Friday, June 02, 2006

tagged by Ghee

Sampung Simpleng Kasiyahan sa Buhay

1. Magandang panahong na may magandang cloud formations na kita pa rin ang asul na kalawakan. Good weather for walking.

2. Amoy ng at bulaklak.

3. Masarap na kape na ako ang nagtimpla.

4. Makatapos ng libro o article na kailangan para sa school. Mas madaling magbasa ng non-academic stuff. Magpupuyat talaga ako para sa mga ganyang libro. Pero pag academic-related na, nakakaantok.

5. Isang show na kahit walang katuturan pero sobrang nakakatawa (marami niyan dito). o kaya isang pelikula o drama na luluha ng balde-balde.

6. Isang ngiti o hello mula sa taong kakilala na nakikita sa daan.

7. Email, sulat, chat, tawag with loved-ones habang nandito ako. Kapag umuwi na ako sa pinas, tambay sa UP o kahit saan kasama ng mga kaibigan habang pinag-uusapan ang buhay sa Pilipinas at buhay ng ibang tao.

8. Masarap na pagkain na mura. O kung mahal man, libre =)

9. Kapag nagpapakilala ako sa mga tao at sinasabi kong taga-Pilipinas ako, alam nila kung saan ang Pilipinas, hindi dahil sa masasamang balita. At sasabihin nilang gusto nilang makapunta doon.

10. Realization na naiintindihan ko ang sinasabi ng kausap ko in japanese. at nakakasagot ako nang hindi nauutal o nagpapanic.

kayo, baka nakalimutan niyo na kung paano maging masaya sa dami ng hassle sa buhay. we will get by =)

4 Comments:

ghee said...

dyosa,nakakarelate ako mula #1 hanggang #10 :D

good job!kitang kita ko na naaapreciate mo ang life.
keep it up! :D

jairam said...

galing ng no.8 mo ah. yun din ang gusto ko, he he!

melai said...

uy taga UP ka pala :)
taga PUP ako :)

riadiosa said...

ghee, walang mangyayari kasi kapag depressed palagi. enjoy na lang.

jairam, masarap talaga pag libre.

melai, mabuhay ang mga state U. iskolar ng bayan ka rin pala. maglilingkod ka ba sa bayan? hehehe

blogger templates | Make Money Online