Thursday, July 13, 2006

RP 17th happiest state worldwide

Maaga pa lang kailangang good news na muna ang binabasa, at hindi yung puro problema sa pulitika (na wala na yatang katapusan talaga). Sabi sa artik, una ang Vanuatu at medyo malayo sa listahan ang mga industrial countries tulad ng Italy, USA, Japan, Canada, Russia, France, Germany, at Britain. Hindi nila nabibigyan ng magandang buhay ang kanilang mamamayan habang nirerespeto ang environment.

Kung ganyan ang index nila, bakit kaya tayo nasa top 20? Masaya ang mga pinoy sa buhay nila, at naalagaan din ang kapaligiran. Hmmm... Siguro yung mga nasa probinsya ang kinuha nilang sample population. Mahirap humanap sa cities ng mga taong kuntento sa buhay nila.

Sabi ng isang taga-Vanuatu, masaya sila kasi kuntento na sila sa kakaunti. Hindi sila consumer-driven at hindi sila masyadong nag-aalala. Umiikot ang buhay nila sa pamilya, komunidad, at pakikipagtulungan sa kapwa.

Naalala ko tuloy yung pinanood kong pelikula noong weekend, Abong. Pelikula ng buhay ng mga Igorot. Simple, masaya, nabibigyan ng solusyon ang mga problema. Maraming tinalakay sa movie na ito pero share ko lang sa inyo yung isang tagpo na binebentahan sila ng solar generator para magkaroon ng kuryente ang baranggay nila. Sa kwento nung nagbebenta, amazed ang mga katutubo. Pero nagulat sila sa kailangang bayaran. Hindi daw nila alam kung saan kukunin ang pera. Explain naman ang saleslady, kapag may electricity, magkakaroon ng irrigationn, makakapagtanim sila ng marami, maibebenta nila ang kanilang mga gulay sa bayan, at dahil kikita sila may pambayad sila para sa kuryente. Marami ding tanong ang katutubo, paano ang mga daan? ang sasakyan? maintenance? at paano kung walang bumili ng produkto nila?

Umuwi ang nagbebenta bitbit ang kanyang solar generator. Napagdesisyunan ng mga katutubo na hindi nila kailangang kumita. Kumakain sila ng tama. Lahat ng kailangan nila nasa ay paligid lang. Konting lang ng buto e hindi na sila magugutom. Nirerespeto nila ang kalikasan, kaya naman nakukuha nila mula dito ang lahat ng kanilang pangangailangan.

Hay, da simpol layf. Lahat naghahangad ng masaya at magandang buhay. Hindi ko alam kung bakit hindi lahat ay naa-associate ang masaya at magandang buhay sa isang simpleng paraan ng pamumuhay.

2 Comments:

Paolo said...

pang 17 lang ang pinas? cguro kasi wala tayo sa pinas during the survey.

melai said...

kung ganyan sana kasimple ang pag-iisip ng gobyerno e di masayang nabubuhay ang mga pinoy ..kaso hindi e ..nakukulangan kasi sila sa maliit na kinikita nila ..kaya gagawa sila ng mga proyekto kuno na mangangailangan ng malaking pera at syempre dahil walang pondo uutang sa WB ang siste bbigyan sila ng pondo at ang malaking bahagi napupunta lang sa bulsa nila .. at hindi na matutugunan yung nakabinbing proyekto :( nakabinbin na ang proyekto malaki pa ang pera na babayaran sa pautang tsk tsk tsk tsk ...sana nga lang ganun kasimple mag-isip ang mga bos tsip natin

blogger templates | Make Money Online