yema. hehehe. pwede naming pagkakitaan ito.

************
nung nasa tokyo ako, pinanood namin yung soccer game ng japan at australia. ang saya ng maka-iskor agad ang japan. pero minalas, hindi kinaya ang pressure kaya luhaan sila ng natapos ang laro. lalo na si fafa kawaguchi, yung goalie nila. nasayang lang lahat ang mga winner na saves niya hanggang 8 minutes bago matapos yung laro. feeling ko, dahil sa panalo ang mga tapal niya sa bola, nagfeeling ang lolo ko na kaya niya ang lahat. kaya yung isang napacrucial na side-kick ng aussie team 8 mins bago matapos ang laro, iniwan niya ang post niya at hinabol ang bola. kaso, pumunta sa kabilang side at walang depensa dun kaya madaling naipasok ang bola. at sa point na iyon nagsimulang gumuho ang japan team. biruin niyo, in 8 mins, naka 3 goals pa ang aussie team! mahina talaga sa pressure ang mga japones. sana lang may maipanalo silang game.

Sunday, June 11, 2006

May selebrasyon mamaya para sa Araw ng Kalayaan. Pupunta din daw ang Consul-General ng Osaka. Hmmm.

At para makiisa sa selebrasyon, napagpasiyahan ng aming bagong grupo na magluto at magbenta ng polvoron, pastillas, at yema. Wala ni isa man sa aming may experience na magluto niyan, pero mga matatapang kami. Sa pagbili pa lang ng ingredients, namroblema na kami. Yung pagluluto, hindi naman masyado, yung pagbabalot oo.

Walang powdered milk dito sa Japan. Halos pareho lang naman ang lasa sa paggamit ng skim milk. Mahirap palang magbalot ng polvoron. Sino ba nakaimbento na kailangang ibalot ito? Goldilocks ba nagpauso nun? Natatandaan ng ilan sa amin na pagkaluto ng mga nanay nila ng polvoron, diresto kain gamit lang ang kutsara. Kaso, alangan namang ibenta namin ng ganun di ba? Pipila, bibili ng polvoron, tapos susubuan namin? Hindi siguro kami maka-break even man lang. Ok lang siguro. Napuno naman ng halakhak ang kwarto namin simula 7pm hanggang 12am.

Hindi sa minamaliit ko ang selebrasyon ng community namin mamaya. Pero nakikita ko kasi isang malaking party lang ang mangyayari. Alam siyempre ng lahat ng Araw ng Kalayaan bukas. Ano ba dapat ang nararamdaman ng isang mamamayan mula sa isang bansang malaya? Isang araw magsasaya ang lahat pero kinabukasan, balik na naman sila sa pagiging alipin, ng kanilang mga pangangailangan, ng pangangailangan ng kanilang mga kamag-anak dito at sa pinas, ng kanilang mga asawa, ng kanilang mga amo...

May babasahin daw ang Con-Gen na mensahe mula kay PGMA. Hay naku. No comment.

Saturday, June 10, 2006

Sa tuwing maglalakad ako papuntang school, may nadadaanan akong maliit na tindahan ng gulay at prutas at iba pang paninda na dalawang matandang mag-asawa ang may-ari. Siguro nasa late 70s na sila o early 80s. Baka nga nasa late 80s pa e. Kuba na yung matandang babae pero siya pa rin ang naglalagay sa supot ng mga panindan niya. At yung matandang lalaki naman, ang... baaagaaaal... nang... mag....la....kad pero palagi pa ring nakangiti sa mga bumibili sa kanila. Silang dalawa lang palagi ang nakikita ko sa tindahan.

Ibang-iba talaga ang orientation ng mga Hapon. Sigurado akong may natatanggap na pension na ang mga iyan at hindi na nila kailangan pang magtrabaho. Pero kahit sa edad nila, pinili pa rin nilang magtrabaho. (Alam niyo ba na may namamatay dito sa pagiging workaholic? Bukod sa mataas ang suicide rate dahil sa stress?)

Gusto nila ang magtrabaho, at hindi sila umaasa sa pension lang. At kung wala man silang pension, kaya pa rin nilang suportahan ang sarili nila at hindi aasa sa iba: sa gobyerno, sa mga anak, sa mayayamang kamag-anak. Parang kung may sampung option sila kung paano suportahan ang sarili nila, baka pang labing-isa ang paghingi ng tulong sa mga anak.

Ibang-iba sa nakikita ko sa Pinas. Dahil kaya sa pag-uugali at values na hinubog ng kanilang nakaraan, ng kanilang kultra? Kaya nilang tumayo sa sarili nilang paa at mabuhay ng walang inaasahan kundi sarili nila.

Marami akong kakilalang pinoy na kaya ring gawin ito, pero kaya kaya natin ito bilang isang komunidad at isang bansa?

Wednesday, June 07, 2006

dahil madalas na akong magbasa tungkol sa humor (na dapat lang dahil ito ang topic ng MA thesis ko), share ko sa inyo itong mga bagong jokes na natanggap ko sa email. hindi mo kailangan ng malalim na analysis para matawa. read on and enjoy!

----------------

Pare1: pare parang malalim ang iniisip mo!
Pare2: nanaginip ako kagabi kasama ko 50 contestants ng Ms. Universe.
Pare1: swerte mo! ano problema mo?
Pare2: pare ako nanalo!

********
Patient: doc takot po ako sa bunot
Dentist: eto gamot pampatapang ng loob
Patient: (ininom ang gamot)
Dentist: ano matapang ka na ba?
Patient: oo doc! puta pag may gumalaw ng ngipin ko basag ang bungo!

********
1 panget na babe, hinoholdap
Holdaper: holdap ito! akin na gamit mo!
Babae: RAPE! RAPE! RAPE!
Holdaper: anong rape? holdap nga to eh!
Babae: wala lang! nagsusuggest lang...

********
In a pet shop... Customer talking to a parrot...
Customer: hoy! can you talk ha?! bobo!!!
Parrot: yes i can!!! ikaw?! can you fly ha? GAGO!!!

********
Girl: doc, pacheck-up po
Doc: sige hubad ka ng panty at bra tapos higa ka
Girl: hindi po ako, itong lola ko po
Doc: sige lola, hinga na lang po ng malalim
********
Farmer: lalaki na talaga ang aking anak kasi magsasaka na... ano ang balak mo itanim sa sakahan mo anak?
Anak: flowers papa!!! madaming-madaming flowers! pretty diba?!

naubos ko ang buong martes sa pag-aayos ng music files. gumawa ako ng folder by singers at may automatic na folder na nag-aappear para sa compilations. pag mahigit 2000 pala ang kanta, matagal kang uupo at haharap sa computer para lang ilagay ito sa ginawang folders, tapos ilipat sa itunes. buti na lang maayos na siya pagdating sa itunes. tapos sinimulan ko na ring gumawa ng playlists. meron akong oldies na kanta mula 60s, 70s, my fave 80s, 90s hits and rock songs, at rnb ng 2000 hanggang current songs. may OPM at JPOP din. kailangan may playlist ako na nakakaindak, na mapapakinggan habang nagbabasa, at bago matulog. kailangan may pampagising din. minsan mag pagka-obsessive compulsive ako. i-uupdate ko na lang mamaya ang ipod dyosa na kasama ko sa paglalakad at mahahabang biyahe.

***************

ang hirap matulog ng may sipon. dalawang oras na akong nakahiga kagabi bago ako nakatulog. sakit tuloy sa ulo pagkagising. dalawang beses na akong nagkakasakit simula May. feeling ko 10 buwan lang ang kaya ng katawan kong malayo sa pinas. naalala ko kasi nung 2000 na unang punta ko dito sa japan, dumating akong march, nagkasakit ako ng january dahil siguro sa pagod(bukod sa first time kong makaexperience n winter) na kinailangan pa akong dalhin sa ospital ng teacher ko. last year naman umuwi ako ng august pero nagkasakit din muna ako. at ngayon sampung buwan na ulit simula nang huli akong umuwi, sipon, lagnat at ubo for the past two months. dalawang buwan pa bago magbakasyon. kailangan kong umuwi para magrecharge.

****************

naaawa ako sa sarili ko pag may sakit ako, lalo na kung nandito. walang mag-aalaga sa akin. walang magtatanong kung nagugutom ba o kung anong gustong kainin. huhuhu. i want my nanay.

Monday, June 05, 2006

June na naman. Pasukan na naman. Excited na naman ang mga estudyante dahil may bagong bag at notebooks, may dahilan na naman para umalis ng bahay, at makakatanggap na naman sila ng baon.

Pero puro hindi magagandang balita ang nababasa sa sitwasyon ng edukasyon sa pinas. Kulang sa klasrum (kahit ano pang pausong komputasyon ni GMA), walang mga libro at iba pang facilities, kulang sa guro, mababang output ng mga mag-aaral, kulang sa budget. Puro na lang ba bad news, bad news, bad news? Anong silbi ng edukasyon kung hindi rin lang naman ito naibibigay sa LAHAT ng dapat makatanggap?

Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan, mukhang matagal pang magiging kawawa ang Pilipinas.

Saturday, June 03, 2006

masarap pagpawisan. at ngayong umiinit dito sa japan dahil malapit na ang summer, konting galaw lang pagpapawisan ka na. pero hindi iyan ang gusto kong pawis.

kapag kumain ka ng mainit na kanin o maanghang na ulam, lalabas ang pawis. magandang pawis iyan.

pagkatapos maglakad o tumakbo, pinagpapawisan. healthy iyan.

pero ang pinakamasarap na pawis para sa akin ang dahil sa pagsasayaw.

alam kong marunong akong magsayaw at kahit papaano malambot ang katawan ko. mas at home ako sa disco kaysa sa karaoke bar. kapag nagsasayaw ako, hindi ako nako-conscious kahit magmukha akong timang. sa tingin ko hindi ko uurungan kung may crazy dance contest. kaya kong manalo sa ganyan. pustahan pa.

nawawala sa isip ko ang mga nakaka-stress na bagay kapag sumasabay ako sa tugtog. nawawala ang lahat. ang natitira lang ay ang katawan kong umiindayog. keber sa mga kasama.

miss ko ng sumayaw. kaya naman kapag naiiwan ako sa bahay, nagwawala ako. kung yung kapitbahay kong pinoy sa baba e sumisigaw sa kanyang magic sing, ako naman kumakalabog kasabay ng BEP, ni JLo, VST, at iba pa.

gusto kong maging ballet dancer sana pero matanda na ang mga buto ko para diyan. ang matutupad ko na lang ay ang sayaw sa bangko. hindi yung traditional ha. mag-isa ako at may isang upuan. hehehe. matagal ko nang iniisip yan at siyempre, hindi for public viewing. by invitation lang.

at malamang hindi lang ako ang pagpapawisan. (lumabas din na frustrated night club dancer ako!)

*evil laugh*

Friday, June 02, 2006

tagged by Ghee

Sampung Simpleng Kasiyahan sa Buhay

1. Magandang panahong na may magandang cloud formations na kita pa rin ang asul na kalawakan. Good weather for walking.

2. Amoy ng at bulaklak.

3. Masarap na kape na ako ang nagtimpla.

4. Makatapos ng libro o article na kailangan para sa school. Mas madaling magbasa ng non-academic stuff. Magpupuyat talaga ako para sa mga ganyang libro. Pero pag academic-related na, nakakaantok.

5. Isang show na kahit walang katuturan pero sobrang nakakatawa (marami niyan dito). o kaya isang pelikula o drama na luluha ng balde-balde.

6. Isang ngiti o hello mula sa taong kakilala na nakikita sa daan.

7. Email, sulat, chat, tawag with loved-ones habang nandito ako. Kapag umuwi na ako sa pinas, tambay sa UP o kahit saan kasama ng mga kaibigan habang pinag-uusapan ang buhay sa Pilipinas at buhay ng ibang tao.

8. Masarap na pagkain na mura. O kung mahal man, libre =)

9. Kapag nagpapakilala ako sa mga tao at sinasabi kong taga-Pilipinas ako, alam nila kung saan ang Pilipinas, hindi dahil sa masasamang balita. At sasabihin nilang gusto nilang makapunta doon.

10. Realization na naiintindihan ko ang sinasabi ng kausap ko in japanese. at nakakasagot ako nang hindi nauutal o nagpapanic.

kayo, baka nakalimutan niyo na kung paano maging masaya sa dami ng hassle sa buhay. we will get by =)

Thursday, June 01, 2006

sikat ang mga kaibigan ko. successful sa mga piniling career. tulad nito na iniwan ang pagiging CPA para matupad ang pangarap maging photographer.

Inquirer fotog gets top prize in Asia photo contest

remar, di ko alam kung mapapadpad ka dito. pero nagulat ako sa pagkapanalo mo. syempre may kasamang tuwa. kongrats. pero mas nagulat pa rin ako sa space na inoccupy mo sa picture. pare, halatang marami ka ng pera. lakas mo na sigurong kumain. manlibre ka sa ababu sa august ha.

blogger templates | Make Money Online