Tuesday, July 18, 2006

mahal ang sine dito sa japan. 1800yen ang regular ticket price, pero sa di malamang swerte e binibigyan kami ng foreign student's discount at 1000 lang ang binabayad namin. kaya naman, naging regular movie goer na ako dito. nakakawindang nga lang kasi late kami dati. para kaming nasa probinsya at hinihintay munang matapos ang palabas sa maynila bago mapunta sa probinsya. parang yung Superman, sa august pa ipapalabas. yung X-men 3 sa september pa!
buti na lang kapag pambata, hindi inaabot ng 48 years bago i-showing dito. Photobucket - Video and Image Hostingnang makita namin na showing na ang Pirates of the Carribean 2, pinanood namin agad. Maganda, nakakatawa, nakakagulat. Basta aliw. Panoorin niyo rin. Abangan niyo yung scenes na ginawang kebab si jack sparrow. at yung scene na nagsword fight sa ibabaw ng gulong (nakalimutan ko yung tamang term pero yung parang gulong na wood na ginagamit para sa tubig).
hindi ko lang maintindihan dito sa japan, tahimik ang japanese audience sa loob ng sinehan. puno yung sinehan nang nanood kami pero boses lang namin ang naririnig na tumatawa. parang nahihiyang tumawa ang mga japanese. it boggles me.
medyo nami-miss ko tuloy ang panonood sa pinas. manonood ka habang yung tao sa likod mo kinukwento na sa katabi niya yung buong istorya: "ang mangyayari dyan ganito. susunod diyan ito". yung tao sa kaliwa mo, parang bingi at palaging sinasabi "ano daw? ano daw sinabi?". at yung nasa kanan mo naman parang hindi naiintindihan ang pelikula: "bakit nangyari yun, paano nangyari yun". swerte mo rin pag marami kang kasabay na bata. talagang feeling nila nasa sariling entertainment room nila sila at pag nagtanong sa nanay e rinig mo, kahit 5 rows ang layo sa iyo. windang ka sa audience. pero masaya. mas pipiliin ko pa rin yan kesa yung tahimik na audience habang ikaw e halos gumulong na sa katatawa.

6 Comments:

Mistyjoy said...

hay... di pala ako pede magsine kapag napunta ako dyan. ako kc yung taong maingay kapag nanonood ng sine lalo pag suspense at comedy. sabay palo sa braso at hita ng kasama ko nyahaha! :)

Ann said...

Buti nga sa inyo kahit late may napapanood kayo, kami rito walang sinehan...hehehe. Wait lang sa DVD.

rHo said...

papanoorin ko yan this coming weekend!!! yeheeeey... excited na ako! kay tagal kong hinintay yan, lagi kasing sold-out ang ticket!! buseeeetttt.... hmpppf!!

Flex J! said...

Baka di nila naiintindihan yung movie kaya tahimik. lolz

Panonoorin ko rin yan para masaya!

riadiosa said...

misty, dapat magsama tayo! gusto ko rin ng maingay kasama. hehehe.
mami ann, hirap naman niyan. di ko yata kakayanin dyan.pero kung kasama naman buong family, keri na!
rho, kay jack sparrow ka ba o will turner? ako kay elizabeth! hahahah!
FJ, musta? miss ko na inspiring posts mo! may subs naman nung nanood kami. baka mabagal lang sila magbasa. bwahahaha!

Linguist-in-Waiting said...

Waterwheel ang term na nakalimutan mo...

blogger templates | Make Money Online