Tuesday, July 25, 2006

SONA kahapon. Hindi ko na-figure kung paano yung video streaming sa inq7 kaya naman ngayon ko palang binabasa ang address. Nasa front page si PGMA, nakapula. Simbulo kaya ito ng pagdiriwang, tapang, nag-aalab na pagmamahal sa bayan (o sa pwesto?).

Akala ko sangkatutak na namang mga numero ang babanggitin para patunayan ang progress ng bansa. Na parang ang mga numerong iyon ay nakakabili ng bigas, nakakapagbayad ng bill sa kuryente at tubig, o kaya ay maaaring tustusin sa matrikula ng anak. Kahit pa sabihing "ayon sa figure na ito, makikitang gumiginhawa ang buhay natin" or something to that effect, iba ang nararamdaman na gumiginhawa ng buhay natin. Pero iba ang strategy yata kahapon. Wala masyadong numero, ang nandun ay mga Pilipinong ipinagmamalaki natin. Mga pinoy na nagbigay karangalan sa bansa, at sa konting sandali e nakapagkaisa ulit sa atin, at naramdaman natin na masarap maging pinoy.

Mautak.

4 Comments:

lojik said...

wala lang siyang maireport na sariling accomplishment o accomplishment ng gobyerno...

parang pangangampanya lang ginawa niya kahapon eh. SONA ba yun? asan dun ang TUNAY na state of the nation? pasalamat siya, maulan... swerte pa rin siya. pero matatapos na swerte niya.

ralphT said...

a very nice observation... but then, havent you asked yourself kung bakit puro palakpakan na lang ang sona? every phrase (hindi pa nga tapos yun sentence) pumapalakpak na? kalokohan... scripted... parang sa mga tv shows na may 'applause' sign na nag-fflash...

Ann said...

Sabi nung anak ko, "Mama, ganun ba talaga ang SONA? after every phrase or sentence ay kelangan kang pumalakpak?" A very innocent question.

Paolo said...

hay nako, nag effort pa c gma sa powerpoint presentation nya.

sana lang eh ma accomplish nya yung mga pinagsasabi nya. haaay

puro kaplastikan. lalo na yung mga pumapalakpak.

inuulan cya ng kamalasan ngaun, isama mo na ang paguwi ng mga pinoy sa lebanon at pagsabog ng bulkan, lolz

blogger templates | Make Money Online