Friday, June 23, 2006

apat na araw na walang post.

nangangapa na naman ako sa ginagawa ko dito. matatapos na ang semester ng walang academic output. at bilang estudyante, kasumpa-sumpa ito.

kasalanan ko rin. hindi ko magawang maupo at tutukan ang data na matagal nang nandyan. ang daming distraction. maliliit na distraction na ako rin ang nagpapalaki.

tinatanong ko na naman ang sarili ko kung kaya ko bang tapusin ang sinimulan dito. at dahil pumunta ako dito para makakuha ng degree, hindi option ang umuwing walang natapos. pero ayaw ko namang itong tapusin ng basta-basta lang. ayaw kong bumalik sa pinas na guilty at iniisip na hindi ko ginawa ang kaya kong gawin.

at para mangyari yun, kailangang umpisahan ko na ang matagal ko na dapat na sinimulan.

at uulitin ko lang ang sinulat ko sa itaas: nangangapa na naman ako...

4 Comments:

jairam said...

Natural lang sa buhay natin ang mangapa, minsan ito ang nagtutulak satin para magtuklas ng mga bagay bagay:)

sachiko said...

hey,you've been to Tokyo and you didn't tell me, sana nag EB tayo!

ghee said...

ganbatte,dyosa...kaya mo yan! :)

riadiosa said...

mami sachi, sandali lang ako sa Tokyo e. next time, tatagalan ko at weekend sana para libre din kayo =)

blogger templates | Make Money Online