Saturday, June 10, 2006

Sa tuwing maglalakad ako papuntang school, may nadadaanan akong maliit na tindahan ng gulay at prutas at iba pang paninda na dalawang matandang mag-asawa ang may-ari. Siguro nasa late 70s na sila o early 80s. Baka nga nasa late 80s pa e. Kuba na yung matandang babae pero siya pa rin ang naglalagay sa supot ng mga panindan niya. At yung matandang lalaki naman, ang... baaagaaaal... nang... mag....la....kad pero palagi pa ring nakangiti sa mga bumibili sa kanila. Silang dalawa lang palagi ang nakikita ko sa tindahan.

Ibang-iba talaga ang orientation ng mga Hapon. Sigurado akong may natatanggap na pension na ang mga iyan at hindi na nila kailangan pang magtrabaho. Pero kahit sa edad nila, pinili pa rin nilang magtrabaho. (Alam niyo ba na may namamatay dito sa pagiging workaholic? Bukod sa mataas ang suicide rate dahil sa stress?)

Gusto nila ang magtrabaho, at hindi sila umaasa sa pension lang. At kung wala man silang pension, kaya pa rin nilang suportahan ang sarili nila at hindi aasa sa iba: sa gobyerno, sa mga anak, sa mayayamang kamag-anak. Parang kung may sampung option sila kung paano suportahan ang sarili nila, baka pang labing-isa ang paghingi ng tulong sa mga anak.

Ibang-iba sa nakikita ko sa Pinas. Dahil kaya sa pag-uugali at values na hinubog ng kanilang nakaraan, ng kanilang kultra? Kaya nilang tumayo sa sarili nilang paa at mabuhay ng walang inaasahan kundi sarili nila.

Marami akong kakilalang pinoy na kaya ring gawin ito, pero kaya kaya natin ito bilang isang komunidad at isang bansa?

4 Comments:

ghee said...

yan din ang sinabi ko sa post ko bout Mr.police officer..

workaholics sila,pero di sila marunong magunwind..

yokong magaya,minsan,parang ganon na rin ako..aargh,i need a grand vacation!!

bakit naman weekday ang punta mo sa tokyo? di tayo pwedeng mag EB,may work ako ei! :)

happy racketing day na lang!

jhay said...

Sa aking palagay ay masipag din ang mga Pilipino. Naging tamad lang nang nasakop tayo ng mga dayuhan dahil isinaksak sa atin ng mga mananakop na dumating sila para turuan tayo ng mga kung anu-ano. Kasi kung hindi sila likas na masipag, ay hindi sana nadatnan ng mga Kastila ang Banawe Rice Terraces, ang depensa at mga kanyon na gawa ni Panday Pira sa Maynila at hindi nila makikita ang maunlad na pakikipagkalakaran ng mga Sultan ng Sulu at ng mga Intsik.

At dahil nga dumating sila bago pa man tayo naging isang tunay na bansang may sariling kasarinlan, ay naging epektibo ito sa pagkakahati-hati natin, kaya nang isinilang si Rizal ay ang mga tamad na Pilipino na ang nadatnan niya na umasa sa tulong ng mga dayuhan.

riadiosa said...

alam naman natin na likas na masipag ang lahi natin. kaso syempre, hindi lahat kailangang iasa sa likas na katangian. parang yung nature vs nurture sa pagkatuto. maraming matatagumpay na pinoy. mas marami nga lang yung hindi pa nagtatagumpay.

jairam said...

Sana lang madaming opportunities dito sa Pinas para lahat maging matagumpay, di ba?

blogger templates | Make Money Online