Thursday, September 28, 2006

Photobucket - Video and Image HostingIsang araw umupo ako sa ilalim ng maple tree. Habang humihithit ako ng yosi, napatingin ako sa itaas at nakita na may mga tatlong dahong namumula na. Maaga pa para mamula. Kung ikukumpara sa tao, maaga silang nagdalaga (o nagbinata). Samantalang ang mga kasama nila, ineenjoy pa ang pagiging green. Napaisip ako at naikumpara ito sa tao. Paano kung sa isang grupo, may mga taong mas mabilis na magmature kesa sa iba? Mas mabilis na umabot sa susunod na baitang ng buhay? Maganda ba na nauna silang naka-experience ng mga bagong bagay? O malungkot ba dahil nauna sila habang ang iba ay sabay-sabay na mararamdaman ang mga pagbabago?


Photobucket - Video and Image HostingHabang iniisip ko ito, napatingin ako sa ibaba at iba naman ang nakita ko. Mga nalagas ng dahon ng maple. Kulay berde pa. Ito siguro ang pinakamalungkot. Yung hindi na binigyan ng pagkakataon ng inang kalikasan na maramdaman ang susunod na yugto ng kanyang buhay bilang isang dahon. Hindi na niya mararamdaman ang kanyang pag-mature. Hindi na siya titingalain ng mga tao at hahangaan dahil sa ganda ng kanyang angkin. Matutuyo na lang siya. Hindi na niya mararanasan ang buong cylce ng isang maple leaf.

****************
(Yung unang larawan ay hindi larawan ng maple. Malabo kasi yung kuha ko kaya yan na lang ang pinili ko.)

2 Comments:

rHo said...

sa nauna mong tanong?! parang both sides eh, may advantage and disadvantages kapag nauna sigurong mag-mature. syempre pag nauna ka, meron ka ng maibibigay na tips sa susunod sa'yo... pero ang pinakamasaklap e maramdaman mong lahat ng sakit ng mag-isa! waaahhhh....

riadiosa said...

korek ka dyan kafatid! chaka tlga pag ikaw lang ang nakakaramdam ng saki at wala kang mapag-share-an.

blogger templates | Make Money Online