Friday, September 15, 2006

katatapos lang isang segment sa talk show na pinapanood. isang topic nila ay tungkol na naman sa pagiging mababa ng birth rate ng japan. may mga guest na nagbibigay ng paraan para magcope-up sa future na sitwasyon nila kapag patuloy na hindi tataas ang birth rate. kapag nagpatuloy daw kasi mabubura na ang lahing hapon sa mundo pagdating ng taong 2300.

ang isang inoffer na opinyon na isang guest (ekonomista yata) ay kailangang mag-aral na ang mga hapon ng tagalog. syempre na-peak ang interes ko at bigla akong napabangon dahil sa narinig ko (sa kahit anong topic na nababanggit ang pinas).

ang rason: dahil puro matatanda ang hapon, kinakailangan nila ng mag-aalaga. at syempre hindi na naman kayang alagaan ng isang matanda ang kapwa matanda, di ba? kaya naman kakailanganin nila ng mga foreigners para maging nurses, caregivers, para may mag-alaga sila. at doon papasok sa eksena ang pinoy. dahil ang mga pinoy ang mag-aalaga sa kanila, kakailanganin nilang matuto ng tagalog. nabanggit din na magiging mabuting tagapag-alaga ang mga pinoy dahil sa ating relihiyon. bilang mga kristyano, na paniniwala natin na kailangang alagaan ang mga matatanda. magandang punto. nagulat ako dahil biglang nagsalita ang host (na sikat na sikat, parang dolphy ang status) ng "magandan hapon po". bigla pumasok lang sa isip ko na siguro nakapasok ang artistang ito sa isang bar at naturuan ng mga pinoy na entertainer.

kakaibang view ito. dahil sa kasalukuyan, ang mga nagnanais na magtrabaho dito ay kinakailangang mag-aral ng japanese. para siguradong magkakaintindihan sila ng mga amo nila. (sa totoo lang, ang mga alam kong language program na ikinakabit sa care-giving program ay hindi sapat para maging handa ang isang pinoy na makipag-usap sa isang hapon. mahirap itong aralin. hindi ito namamaster sa maigsing panahon. bukod pa yan sa mga technical terms tulad ng gamot, sakit, etc.) baka mas makatulong nga kung mag-aaral ang hapon ng tagalog at ang pinoy ng hapon.

isang maganda oportunidad na naman ito para sa mga pinoy na nagnanais (o nangangailangan)
mangibang bansa para matustusan ang pangangailangan ng pamilya (noong isang araw lang, nagkaroon ng pirmahan sa pagitan ng pinas at japan na pinapayagaan ang pagtanggap ng 1000 nurses/caregivers na pinoy upang makapagtrabaho sa japan). isang sampla din, kung tutuusin, dahil kung lahat ng may kapabilidad na mag-alaga ay matutuksong mangibang bansa, sino naman mag-aalaga sa mga matatanda natin?

2 Comments:

dangkin said...

kung patuloy na umalis ang mga tao sa pinas punta sa ibang bansa, baka dumating ang panahon ng wala ng ring matira dun.. pagdating ng panahon na yun, baka ibang lahi na rin ang mag o-occupar ng ating pinaka-mahal na bansa at bakasakaling tumaas ng kalidad ng ating pera? hmmm...

sachiko said...

good question..hindi lang brain drain ang mangyayari if this trend continues.

blogger templates | Make Money Online