Monday, September 11, 2006

Photobucket - Video and Image Hostinglimang taon na ang nakalilipas. nasa kobe ako noon. exchange student. hindi na masyadong bata pero walang alam (pwede ring walang pakialam) sa mga nangyayari sa paligid hangga't hindi direktang makakaapekto sa akin.

nasa bahay ako ng administrator ng aming apartment. nakalibre yata ako ng dinner nun at nagpalipas oras muna para makipagkwentuhan. binuksan ang tv at dun ko nakita na may eroplanong bumunggo sa isa sa twin towers sa new york. aksidente, ang una kong naisip. hindi ako masyadong nagambala at patuloy pa rin ang pakikipagkwentuhan.

umuwi ako at binuksan ang tv. ayun pa rin ang pinapakita. nasusunog ang twin towers. at pinapakita kung paano ito nangyari. sa limited kong kaalaman sa japanese, nalaman ko na hindi ito aksidente. wala akong ibang magawa dahil tv lang ang meron ako nun. wala akong cable at ang report ay nasa wikang hapon. wala akong access sa internet kaya hindi ko malaman talaga kung ano ba talaga ang nangyayari.

habang nanonood ako, biglang kumalabog ang aking pinto. binuksan ko ito at nandun sa aking pintuan ang isang malaking taong nakatira sa 2nd floor ng apartment namin. amerikano sya, humihingal habang tinatanong kung ano bang nangyayari. tulad ko, wala siyang cable at hindi malaman kung ano ang nangyayari. sa abot ng aking makakaya ng panahong yun, pinaliwanag ko kung anong naiintindihan ko. nagpanic siya, di malaman ang gagawin. bumalik na lang siya sa kanyang kwarto.

limang taon. parang ang tagal na. malayo na sa aking alaala ang mga eksaktong detalye. pero sa kasalukuyan, nararamdaman natin ang resulta ng pangyayaring iyon.

sabi ng amerika "we will never forget". ang daming interpretasyon. sana nga ang hindi nila makalimutan ay mga taong walang malay, tahimik na nabubuhay, na sa isang iglap ay pinagkaitan na ng pagkakataon para lasapin ang sarap at pait ng pamumuhay sa mundo.

3 Comments:

melai said...

magdamag kaming gising niyan, si nanay ko nandto sa Singapore habang kami naman nasa pinas ... hayyy parang feeling ko nun end of the world na

rHo said...

nasa pilipinas pa ako ng mga panahong yan pero disturbed kami dahil may mga kamag-anak kaming malapit sa insidente! haaay.. sana matapos na ang lahat ng kaguluhan noh!?

dangkin said...

sana nga matapos na ang lahat ng kaguluhan na 'to..nakakatakot mag byahe minsan dahil di mo alam kung ano mangyari sa inyo sa kalawakan.. hayyy...

blogger templates | Make Money Online