Monday, July 03, 2006

DEATH NOTE ROCKS!!!

Photobucket - Video and Image Hosting

Ang Death Note ay isang pelikulang inadapt mula sa isang manga. Ayon sa kwento, may mga notebook ang mga shinigama (god of death) kung saan doon nila sinusulat ang pangalan ng mga taong mamatay. Kapag naisulat ang pangalan doon sa notebook at walang naka-specify na dahilan ng pagkamatay, dedo na after 40 seconds dahil sa heart attack. Pwede mong ilagay ang dahilan o paraan ng pagkamatay, ang sitwasyon kung paano at kailan mamatay.

Sa pelikula, hindi malinaw kung nawala or tinapon ng death god na si Ryuku ang death note niya. Ang nakakuha ay isang university student si Raito na anak ng isang pulis. Matino, matalino yung student at nag-aaral din siya para makapasok sa police department. Na-hack niya ang computer ng police department at nakita niya na maraming kriminal ang hindi nahuhuli o kaya ay hindi pa nahahatulan. Kaya parang nadidis-ilusyon siya sa role ng kapulisan.

Napulot niya yung death note. Ang pangunahing gusto niya ang mahatulan ang mga masasama at mawala ang kriminalidad at magkaroon ng isang payapang society. Siyempre maraming twists. Kakaiba talaga mag-isip ang mga Hapon.

Kung makakapulot ako ng death note sino o ano kayang uunahin kong isulat? Atake sa Malakanyang? Lindol sa Kongreso? Magkakalat ako ng lagim....

Ikaw, magkakaroon ka ba ng lakas na loob na magsulat sa death note?

6 Comments:

ghee said...

ganda nga raw sabi ng daughter ko :)

melai said...

heheheh wag sama yan e :)

riadiosa said...

mami ghee, magkakasundo yata kami ng daughter mo :) may pagka-anime/manga freak kasi ako. kahit 50% lang naintindihan ko.

ate melai, masama pa rin ba kung masama naman ang mawawala? seryus ako ah! hehehe =)

handyfemme said...

Waaa, nakakainis naman gusto ko pa namang makita si Aoyama Sota (Matsuda sa Death Note Live Action, Ultraman Max). :(

Sensei panoorin mo yung Honey & Clover sa July 22! XD

Hindi pa malinaw sakin yung implications ng death note pero kung ako ang makakapulot nung death note ni Ryuku eh malamang gawin ko din yung ginawa ni Raito pero di kasing lala ng ginawa niya.

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

galeeeng talaga ng hapon!

kahit na mga pambata tulad ng Sailor Moon pinapanood ko rin :)

sorbetera said...

OMG!! you've watched death note!!! waa!! super adik ako diyaaaan! nabasa ko na manga pero di ko pa napapanood movie... huhuhuu wala sa pinas yan eh.. waaaa!!!! inggit akooo!!

blogger templates | Make Money Online