Tuesday, September 26, 2006

simula na naman ng bago tsapter ng aking buhay. simula ng huling semester ko dito sa aking paaralan. simula para matapos na ang resulta ng mahigit dalawang taon kong pamamalagi dito.

*************

its autumn! its autum! ito ang pinakapaborito kong panahon. malamig na ang gabi. mahirap ng gumising sa umaga. sumasayaw ang mga dahon sa hangin bago sila tuluyang bumagsak sa lupa. namumula na ang ibang mga dahon. kaysarap tumambay sa ilalim ng puno kasama ng kaibigang nagpapalipas ng oras. mas masarap kung ang iyong mahal ang nasa iyong tabi, ramdam ang init ng kanyang katawan habang dumadampi sa iyong mukha ang lamig ng hangin.

(hindi ko na ito itutuloy)

3 Comments:

ann said...

Dito rin nagpapalit na ng panahon, malamig na rin simoy ng hangin, lapit na naman winter.

melai said...

uhmmn homesick?

riadiosa said...

oo nga, ibig sabihin ng autumn, malapit na ang winter. huhuhu.
hindi naman ako nahohomesick =) keri lang.

blogger templates | Make Money Online