Tuesday, September 19, 2006

parang ang tagal kong hindi nag-a-update pero kung titingnan ang date ng huling entry ko, hindi naman pala 48 years ago nang huli akong magsulat dito sa blog.
sa isang linggo pa magsisimula ang pangalawang semestre (huling semestre ko). pero halos araw-araw na akong nandito sa university para magbasa, mag-analays ng data (100times ko na yatang binabasa yung comic strips para sa thesis at hindi na ako natatawa, naiinis na), at para makaiwas sa sitwasyon sa bahay.
sa huling sabado ng buwang ito, magkakaroon kami ng poster session. nakipagkita na ako sa aking adviser para ipaalam kung anong content ng aking presentation. sa susunod na linggo, may consulatation na naman kami para makita niya yung final draft ng aking poster. huwag lang akong magcram, hindi ako magpapanic at magiging maayos ang aking poster.

***********************

espesyal ang araw na ito. may pinagdiriwang ako.
pitong taon na ang nakakaraan (gash, ang lola ko na!). araw ng linggo noon, gumising ako ng maaga para sumama sa tugtog ng kinabibilangan kong performing group. pupukpok ako ng agong simula alas-siyete ng umaga, banda yata sa taft, para i-cheer ang mga estudyanteng kukuha ng board exam.
kahit maaga ako dapat magising, hindi naman ako maagang natulog. may tinapos akong sulat. dalawa o tatlong pirasong yellow pad paper, back to back. doon ko binuhos ang lahat ng aking nararamdaman. mga simpleng bagay na naiisip ko, at mga kumplikasyon nito dahil sa mga taong apektado at maaaring maapektuhan. nilagay ko iyon sa aking bag. hindi pa ako desidido kung dapat ba itong ibigay.
nang matapos ang aming gig, hinatid niya ako. mula taft hanggang sangandaan. at mula sangandaan, uuwi naman siya sa paco. bago siya sumakay ng jeep, binigay ko ang papel. walang inaasahan. para lang malinaw ang mga bagay sa pagitan naming dalawa. at para naman hindi sayang yung papel at tinta ng bolpen na naubos. sabi ko basahin niya kapag nakarating na siya sa bahay nila.

**********************

isang buwan pa ang lilipas bago naging kami (at kung paano, sa isang buwan na rin ang kuwento).

**********************

kung gusto niyong makilala kung sino ang pinakaTYOPENG tao na nakilala ko, eto, pasyalan niyo ang tambayan niya. at mag-iwan kayo ng message na maswerte siya at napansin ko siya.

5 Comments:

dangkin said...

grabe, tatlong pirasong DILAW na papel?!? sigurado ako napagod din sya sa pagbasa nun! ha.ha.ha. kaya pala ayaw na ayaw nya ng kulay dilaw ;)

hayyy...ang buhay nga naman.. pero sa palagay ko tama ang naging desisyon mo.. isipin mo nalang, ang edad ay numero lamang, ang mahalaga ay kung ano ang nasa loob mo at kuntento at masaya ka sa buhay mo ngayon :-)

melai said...

u mean si Paeng? ang iyong labalababs? huwaw!!!! e sikat kaya sa madlang kablagan yan? Prof sa UP right? uhmmnnn....... swerte niya sa yo lols!!!!! joke kamo sabi ko .,.. advance 7th anniv ..kelan kasal?? invite nyo ko ha

ann said...

Yan, sinabi ko na yung pinapasabi mo sa lalabs mo..hehehe.

riadiosa said...

dangkin, bukod sa distansya ok naman. =)

ate melai, gulat ka?! UP grad si paeng , prof sa feu. swerte talaga siya sa akin. ako lang nakakatiis sa kanya. harharhar...

mommy ann, salamat =) kailangang ipaalala kasi sa kanya. hehehe.

ghee said...

last semester mo na?nakakalungkot pala.

ok,wish you good luck!

blogger templates | Make Money Online