Friday, September 29, 2006

waaaah! nasira ang skedyul ko. ang ganda-ganda pa naman ng plano ko ngayong araw. may TA class ako kaninang umaga, nagkita kami ng isang pinoy exchange student pagkatapos umuwi ako. nagpahinga ng konti bago bumalik sa skul sa pag-aakalang may klase ako ng magkasunod na period, 5th (4:20-5:50) at 6th (6:00-7:30). pagkatapos dapat ng klase ay uuwi na ako sa bahay at aayusin ang aking mga gagamitin para sa poster session namin (dahil graduating) para bukas ng tanghali, sa first shift ng colloqium ay ididikit ko na lang ang kasalukuyang resulta ng aking pag-aaral. but no! kailangang pumalya ang skedyul dahil imbes na 6th period ay 7th period pa pala yung isa kong klase, mula 7:40-9:10. kaya ngayon naghihintay lang ako. hindi ko maasikaso yung poster presentation ko dahil iniwan ko na lahat sa bahay kanina. bopols!

***********************

kumuha ako ng isang klase na tinuturo ng aking thesis adviser. tungkol sa pagkukumpara ng wikang ingles at hapon. anti-chomsky sya. sigurado akong marami akong matutunan. at kras ko siya. hehehe.

**********************

kailangan kong magyosi. hay...

3 Comments:

karmi said...

uuuuuuyyyy may krush si ate! :) hehehe.. hapon ba ate? hmmmm...

penge yosi.. hehehe.. joke.. :)

cruise said...

isang dropby....

kamusta sa japan? hectic pala sched mo dyan sa japan, anayways ang ganda dyan, enjoy your stay there :)

riadiosa said...

karmi, oo nga may kras ako. hehehe. ang hayskul ng dating =)

cruise, hello. maganda nga dito. malapit nang matapos ang ginagawa ko dito at uuwi na ako ng pinas kaya ineenjoy ko talaga lahat =)

blogger templates | Make Money Online