Monday, September 04, 2006

isang buwan sa pilipinas. parang walang pinagbago. o mas mabuti sigurong sabihing, walang magandang pinagbago. mas maraming nagrereklamo sa hirap ng buhay, sa taas ng bilihin. mas maraming nagugutom. mas maraming batang nasa lansangan.

nakakalungkot talagang isipin na sa bansang kinalakihan at minamahal ay patuloy ang pagdami ng taong gustong kumalawa. taong gustong maranasan ang konting ginhawa sa buhay. gustong maramdaman kung paano magtrabaho at malasap ang bunga ng pinagpaguran.

ano nga ba ang pakiramdam nang magtrabaho ng parang kabayo? matapos mapagod ng katawan ay utak naman ang mawiwindang kung paano pagkakasyahin ang kakarampot na kinita.

natatakot na ako sa nalalapit kong pag-uwi sa bansa at pagsisimula ng bagong buhay.

7 Comments:

karmi said...

3 weeks lang ako nung nagbakasyon ako sa pinas.. at tama ka po, ramdam ang paghihirap sa pinas..

marami sa aking mga kakilala ang nagtatanong kung may alam ba akong mapapasukan nila dahil ayaw na nilang maghirap.. papalubog na raw ang pinas..

nakakalungkot isipin na, baka wala nang pinoy ang mag nais na manirahan sa pinas.. baka mawala na ang mga pinoy...

pero, kahit na ganon, masaya pa rin ang dumalaw sa pinas!!! iba pa rin ang pinas diba ate? :)

riadiosa said...

hi karmi! iba ang feeling ng dumadalaw at yung tumitira. pero parehong masaya talaga iyan. hindi ka na ba titira sa pinas?

rHo said...

kakauwi ko lang sa pinas... at tama ka nga te, ganun pa rin! pero ang pinagtataka ko naman, kahit ganun ang kalagayan sa pilipinas... marami pa rin naman sa atin ang hindi nakakalimot ngumiti! nakakagaan ng loob...

haay... miz ko pa rin ang pilipinas! pag tumanda ako, don talaga ako titira!! haaay ya yaaaayy...

karmi said...

may balak pa rin naman po.. pero, baka matagalan pa.. ang mga magulang ko, gusto sa pinas tumanda.. ayaw nila dito sa states kasi kahit mga senior citizens na, nagtatrabaho pa rin.. gusto nila ung relax na...

ganon din siguro ang gusto ko.. ang tumanda sa pinas....

riadiosa said...

rho-anne at karmi, ay bakit ganun? gusto niyo lang tumanda sa pinas? pag matanada na, wala ka ng maibibigay sa bansa, ikaw na lang ang tatanggap di ba? hehehe. yikes,lumalabas lang ang konting pagkamakabayan ko. pero alam ko na naman na in your own way e may maibibigay kayo sa ating inang bayan =)

Ann said...

Lahat naman tayo gustong sa pinas manirahan kung pwede nga lang. Kaya lang syempre may mga priorities tayo tulad namin, may mga anak na gustong bigyan ng magandang bukas. Sana nga lang maging maganda na ang gobyerno natin para wala nang aalis na pinoy, or gumanda man lang ang buhay ng mga naiwang pinoy.

riadiosa said...

mommy ann, pareho po tayo ng iniisip. kaya naman hindi ko rin masisi ang mga kaibigang umaalis, kasi karapatan nilang maranasan yung magtrabaho at maenjoy ang pinagpaguran. sa pinas, sa ngayon, malabo yun. at ibang usapan ulit pag may mga taong umaasa sa iyo di ba? palagi na lang kasama sa dasal ko na may magbago sa bansa natin, para sa ikabubuti ng nakararami.

blogger templates | Make Money Online