Tuesday, October 03, 2006

natutuwa talaga ako kapag may nagpasa ng tag sa akin. kasi, ibig sabihin sa lawak ng cyber space ay may nakakaalala sa iyo. ang sarap ng feeling. salamat ate melai at naalala mo ako. sa totoo lang, sana mabigyan ako ng pagkakataon na makilala ka.

*********************

tamang-tama din ang tag na ito. madalas na naman kasi akong maglakad at tuwing ginagawa ko ito ay palaging laman ng bag ko ang ipodyosa. mahigit dalawang libo ang kanta sa loob nito. minsan, shuffle lang ang ginagawa ko. madalas e pinapakinggan ko ang iba-ibang playlists na ginawa ko. share ko sa inyo ang ilan sa paborito kong pakinggan na sumasalamin din sa ibang nararamdaman ko sa buhay, pananaw sa pamumuhay, etc.

  • What a wonderful world ni Louis Armstrong. Sa dinami-dami ng problemang nangyayari sa iba't-ibang parte ng mundo, umupo ka lang ng limang minuto, huminga ng malalim at pagmasdan ang iyong paligid. "And I think to myself, what a wonderful world".
  • Sa Piling Mo ni Bayang Barrios mula sa album na ALON. Si Paeng ang nagpakilala sa akin nito. Niregaluhan niya ako ng cd at dinala ko dito. At nakilala ko si Bayang Barrios nang minsang pumunta kami sa Conspiracy nitong August lang. Starstrucked ako. Hahaha. Nakakainlab talaga itong kantang ito. "Marahil tayong dalawa, ginuhit na maging isa, magkaagapay habang buhay, sa habang panahon magkapiling".
  • Happy ng Square Heads. Una ko yata itong narinig nung maimbitahan kaming dumalo sa debut ng dating gf ng kapatid ni paeng. Masaya siyang kanta at talaga namang mapapaindak ka. At ako ay isang indakera(?) to the bone. Labo. Pag narinig mo ito, malabong hindi ka mapasabay sa tugtog. Talon-talon ka na lang habang binibigkas ang "I'm gonna be happy". Kung hindi ka pa ba naman magiging masaya niyan, ewan ko na lang.
  • Someday We'll Know na version nina Mandy Moore at Jonathan Foreman. Hindi ko alam kung paano at bakit nagsimula na maging karaoke-goers kami ni paeng. Kaming dalawa lang. Sintunado ako at hindi rin naman maganda boses niya, kaya walang hiyaan. Birit kong birit. At itong kantang ito ay hindi nawawala sa repertoire namin. Title pa lang maganda na at hindi lang natin pwedeng i-limit sa aspeto ng pag-ibig kundi pati na rin sa buhay.
  • Mirai ng Mr. Children at Yozora no Mukou na version ng SMAP. Dalawang kantang hapon na hindi rin nawawala sa listahan ng kinakanta ko tuwing nagpupunta ako sa karaoke. Ang ibig sabihin ng Mirai ay "future". May line dun na "umaretate no bokura no mae ni ha tada hateshinai mirai ga atte, sore wo shinjutereba nani mo osorezu ni irareta" na kapag tinaranslate ko ay "tayong mga isinilang ay may naghihintay na hinaharap na may di mabilang na posibilidad, at kung paniniwalaan natin ito, wala tayong dapat ikatakot" ang panget ko talagang magtranslate. Ang ibig sabihin naman ng yozora no mukou ay "beyond the night sky" (nahirapan ako sa tagalog, kakahiya). ang kanta ay tungkol sa magjowa na nagwa-wonder kung anong meron para sa kanila sa hinaharap.
  • Paano ng APO Hiking Society. Lahat ng kanta ng APO peyborit ko. Pero ito ang pinakanaaalala ko dahil nakita ko ang video nito sa channel 5 pa yata. matagal na panahon na. At si Chin-chin Gutierrez ang artista.
  • Kaleidoscope World ni Francis Magalona. Maniwala kayo, kinakanta ko rin ito sa karaoke. Pinapakita ang iba't-ibang klaseng tao, iba't-ibang uri ng tao, ang mga dibisyon sa pamumuhay na maaring natural o man-made. "Every color, every hue, is represented by me and you".

********************

ang hirap pala gumawa nito. ang dami ko pang pwedeng ilista pero tama na. at para sa papasahan ko, parang halos lahat ng nasa list ko e nakagawa na. paeng gawa ka nga nito. mami ghee, pag hindi ka rin masyadong busy ha. si lojika din dahil october na at dapat gising na siya.

5 Comments:

melai said...

ei ang dadanda ng soundtrack mo ha uhmmnnn gusto rin kitang makilala syempre :)Kailan kaya tayo magkikita? lol!! siguro malapit na :)

maganda nga yang what a wonderful world lalo na noong kinanta ng isang contestant na negro sa AI noong isang taon. Hindi ko pa naririnig yung kanta ni Bayang barrios pwede mo kaya iupload sa multiply mo kung mayroon ka? :)
salamat pala sa link ng Dubai pinanonood ko siya :)

rHo said...

ate ria, gusto ko rin yung Someday We'll Know syempre pati na rin yung movie na A Walk to Remember! hehehe...

parang ngayon ko lang narinig yung Sa Piling Mo. tama si te melai, parinig mo sa amin! hehehe!

vince said...

ako rin, gusto ko rin makilala si Ate Melai...napadaan lang po at nakikibasa

ghee said...

ngekk,pangalwang tag ko na to..dapat ko na yatang gawin,sure,pag may time :)

type ko yuhng kay mr.children,lab na lab ko yun :)

lojik said...

gising na ko! pero nagawa ko na tong tag na to eh. 7 songs of your life. ang daming nagpasa saken ng tag nato dati. nung panahong super emote ako at super pakalat-kalat rin sa blogosphere.

gusto ko rin ung someday we'll know, kaleidoscope at paano. di ko alam ung ibang kanta. ewan ko kung tama ba ung happy na nasa isip ko. but i love music rin talaga!

thank you for the music! ahahah!

blogger templates | Make Money Online