Wednesday, August 23, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting

been there done that ang drama ko. at pag hindi pa naghihirap ang pitaka next year, baka umulit pa! ang saya-saya. ang init-init. ang itim-itim ko!

30 minutes pala bago ko naipost ito. bibisita ako sa inyong mga bahay after sept 1. miss ko na ang mabilis na internet connection.

salamat sa pagdaan niyo =)

Monday, August 14, 2006

Hindi pa ito maayos na post. Pagbalik ko na lang siguro sa land of the rising sun ang mahabang update.

May nakikilala ba kayong wika?

Photobucket - Video and Image Hosting


Poster mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Tuesday, August 08, 2006

nabuhay po ako. walang matinong post dahil lutang pa. nice to be back. polusyon, trapok, init, bagyo, basura, baha... ok lang, walang problema... kasama yan sa mahal ko sa pinas...

nagparamdam lang...

Wednesday, August 02, 2006

kaldereta
kare-kare
sisig
isaw
squidballs
kwek-kwek
mangga
binyag
davao
kadayawan
eat bulaga
nuts entertainment
sunken garden
cinemalaya
chocolate kiss
UP chapel
Conspiracy
Bros. Mustache
Saguio
blockmates
orgmates
deptmates
calamansi juice
green mango shake
manila bay sunset
yellowcab pizza
thai kitchen
jollibee

PINAS!!!! here i come....

Tuesday, August 01, 2006

Ang Agosto ang Buwan ng mga Wika. Bakit? Kasi sa Agosto pumapatak ang kaarawan ni Manuel Quezon, unang presidente ng commonwealth. Dati, Linggo ng Wika lang ang pinagdiriwang sa school. Ikatlong linggo, kasi August 19 ang kaarawan ni Manuel Quezon. Siya ang tinaguriang Ama ng Pambansang Wika (or something similar) dahil sa ilalim ng pamumuno niya naging aktibo ang paggawa ng mga patakaran patungkol sa wika.

Konting crash course. Nung panahon ng Spain, hindi tayo hinayaang makapag-aral ng Spanish. May mga nakapag-aral pero karamihan eh matataas ang status sa lipunan. Ang nangyari, ang mga Spaniards ang nag-aral ng iba't-ibang wika sa pinas. Nang panahon ng Amerikano, na-establish ang public school system, natuto tayo ng English dahil tinuro ito sa school. Nung panahon ng Hapon, mas pinaboran nila na pagyamanin natin ang sariling wika.

Balik tayo kay Manuel Quezon. Yung sitwasyon ng pinas, maraming isla, maraming ethno-linguistic groups, iba-iba ang wika, watak-watak tayo. Para magkaroon tayo ng simbolo ng pagkakaisa, napagdesisyunang magkaroon ng pambansang wika. Kahit na English ang gamit nun, hindi ito pwedeng ikonsider na pambansang wika. Naturalmente, banyaga pa rin yan. Kaya naman, isang katangian ng pambansang wika e dapat ito ay indigenous. Maraming kinonsider na dahilan at sa huli ay pinili ng kongreso ang Tagalog na siyang pagyayamanin para maging pambansang wika. Ito ang sinasalita sa Maynila, developed ang Maynila, at taga-Tayabas si Quezon. Pero dahil masyadong limiting ang term na Tagalog at ito ay tumutukoy sa isang specific na grupo, pinalitan ito at ginawang Pilipino na siyang itinuro sa paaralan, gamit ang Balarila (naalala niyo pa ba ito) na ginawa ni Lope K. Santos (pronounced as Lope Ka Santos, para tagalog na tagalog). Naging prescriptive ang libro, kung saan kahit mga Tagalog native speakers e nahihirapan. Nagalit ang ibang lingustic groups (lalo na ang mga Cebuano) dahil kung bilang ng speakers din lang naman ang pagbabatayan, di hamak na mas madami sila. Hanggang ngayon, maraming Cebuano na resistant sa Tagalog. Mas gugustuhin pa nilang matuto ng ingles kesa Filipino.

Saan naman galing ang Filipino? Nakalagay sa konstitusyon natin na Filipino ang pambansang wika, na nakabase sa Tagalog at patuloy na pinagyayaman. Pagyayaman sa pamamagitan ng pag-incorporate ng mga salita mula sa ibang indigenous at foreign language. /P/ at /F/ lamang ang nakikitang pagkakaiba sa una at kasalukuyang tawag sa pambansang wika pero dito palang makikita ang pagsama ng ibang elemento mula sa ibang wika maliban sa Tagalog. Kung hindi kayo pamilyar, may mga wika sa Pilipinas, particularly sa Luzon, halimbawa ay GADDANG, na may tunog na /f/ at /v/.

Alam ng lahat na meron tayong 7000+ na isla (lowtide o hightide?) pero alam ba nating lahat na meron tayong higit na 100 na iba-ibang language? Dati sinasabi natin na maliban sa Tagalog, ang lahat ng ginagamit na wika sa pinas e dialect. Yung termino kasing dialect may connotation na mas mababa ang status kesa sa language. Yung mahigit 100 na wika natin, magkakahawig ang istruktura pero magkakaiba pa rin. Halimbawa sa Tagalog gumagamit tayo ng ang, ng, sa, bago ang isang noun. Ganun din sa Ilokano at sa Bikolano. May paraan tayo para magkaroon ng indikasyon kung natapos na ang isang aksyon. Magkakatulad yan. Ang pinagkaiba lamang ay mga salita. Kaya naman pag nag-usap ang Pangasinense at Tausug, gamit ang sarili nilang wika baka mauwi lang sa sapakan o sabunutan dahil hindi sila magkakaintindihan.

Tapos makikigulo pa ang Ingles, na hindi natin maikakaila na importante lalo na't nawawalan na divisions at borders ang mga bagay-bagay, dahil sa internet, globalisation, at iba pa. Kapag may nakilala ka mula sa ibang bansa at kailangan mong makipag-interact, hahanap kayo ng isang wika para magkaintindihan (kahit pa sabihing mas ginagamit natin ang non-verbal langugae kesa sa verbal). At malamang sa hindi, English ang magiging common na language niyo. Lalo na sa bansang katulad natin na ineexport ang human resources, kailangang bigyan mo ng kahit isang sandata ang tao. Matuto ng Ingles. Ang daming kaakibat na isyu.

O di ba? Masalimuot ang language situation natin. Ang sarap pag-aralan. At lahat, may masasabi. Dapat lamang na may inilalaang panahon para sa pagpupugay at pagpapahalaga, hindi lamang ng Tagalog kundi lahat ng wikang sinasalita ng 84million na Pilipino.

blogger templates | Make Money Online