Monday, June 26, 2006

subukan nating magstart ng isang bagay.

naalala ko na isa itong activity sa logbook ng isang org ko nung college. at kanina habang nasa TA class ako, ginawa ring ito ng prof para i-demonstrate na importante ang pagkakaroon ng coherence sa isang sulatin. at kung ano ang epekto ng hindi konektadong mga ideas. sa academic writing, bagsak yan. pero dito sa gagawin natin, walang babagsak.

mekaniks:
1. magsusulat ako ng isang maigsing kwento at may itatag na mga tao.
2. itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

nakakalito ba? tingnan natin hanggang saan ito makakarating.

ang kwento (simple lang kasi hindi naman ako writer e):

Chapter 1

Salamat naman at dumating na ang dyip. Labing-limang minuto rin akong naghihintay sa ilalim ng araw. Akala ko wala na akong iiitim pero... Lagot na naman ako sa alaskador kong kapatid hindi na naman ako tatantanan nun. E sa totoo lang mas sagana naman siya sa melanin.
Sumakay na ako ng dyip at pumwesto sa likod ng drayber. Tutal malayo pa naman ang bababaan ko. Hindi na nag-antay ng pasahero ang drayber at nagsimula na kaming magbiyahe.

(Itutuloy)

hindi pa decided kung anong theme ng istorya. bahala na sila ghee, melai, at neng. kapag naging sucessful at umabot ng 10 ang nagtuloy ng kwento, ipopost ko ulit dito at tingnan natin kung paano mag-isip ang mga bloggers.

peace.

2 Comments:

melai said...

nagawa ko na sis :)

melai said...

dyosa
pwede ko po bang irecord yung kwentong sinimulan mo at ilalagay sa isang blog o ikaw na? sayang parang nakaka aliw alagaan e :)or if uwant pwede nating ilagay sa isang blog kong hindi ginagamit yun pwedeng tayong dalawa ang magmaintain or iadd sa co-author/writer yung mga blogger na nagdugtong? para kasing bitin sa 10 thread :) naaliw po ako :)

blogger templates | Make Money Online