Thursday, June 15, 2006

nakabalik na ako sa haybol ko dito sa kyoto. nanggaling pala ako ng tokyo at rumaket simula lunes ng gabi hanggang miyerkoles ng gabi. pag nangangailangan ka nga naman ng datung...
at dahi puro raket lang inatupag ko at weekdaay pa, hindi nangyari ang balak kong pakikipag EB kay mami ghee . next time na lang pag mas matagal akong magstay sa tokyo.

***********
wagi ang aming selebrasyon ng independence day nung nakaraang linggo. bago ang party, may misa muna, in tagalog. first time iyong nangyari kaya naman maraming nagsabi na feel na feel nila ang misa. kaming mga estudyante ang nag-decorate, nag-emcee, nagturo ng sayaw, nagsayaw, at kumanta. all around at all over ang mga byuti ng mga iskolar kuno. first big project ng aming bagong tatag na grupo, and Kyoto Association of Pinoy Scholars o KAPS (kasi makakapal mukha namin!) at ang pinaka-importante sa lahat, kumita ang aming polvoron, pastillas at yema. hehehe. pwede naming pagkakitaan ito.

************
nung nasa tokyo ako, pinanood namin yung soccer game ng japan at australia. ang saya ng maka-iskor agad ang japan. pero minalas, hindi kinaya ang pressure kaya luhaan sila ng natapos ang laro. lalo na si fafa kawaguchi, yung goalie nila. nasayang lang lahat ang mga winner na saves niya hanggang 8 minutes bago matapos yung laro. feeling ko, dahil sa panalo ang mga tapal niya sa bola, nagfeeling ang lolo ko na kaya niya ang lahat. kaya yung isang napacrucial na side-kick ng aussie team 8 mins bago matapos ang laro, iniwan niya ang post niya at hinabol ang bola. kaso, pumunta sa kabilang side at walang depensa dun kaya madaling naipasok ang bola. at sa point na iyon nagsimulang gumuho ang japan team. biruin niyo, in 8 mins, naka 3 goals pa ang aussie team! mahina talaga sa pressure ang mga japones. sana lang may maipanalo silang game.

1 Comment:

ghee said...

sayang nga dyosa,di tayo nakapag EB,si sachiko nmn ay kauuwi lang galing sa LA..friend ko nga pala si Sachiko ;)

ganda ng selebrasyon at kudos para sa KAPS hehe.

ay naku,sama ng loob ko nun..i bblog ko sana ang Japan kung sakaling nanalo,inabangan ko,yun pala...sayang ang effort ni Nakamura.Hanga na sana ako kay kawaguchi,nung biglang...sayang :(
anyway,may susunod na laro p nmn db?

blogger templates | Make Money Online