Thursday, October 05, 2006

ang pinakaayaw kong nararamdaman ay ang pagsisisi. pero ito ang nararamdaman ko ngayon.

nangyari na ba sa inyo na alam niyo na ang dapat niyong gawin pero hindi niyo pa rin ito ginawa? alam mo na ang magiging resulta ng iyong non-action pero hindi mo pa rin ginawa ang nararapat. at sa huli, wala kang ibang sisisihin kundi ang iyong sarili.

katulad ng nangyayari ngayon sa akin. naglaba ako tatlong araw na ang nakakaraan, pagkatapos ng maulan na weekend. tuyo na dapat ang mga sinampay ko kahapon. bago ako umalis, sinabi sa akin ni roommate na 40% ang tsansa ng pag-ulan. tiningnan ko ang weather report din at yun din ang nabasa ko. mataas na porsiyento na iyon. naisip ko nang ipasok ang aking mga damit. pero umalis ako ng bahay ng di iyon ginagawa. bakit? maaraw kasi ng umalis ako.

pero umulan. at hinayaan ko lang mabasa ang mga damit. kung makakapagsalita lang siguro ang mga sinampay ko, iisa lang ang sasabihin nila: "dapat ipinasok mo na kami sa bahay para hindi na kami nabasa". at ngayon umuulan pa rin at nasa balcony pa rin ang mga damit. hinahayaan ko na lang silang mabasa.

may kontrol sana ako kahapon, pero hindi ko iyon sinamantala.

at ako'y nagsisisi.

4 Comments:

melai said...

uhmmn ilang beses na rin nangyari sa akin yan ... bunga ng katamaran ko :)

rHo said...

waahhhh... kawawa naman yung mga sinampay mo!

riadiosa said...

ate melai, kung may maiinom lang na gamit para sa katam....

rho, hanggang ngayon kawawa pa rin sila =(

garytarugo said...

ganyan talaga eh. lagi na lang umuulan. parang walang katapusan.

blogger templates | Make Money Online