Sunday, June 18, 2006

Biruan namin sa bahay na si papa ang bunso sa pamilya namin. Madalas magkatampuhan si papa at si bunso. Pinapatulan kasi ni papa si bunso. Pikon ang bata at sutil naman ang isip-bata si tatay.
Natatandaan ko na si papa ang naiiwan sa bahay namin, si mama ang nagtatrabaho. Si papa ang naghahabol sa amin, minsan may hawak na sinturon o tsinelas sa isang kamay at platong puno ng gulay naman sa kabila. May mga memories din ako na siya ang naglalaba ng uniform namin.
Nang naghayskul ako, ulirang rebelde ako, pasaway sa lahat ng utos ng parents. Lahat ng yata ng klaseng project naidahilan ko kapag late ako umuuwi. Naalala ko pa na sobrang pinagalitan ako ng tatay ko nung hayskul ako. Matigas daw ang ulo ako (wala pala dapat daw yan), baka hindi ako makatapos ng aral pag nagpatuloy ang pagiging pasaway ko. Umiiyak ako noon, nakaharap kay tatay (iniisip na mali siya), habang pinaplantsa niya ang uniporme ko.
Tahimik lang si tatay. Kaya pag nagsalita naman e talagang takot ako sa kanya. Hindi ko magawang makapagpaalam sa mga lakad. Pag nagsalita parang galit.
Pero iba na ngayon. Siguro dahil sa adult (naks, adult!) na ako at may mga nangyari sa pamilya namin kaya naman naging mas open kami sa isa't-isa. Mas maganda ang relasyon namin. Wala na ang takot ngayon, puno ng respeto. Kahit ano pa siguro isipin ng ibang kakilala namin na kulang kay papa, napupunan niya ang mga iyon sa ibang paraan.

Tatay, HAPPY FATHER'S DAY po!!!

--------------
Marami pa sana akong gustong isulat kaso hindi ako sanay magseryoso. At parang hindi dito ang tamang lugar.

3 Comments:

melai said...

wow! kahit hindi nagtatrabaho tatay mo... perpekto siya sa paningin ko ..bihira ang ganyan .. ang maging ilaw ng tahanan habang ang asawang babae ang tumatayong haligi ng tahanan.. mabuhay ang tatay mo sis ... sana maiparating mo sa kanya ang sinabi ko :) ..One of these days gusto ko isang katulad ng tatay mo ang maging bida sa blog ko!
P/S pareho tayo .. ang tatay ko ang nasa bahay at ang nanay ko ang nagtatrabaho... pero di gaya ng tatay mo ang tatay ko na namamalantsa ng kahit na uniporme lang ...kakaingget ka :)

Ka Uro said...

hi diosa, belated happy father's day din sa iyong tatay.

jairam said...

happy father's day kay Tatay!

blogger templates | Make Money Online