Thursday, June 29, 2006

namimiss ko na ang boypren ko. mag-iisang taon na naman simula nang huli kaming magkita. buti na lang at magbabakasyon na at pwede akong makauwi. meron akong pinost sa luma kong blog tungkol sa mga moments namin ni lalabs. ibabahagi ko ulit dito. (either inlababo ako o wala lang ibang maiblog dahil iniisip ang thesis)

hindi naman ito bastos. baka mandiri lang kayo or mapaisip kung lahat ba ng sabay na toyo sa adobo e nahigop ko at umakyat sa utak.

kung wala kayong magawa, dahil sa sobrang pagod, walang pera, o dahil tinatamad lang here are some suggestions, tried and tested, to liven up your relationship :)

10) Kung pareho kayong teacher, magcheck na lang kayo ng mga exams... kanya-kanyang check o palitan. Together... kahit saan... forever... kahit kailan... o di ba ang sweet? (MAJOR YUCK!)

9) Pagmasdan ang isa't-isa ng matagal na sandali. Saka isa-isahin ang mga chaka at dapat iimprove sa mukha at katawan ng iyong kaharap. :)

8) Kung medyo naglalakihan ang mga tiyan dahil sa sobrang kain, gumawa ng music or beat gamit ang tiyan bilang drums. Sabayan ng dighay at indak (pwede rin ng utot)... A couple that makes music together, stays together. :)

7) Kumandirit from point A to point B. Mas malayo, mas maganda. Walang dayaan. Siguraduhing may pambili ng tubig after para walang bagang puputok...

6) Kumuha ng kapirasong tissue paper o kung wala naman kahit anong papel na malinis at di masyadong matigas. I-rolyo ito. Unti-unting ipasok sa butas ng ilong ng inyong wishart. Kung mahal ka talaga niya, papayag siya at hahatsing kung kelan mo gustuhin... (Masarap naman yung feeling ng bumabahing eh!)

5) Kakailanganin niyo ng unan. Humiga ang isa sa inyo. Pumwesto naman ang isa sa harap ng partner at maghanda para sa freefall. Siguraduhing nakapwesto ang unan sa harap ng babagsak na partner, para hindi mauwi sa kung ano man (^-^)

4) Magtanggalan ng whiteheads, blackheads, pimples, buhok sa ilong, mangilang-ngilang balbas at uban habang nasa jeep at stuck sa traffic. Nakikiskis mo din naman yan nang di mo namamalayan.

3) Humanap ng payong na tinitiklop at automatic na bumubukas. Ipatong itong pabaliktad sa hita. Pindutin ang pindutan. Instead na bumukas ang payong, biglang tataas ang handle. Iwasang mailapit ang mukha. Baka maghugis payong ang future hubby :)

2) Maghawakan ng kilikili. Left hand sa right armpit at right hand sa left armpit, ang unang makiliti, may batok!

1) Magturo ng something sa itaas habang ang siko ay nakapatong sa hita mo. Ang challenge ay kailangang pumasok ang index finger sa ilong ng jowa nang ulo lang ang ginagalaw niya. Mahirap talaga 'to, pero may mga minamalas at nasa-satisfy ang objective ng game. Minalas na ako :). Para mas kadiri piliin ang panahon na may sipon ang kalaro.

Pakibalitaan na lang ako kung may gagawin kayo dito at kung magiging successful ito.

5 Comments:

rHo said...

yahoooo.... una ako!! i-ttry ko nga yan!! hahaha! nako... kundi, mamamatay kami ni fafah kakatawa bago pa namin masimulan yung mga suggestions na inilagay mo! hahaha!

Mistyjoy said...

huhu! wala akong bf kaya inde mo masusubukan mga suggestion mo..

hmmm... ano kaya kung tawagan ko na lang yung friend kong bading para magawa namin yan at ng mabawasan ang topak ko ngayon ^_^

riadiosa said...

rho-anne, kayong mga bata kayo... ang aga pa para magkaroon ng fafah. hehe. umandar pagkamanang ko. enjoy at kung may maimbento ka share mo din.

mistyjoy, kahit sinong papayag magpauto pwede yan =)

rHo said...

ate... pwede na!!! may husband-ry na ako!! hahaha! yupz... yah heard it right!! lapit na kaming mag-1 year wedding anniv! yiheee....

kaya lang... mukhang matagal pa ulit kami magkikita!!! huhuhuhu...

yorokobee said...

hahaha!! I like no.(8)...
magawa nga!!!

many thanks for visiting my blog,
mata ne!!

blogger templates | Make Money Online