Tuesday, July 04, 2006

dahil pinaglalaanan ng oras ng mga bloggers yung aking "bagong tag" nararapat lang na sumagot din ako sa mga TAGay na pinasa sa akin. ate neng, magpapakilala na ako! m(_ _)m

GETTING TO KNOW YOU!

Name: RIA (may ELIZA sa baptismal certificate ko pero sa birth wala, hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit)
Country: Perlas ng Silangan pero nagpapaka-___ sa lupa ng mga sakang (term of endearment ko iyan, wala sanang masaktan)
Birth Place: QC
Birth Date: Feb. 8
Zodiac Sign: Aquarius (deep,passionate,loving,pero may toyo minsan! -- kinopya ko kay mami ghee. hehehe!)
Any siblings?: Dalawang makukulit na babae. Dakilang panganay ako.
Schools: St. James, QC; St. Theresa's School, QC; UP; Kansai International University, Ritsumeikan University (last two schools in Japan) (parang ang sipag kong mag-aral!!!)
Motto: dati "If they can, why can't I" pero hindi ko naman sinunod ever. ayaw ko nang nakukumpara kase. ngayon naman, wala akong maisip e.

GETTING TO KNOW YOU MORE!

Describe yourself: sabi ng lalabs ko, maganda, seksi, mabait, mabuting kapatid. sabi naman ng nanay ko: "Ria, wag mong kutkutin yang mga tigyawat sa mukha mo, lalo kang papanget!!!" hehehe.
Favorite Food: adobo, sisig, daing na bangus, french fries, pizza, at iba pa. matakaw ako, halos lahat kinakain ko. nakakain na ako ng uod sa mindoro. ang hindi ko lang kinakaya e yung burong kanin (grabe ang amoy), at yung itlog ng malalaking langgam na inuuwi ng uncle ko.
Favorite Drinks: tubig, green mango shake, mango juice, calamansi juice, at iba pa. iwas coke na ako e.
Favorite Movie: kilig movies, nakakaiyak movies, nakakatawang movies, at movies na ini-engage ka sa pelikula
Favorite Actor: Johnny Depp, Jude Law, Eddie Garcia
Favorite Actress: Sharon Cuneta, Julia Roberts, Natalie Portman (sila lang naiisip ko ngayon e)
Favorite Song: Gary Granada's Iisa, Kasama; Bayang Barrios' Sa Piling Mo, Malayo man Malapit din, APO songs, Parokya ni Edgar's Ordertaker, at marami pang iba
Likes: eating (una talaga!), travelling, walking with Ipod Dyosa, biking kapag hindi mainit, corny and green jokes, karaoke, game center, japanese drama, anime, manga, songs
Dislikes: taong gawa sa tupperware, pagpupuyat dahil sa cramming (pero palaging nangyayari)
Chumboys: konti lang, pero sikat. hehehe.
Chumgirls: mas madami kesa chumboys

A LITTLE PERSONAL!

First crush: nakalimutan ko na pangalan pero klasmeyt ko nung kinder 2, kamukha ni paolo contis
When/where did you meet: st. james, 1986 siguro un
Who was your first kiss: lalabs
Who was your first bf: lalabs is my first bf
Describe your first bf: korni, mapagbigay, matakaw, lampa, mabuting nilalang, pero maraming kapangalang kriminal!
When/where did you met: UP faculty center, 2nd year college, 1st sem
Are you still together: yes. sana magtagal pa. like forever ba (gross na ba?)
If not why: not applicable N/A
Do have any plans to get married: meron naman
What makes you love/like him: madami, worth a separate blog entry
Do you plan to have kids: meron
How many: dati gusto ko ng anim. pero ngayon dahil mahirap ang buhay at mahirap manganak, anim na lang =)
What have you learned from the circle of life: May rason ang lahat ng nangyayari. Kapag hindi mo pinagbutihan ang isang bagay, walang ibang dapat sisihin kundi sarili mo. Kung may gusto kang gawin, simulan mo.

wala na ba? yun lang? yun na yun? hehehe.


at dahil halos lahat ng nasa list ko ay mga bagong blogmates, sana sina rho-anne, paolo, at jairam magsagot din nito para magkaalaman na tayo.

8 Comments:

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

bah, at di pala nalashing ang Diosa! humanda ka , umpisa pa lang yan ... hehehe!

Uod ng ano yon? fresh o sinangag :D

KaDyo said...

burong kanin...tagilo tawag doon kapamapangan food yata yan hehe

Paolo said...

slambuk ito? hahaha. malagay nga sa blog ko yan.

rHo said...

hehehe... hala.. hala.. magkakaalaman na!! teka, teka.. hmmmmmm... eto na!!!

jhay said...

Nakakaaliw talaga ang mga blog tags, hehehe

PS

Kapatid, pa-link din po ang bago kong bahay, http://jrocas.com.ph

o kaya update mo na lang yung current link ko. Salamat :D

ghee said...

abaa,aquarian ka rin pala?ganon?cge,celebrate natin nang sabay ang bday natin sa hokkaido!

mas maaga ang crush mo,kinder 2 haha!

riadiosa said...

ate neng, sinangag yung kinain namin. specialty daw sa mindoro un e. kalimutan ko na pangalan.

kadyo. kumakain ka nun?

paolo, obligado kang maglagay sa blog :-p

rho, wala nang sikreto. todo na itoh! =)

jhay, will update ur link =) maaliw ka pa rin kaya kung ikaw ang biktima? hehe.

mami ghee, party! party! party! basta ang plano ko wala ako sa kyoto pag nag-27 ako =) baka mapadpad ako sa ibaraki. wag mo lang akong pakainin ng natto, ne =)

Mistyjoy said...

mukha ngang inde nalasing sa tagay na ito ang diosa. kinukulangan pa! patunay lang na sanay gumawa ng slumbook..

dont worry, marami pang tagay na darating...

blogger templates | Make Money Online