Thursday, July 20, 2006

gumagana kaya ang bagong animation na dinagdag ko dito sa blog? tugma ito sa weather namin dito sa japan. walang tigil ang pagbuhos ng ulan. masarap tumambay lang sa bahay. uminom ng kape. magbabad sa harap ng tv o manood ng mga movies habang katabi ang iyong labidabs.
pero ako dito, patapos na ang semester kaya naman balik pagpapanggap ako kahit isang linggo lang. walang magawa kundi lumabas ng bahay at suungin ang ulan. walang panahon para manood ng pelikula. ang meron lang ako ay kape... at labidabs? hay... lalaklak na lang ako ng kape habang kayakap ang aking unan (na kailangan ng labhan ang punda).

11 Comments:

Linguist-in-Waiting said...

Kawawang Dyosa....

riadiosa said...

uy lolo, bakasyon ka pa rin? malapit na akong hindi maging kawawa... =)

rHo said...

dito naman te sobrang init!!! ay nako... pero oks lang, feeling ko e nasa pinas ako!! yiheeee... "in the heat of summer sunshine..." la la la la.. tra la la!

napapakanta ako!! poooteeek!!

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

pahenge naman ng ilang patak, natutuyot na ang buntot ko sa sobrang init sa amin :D

riadiosa said...

rho, umuulan dito pero malagkit pa rin! grabers! yakiness!!!
ate neng, hindi lang patak. bigyan kita ng isang dam para mapraktis mo pa ang sirena moves mo :)

Ka Uro said...

wala akong nakitang animation :(

lojik said...

kape, kape,kape! sarap magkape! lalo na ngayon malamig...i really love coffee...


anong animation ang nilagay mo? di ko ata marecognize?!?

m0nai said...

exchange student ka po ba?

Ann said...

Kakamiss ang ulan....ok na yan kaysa sa sobrang init.

Wala rin akong makitang animation.

riadiosa said...

siguro ung ulan na dinagdag ko e makikita lang pag IE ang browser. chaka! kape na lang po tayo. ano orders niyo? =)

Linguist-in-Waiting said...

Dyosa,

Isang linggo pa at uuwi na rin ako, sa wakas...

blogger templates | Make Money Online