Sunday, July 30, 2006

why does inflicting pain on yourself somehow pleasurable?

tulad ng pagbunot ng tumutubong buhok sa paa pagkatapos magshave.

Friday, July 28, 2006

madalas niyo bang maramdaman na wala kayong gana? walang ganang gumawa ng kahit na ano. simula ng dumating ako dito, hindi ko na mabilang kung gaano kadalas nangyari sa akin ito. pero sa totoo lang, hindi ito ang tamang panahon para mawalan ako ng gana. may mga things-to-do ako sa aking planner araw-araw pero itong buong linggo, walang na-accomplish sa mga importanteng bagay na iyon. kahapon ko tinanong sa sarili ko kung ano bang dahilan. wala akong nahanap na sagot.

********

lahat ng nangyayari at di nangyayari dito sa bahay kinaiinisan ko. isinisisi ko pa sa iba. ang kapal kong hanapin ang sagot sa ibang tao, e problema ko naman ito at ako dapat ang humanap ng solusyon.
ang nakakainis pa, ilang beses na sa aking nangyari ito pero mukhang wala akong natutunan sa mga nakaraang pagkakamali. pababalk-balik na mga tanong. hindi mahanapan ng sagot.
sana isang phase lang. at sana ito na ang huli.

*********

nakakatawa ako. ha. ha.

*********

walang wentang post. shemay...

Tuesday, July 25, 2006

SONA kahapon. Hindi ko na-figure kung paano yung video streaming sa inq7 kaya naman ngayon ko palang binabasa ang address. Nasa front page si PGMA, nakapula. Simbulo kaya ito ng pagdiriwang, tapang, nag-aalab na pagmamahal sa bayan (o sa pwesto?).

Akala ko sangkatutak na namang mga numero ang babanggitin para patunayan ang progress ng bansa. Na parang ang mga numerong iyon ay nakakabili ng bigas, nakakapagbayad ng bill sa kuryente at tubig, o kaya ay maaaring tustusin sa matrikula ng anak. Kahit pa sabihing "ayon sa figure na ito, makikitang gumiginhawa ang buhay natin" or something to that effect, iba ang nararamdaman na gumiginhawa ng buhay natin. Pero iba ang strategy yata kahapon. Wala masyadong numero, ang nandun ay mga Pilipinong ipinagmamalaki natin. Mga pinoy na nagbigay karangalan sa bansa, at sa konting sandali e nakapagkaisa ulit sa atin, at naramdaman natin na masarap maging pinoy.

Mautak.

Saturday, July 22, 2006

sakay ng huling tren, pauwi sa pinanggalingan
umupo at sumandal, handang kalimutan ang kapaligiran
sa tulong ng musikang bumubulong sa aking tenga

pumikit, handang umidlip at ipahinga ang isip
ngunit iba ang dinidikta ng aking mga mata
nais nitong manatiling dilat at magmasid

si lolo sa aking tabi, hindi na nakapaghintay
madaling natalo ang katawan sa kapagurang nararamdaman
hindi ininda ang sasakit na katawan dahil sa pagkakahiga sa upuan

si manong na matagal nakatayo, nakahanap ng mauupuan
paglapat ng puwet sa upuan, pagtagpo ng likod sa sandalan
nalasap ang panandaliang kaginhawaan

pasimple akong sumilip sa kaliwa
inayos ang upo at nagnakaw ng tingin sa aking likuran
mga mukhang hapo at lugmok na katawan aking nasaksihan

sa mga matang singkit na lalong naninigkit
mamasid ang kanilang pananabik sa tahanang uuwian
sa lambot ng kamang hintay ng kanilang katawan

Thursday, July 20, 2006

gumagana kaya ang bagong animation na dinagdag ko dito sa blog? tugma ito sa weather namin dito sa japan. walang tigil ang pagbuhos ng ulan. masarap tumambay lang sa bahay. uminom ng kape. magbabad sa harap ng tv o manood ng mga movies habang katabi ang iyong labidabs.
pero ako dito, patapos na ang semester kaya naman balik pagpapanggap ako kahit isang linggo lang. walang magawa kundi lumabas ng bahay at suungin ang ulan. walang panahon para manood ng pelikula. ang meron lang ako ay kape... at labidabs? hay... lalaklak na lang ako ng kape habang kayakap ang aking unan (na kailangan ng labhan ang punda).

Tuesday, July 18, 2006

mahal ang sine dito sa japan. 1800yen ang regular ticket price, pero sa di malamang swerte e binibigyan kami ng foreign student's discount at 1000 lang ang binabayad namin. kaya naman, naging regular movie goer na ako dito. nakakawindang nga lang kasi late kami dati. para kaming nasa probinsya at hinihintay munang matapos ang palabas sa maynila bago mapunta sa probinsya. parang yung Superman, sa august pa ipapalabas. yung X-men 3 sa september pa!
buti na lang kapag pambata, hindi inaabot ng 48 years bago i-showing dito. Photobucket - Video and Image Hostingnang makita namin na showing na ang Pirates of the Carribean 2, pinanood namin agad. Maganda, nakakatawa, nakakagulat. Basta aliw. Panoorin niyo rin. Abangan niyo yung scenes na ginawang kebab si jack sparrow. at yung scene na nagsword fight sa ibabaw ng gulong (nakalimutan ko yung tamang term pero yung parang gulong na wood na ginagamit para sa tubig).
hindi ko lang maintindihan dito sa japan, tahimik ang japanese audience sa loob ng sinehan. puno yung sinehan nang nanood kami pero boses lang namin ang naririnig na tumatawa. parang nahihiyang tumawa ang mga japanese. it boggles me.
medyo nami-miss ko tuloy ang panonood sa pinas. manonood ka habang yung tao sa likod mo kinukwento na sa katabi niya yung buong istorya: "ang mangyayari dyan ganito. susunod diyan ito". yung tao sa kaliwa mo, parang bingi at palaging sinasabi "ano daw? ano daw sinabi?". at yung nasa kanan mo naman parang hindi naiintindihan ang pelikula: "bakit nangyari yun, paano nangyari yun". swerte mo rin pag marami kang kasabay na bata. talagang feeling nila nasa sariling entertainment room nila sila at pag nagtanong sa nanay e rinig mo, kahit 5 rows ang layo sa iyo. windang ka sa audience. pero masaya. mas pipiliin ko pa rin yan kesa yung tahimik na audience habang ikaw e halos gumulong na sa katatawa.

Sunday, July 16, 2006

paano po makaka-raise ng 50million pesos sa loob ng sampung taon?
kung meron kayong alam na pilantropo na interesado, paki-email na lang po ako...


PS: seryoso po ito.

Thursday, July 13, 2006

ANAWNSMENT:

sa lahat ng gustong mabasa ang nabuong kwento ng sampu sa pinakamagaganda at natatanging bloggers, aba'y i-klik niyo lang ito:

ITAAS ANG BUDGET NG EDUKASYON!
MAKI-BAKA, WAG MATAKOT!
DON'T GIVE UP THE FIGHT,
STAND UP FOR YOUR RIGHT!


natakot ba kayo? nag-alinlangan? maniwala kayo, at i-klik niyo lang at tiyak na makikita niyo ang gusto niyong mabasa.

sa mga interesado, may dalawa pa pong kwento na hindi tapos. kapag natapos iyon, tingnan natin ang susunod na mangyayari. sana matapos na. *pressure* *pressure*

RP 17th happiest state worldwide

Maaga pa lang kailangang good news na muna ang binabasa, at hindi yung puro problema sa pulitika (na wala na yatang katapusan talaga). Sabi sa artik, una ang Vanuatu at medyo malayo sa listahan ang mga industrial countries tulad ng Italy, USA, Japan, Canada, Russia, France, Germany, at Britain. Hindi nila nabibigyan ng magandang buhay ang kanilang mamamayan habang nirerespeto ang environment.

Kung ganyan ang index nila, bakit kaya tayo nasa top 20? Masaya ang mga pinoy sa buhay nila, at naalagaan din ang kapaligiran. Hmmm... Siguro yung mga nasa probinsya ang kinuha nilang sample population. Mahirap humanap sa cities ng mga taong kuntento sa buhay nila.

Sabi ng isang taga-Vanuatu, masaya sila kasi kuntento na sila sa kakaunti. Hindi sila consumer-driven at hindi sila masyadong nag-aalala. Umiikot ang buhay nila sa pamilya, komunidad, at pakikipagtulungan sa kapwa.

Naalala ko tuloy yung pinanood kong pelikula noong weekend, Abong. Pelikula ng buhay ng mga Igorot. Simple, masaya, nabibigyan ng solusyon ang mga problema. Maraming tinalakay sa movie na ito pero share ko lang sa inyo yung isang tagpo na binebentahan sila ng solar generator para magkaroon ng kuryente ang baranggay nila. Sa kwento nung nagbebenta, amazed ang mga katutubo. Pero nagulat sila sa kailangang bayaran. Hindi daw nila alam kung saan kukunin ang pera. Explain naman ang saleslady, kapag may electricity, magkakaroon ng irrigationn, makakapagtanim sila ng marami, maibebenta nila ang kanilang mga gulay sa bayan, at dahil kikita sila may pambayad sila para sa kuryente. Marami ding tanong ang katutubo, paano ang mga daan? ang sasakyan? maintenance? at paano kung walang bumili ng produkto nila?

Umuwi ang nagbebenta bitbit ang kanyang solar generator. Napagdesisyunan ng mga katutubo na hindi nila kailangang kumita. Kumakain sila ng tama. Lahat ng kailangan nila nasa ay paligid lang. Konting lang ng buto e hindi na sila magugutom. Nirerespeto nila ang kalikasan, kaya naman nakukuha nila mula dito ang lahat ng kanilang pangangailangan.

Hay, da simpol layf. Lahat naghahangad ng masaya at magandang buhay. Hindi ko alam kung bakit hindi lahat ay naa-associate ang masaya at magandang buhay sa isang simpleng paraan ng pamumuhay.

Tuesday, July 11, 2006

hello po sa lahat. im bak(la!) from a forum i attended last weekend somewhere in nagoya, 2hours by bus from my beloved kyoto.

ang dami kong hindi na nasusubaybayang mga post. kailangang pagbutihin ko sa pagstalk ngayong linggo ng inyong mga blog nang maging updated ulet.

tinatamad pa akong magkwento at parang lumalangoy pa rin ang aking utak sa isang malalim na balon. hindi pa ito nakakaahon para harapin ang mga gawain. nagpupumilit lumagi sa loob ng malalim at madilim na balon. hangga't hindi ito umaahon, hindi nito masisilayan ang liwanag na dulot ng Apo Araw. baka naghihintay pa rin ng pilit o kaya nama'y lambing.

ano na kayang nangyari sa ating kwento? malapit nang makasampu ang grupo ni mami ghee. yehey!!! paano na kaya yung pinasa ko sa singapore at sa germany? baka konting kulit pa sa inyong mga tinagayan (o utos, pakiusap, o kung ano man) para umikot pa rin at matapos ang kwento. sana matapos na natin yan kasi may naisip na naman akong pagkakaabalahan natin. hehehe. medyo mapagparusang diosa ang drama ko ngayon.

ano ba itong post na ito? parang email. sensya na.

magsisikap ako sa susunod. (^_^)v

Thursday, July 06, 2006

anong ginagawa niyo
kapag natagpuan ang inyong sarili
na hindi makita ang direksyong
gustong tahakin?

Tuesday, July 04, 2006

dahil pinaglalaanan ng oras ng mga bloggers yung aking "bagong tag" nararapat lang na sumagot din ako sa mga TAGay na pinasa sa akin. ate neng, magpapakilala na ako! m(_ _)m

GETTING TO KNOW YOU!

Name: RIA (may ELIZA sa baptismal certificate ko pero sa birth wala, hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit)
Country: Perlas ng Silangan pero nagpapaka-___ sa lupa ng mga sakang (term of endearment ko iyan, wala sanang masaktan)
Birth Place: QC
Birth Date: Feb. 8
Zodiac Sign: Aquarius (deep,passionate,loving,pero may toyo minsan! -- kinopya ko kay mami ghee. hehehe!)
Any siblings?: Dalawang makukulit na babae. Dakilang panganay ako.
Schools: St. James, QC; St. Theresa's School, QC; UP; Kansai International University, Ritsumeikan University (last two schools in Japan) (parang ang sipag kong mag-aral!!!)
Motto: dati "If they can, why can't I" pero hindi ko naman sinunod ever. ayaw ko nang nakukumpara kase. ngayon naman, wala akong maisip e.

GETTING TO KNOW YOU MORE!

Describe yourself: sabi ng lalabs ko, maganda, seksi, mabait, mabuting kapatid. sabi naman ng nanay ko: "Ria, wag mong kutkutin yang mga tigyawat sa mukha mo, lalo kang papanget!!!" hehehe.
Favorite Food: adobo, sisig, daing na bangus, french fries, pizza, at iba pa. matakaw ako, halos lahat kinakain ko. nakakain na ako ng uod sa mindoro. ang hindi ko lang kinakaya e yung burong kanin (grabe ang amoy), at yung itlog ng malalaking langgam na inuuwi ng uncle ko.
Favorite Drinks: tubig, green mango shake, mango juice, calamansi juice, at iba pa. iwas coke na ako e.
Favorite Movie: kilig movies, nakakaiyak movies, nakakatawang movies, at movies na ini-engage ka sa pelikula
Favorite Actor: Johnny Depp, Jude Law, Eddie Garcia
Favorite Actress: Sharon Cuneta, Julia Roberts, Natalie Portman (sila lang naiisip ko ngayon e)
Favorite Song: Gary Granada's Iisa, Kasama; Bayang Barrios' Sa Piling Mo, Malayo man Malapit din, APO songs, Parokya ni Edgar's Ordertaker, at marami pang iba
Likes: eating (una talaga!), travelling, walking with Ipod Dyosa, biking kapag hindi mainit, corny and green jokes, karaoke, game center, japanese drama, anime, manga, songs
Dislikes: taong gawa sa tupperware, pagpupuyat dahil sa cramming (pero palaging nangyayari)
Chumboys: konti lang, pero sikat. hehehe.
Chumgirls: mas madami kesa chumboys

A LITTLE PERSONAL!

First crush: nakalimutan ko na pangalan pero klasmeyt ko nung kinder 2, kamukha ni paolo contis
When/where did you meet: st. james, 1986 siguro un
Who was your first kiss: lalabs
Who was your first bf: lalabs is my first bf
Describe your first bf: korni, mapagbigay, matakaw, lampa, mabuting nilalang, pero maraming kapangalang kriminal!
When/where did you met: UP faculty center, 2nd year college, 1st sem
Are you still together: yes. sana magtagal pa. like forever ba (gross na ba?)
If not why: not applicable N/A
Do have any plans to get married: meron naman
What makes you love/like him: madami, worth a separate blog entry
Do you plan to have kids: meron
How many: dati gusto ko ng anim. pero ngayon dahil mahirap ang buhay at mahirap manganak, anim na lang =)
What have you learned from the circle of life: May rason ang lahat ng nangyayari. Kapag hindi mo pinagbutihan ang isang bagay, walang ibang dapat sisihin kundi sarili mo. Kung may gusto kang gawin, simulan mo.

wala na ba? yun lang? yun na yun? hehehe.


at dahil halos lahat ng nasa list ko ay mga bagong blogmates, sana sina rho-anne, paolo, at jairam magsagot din nito para magkaalaman na tayo.

Monday, July 03, 2006

DEATH NOTE ROCKS!!!

Photobucket - Video and Image Hosting

Ang Death Note ay isang pelikulang inadapt mula sa isang manga. Ayon sa kwento, may mga notebook ang mga shinigama (god of death) kung saan doon nila sinusulat ang pangalan ng mga taong mamatay. Kapag naisulat ang pangalan doon sa notebook at walang naka-specify na dahilan ng pagkamatay, dedo na after 40 seconds dahil sa heart attack. Pwede mong ilagay ang dahilan o paraan ng pagkamatay, ang sitwasyon kung paano at kailan mamatay.

Sa pelikula, hindi malinaw kung nawala or tinapon ng death god na si Ryuku ang death note niya. Ang nakakuha ay isang university student si Raito na anak ng isang pulis. Matino, matalino yung student at nag-aaral din siya para makapasok sa police department. Na-hack niya ang computer ng police department at nakita niya na maraming kriminal ang hindi nahuhuli o kaya ay hindi pa nahahatulan. Kaya parang nadidis-ilusyon siya sa role ng kapulisan.

Napulot niya yung death note. Ang pangunahing gusto niya ang mahatulan ang mga masasama at mawala ang kriminalidad at magkaroon ng isang payapang society. Siyempre maraming twists. Kakaiba talaga mag-isip ang mga Hapon.

Kung makakapulot ako ng death note sino o ano kayang uunahin kong isulat? Atake sa Malakanyang? Lindol sa Kongreso? Magkakalat ako ng lagim....

Ikaw, magkakaroon ka ba ng lakas na loob na magsulat sa death note?

Saturday, July 01, 2006

sacrificial lamb.

ginagamit na termino sa iba't-ibang field. sumisimbolo ito sa isang tao (pwede ring bagay) na nagpaparaya o nagsasakripisyo ng kanyang sarili para sa ikabubuti ng nakararami.

lumabas ito kagabi sa BS na pinupuntahan ko. nagshare kami tungkol sa aming pamilya. tatlo kaming nag-uusap-usap at lahat ay nakaranas na mawalan ng miyembro ng pamilya.

mahirap tanggapin ang pagkamatay ng isang kapamilya. dahil sa sakit at galit, matagal bago nating makita o maunawaan ang rason kung bakit nangyari ang mga ganoong bagay.

pero kapag nawala na ang galit, malalaman natin ang dahilan sa likod ng mga hindi magagandang pangyayari. na ang kamatayan ay sumisimbolo rin ng isang bagong buhay, isang bagong kabanata.

sa pagkawala halimbawa ng tatay, nanay, o kapatid, nagbubuklod ang mga naiiwan, nagiging mas malapit. may tumatayong miyembro na nagbibigay at napagkukunan ng lakas ng loob ng bawat isa.

kahapon medyo nasagot ang matagal ko ng tanong sa pagkamatay ng kapatid ko. nag-iba ang buhay namin, ang pakikitungo ko sa pamilya ko simula ng mawala siya. hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako. pero naliwanagan ako sa mga sinabi sa amin. nalaman ko kung bakit kailangang maging sacrificial lamb ang mga magulang o kapatid natin. pinaintindi kung bakit kailangang may mga taong sinasakripisyo/nagsasakripisyo para sa nakararami. parang si Jesus ba. hindi dapat tayo humihinto sa event ng pagkamatay. kailangang malagpasan natin iyon at hanapin, alamin at intindihin kung bakit kailangang mangyari iyon.

blogger templates | Make Money Online