Friday, September 08, 2006

Nung simula ng taon, medyo buo na ang loob ko na umuwi sa pinas pagkatapos ng program ko dito. Naramdaman ko na sapat na sa akin ang dalawa't kalahating taon na pag-aaral dito sa Japan. At kailangan ng umuwi para makapagsimula ng panibagong tsapter ng buhay. May balak pa rin naman akong mag-aral pero hindi na dito. Sa ibang lugar naman, at ito rin ang payo ng aking departamento.

Pero bago ako nagbakasyon may nabisita akong website ng isang Japanese university na may program na medyo napukaw ang aking interes. Maaari akong mag-apply para ituloy na ang pag-aaral ko dito pagkatapos ng current program ko na matatapos sa March.

Para makapagpatuloy, kailangang humingi ng extension ng program (read:allowance), siguro para sa susunod na tatlong taon. Mahal kasi ang tuition fee at cost of living dito kaya lahat ng Pinoy na nag-aaral ay sinusuportahan ng iba't-ibang scholarship program. May mga kakilala ako na katulad ng sa program ko na nakapag-extend. Kaya naman, medyo kampante ako na pwede rin akong magtagal pa dito.

Mali ang akala ko. Tinanong ko sa international office kung ano ang gagawin para makapag-extend. Wala pala akong karapatan. May maliit na pagkakaiba sa akin at sa ibang scholars dito. Sila kasi ay sa Japan embassy nag-apply. At ako naman ay recommended ng university ko. Iisa lang ang nagbibigay sa amin ng baon, pero ang nagbabayad ng tuition fee ko ay ang host university ko dito. At wala silang budget para sa mga taong gustong magpursue pa ng higher studies. Medyo nanlumo ako. Wala na pala akong pagkakataon.

Para makabawi na lang sa kanila, hindi ko binigay ang pasalubong ko para sa international office. Hindi nila matitikman ang sarap ng Goldilocks polvoron. Buti nga sa kanila.

5 Comments:

melai said...

uhmm good luck .... :)

Ann said...

Well, siguro naman kahit papaano sapat na yung natutunan mo para magamit mo pagbalik mo ng pinas, malay mo may magandang chance pala na naghihintay syo sa atin.

Linguist-in-Waiting said...

Masakit talaga ang naandap na pangarap. Sana naman na kahit hindi ka makapag-tagal diyan para magpatuloy ng pag-aaral, ay masumpungan mo ang kaligayahan sa iyong karera.

ghee said...

sayang naman..matatapos na pala ang due date mo?

baka may ibang chances.just keep on researching na lang.

wish u luck!

riadiosa said...

salamat sa gudlaks at sa pagpapakita na marami pang pagkakataon =)

blogger templates | Make Money Online