Thursday, October 12, 2006

pumunta ako kahapon sa lugar na ayaw ko sanang puntahan habang nandito ako at malayo kay nanay. sa ospital.

dito ako tumambay kahapon. isang oras na tambay lang naman pero nalintikan pa rin ang wallet ko.

nakakagat ko kasi ang pisngi ko sa loob (sigurado akong nangyari na din ito sa inyo). nagsugat at nagnana. at dahil hindi na masaya na may sugat ako kasi hindi ako makakain ng maayos at makahikab ng malaki, naggive-in na rin ako at dumaan na sa malapit na clinic.

ayun, sa aking pag-upo, pinanganga ako ng doctor. sinabing may inflammation, may ipinahid saka sinabing tapos na. pagdating ko sa cashier, ito ang binigay sa akin:


at para naman sa niresetang gamot na pampahid at pangmumog, eto naman ang lumabas sa wallet ko:

hay naku. hirap talaga magkasakit. sana lang gumaling na ang sugat para makakain na ako sa eat-all-you-can na barbeque.

9 Comments:

ghee said...

grabe naman ang pagkakakagat mo sa pisngi mo Ria...nagnana?ganun pala yun..

mahal talaga dito,wala ka bang hokken?
kasi,kung meron,kahit papaano ay mura lang ang babayaran mo.

get well soon na lang :)

rHo said...

waaahh... sakit nyan!! pagaling ka po te! haynaku, sa hirap talaga ng buhay ngayon... bawal na yata ang magkasakit! hehehe!

God bless po...

melai said...

uhmmn speaking of your sakit ... waaaaaahh may singaw din ako ewan ko kung dahil sa braces ko o ano ... ang sakit ilang araw na di pa rin gumagaling kahit anong pahid ko, sakit din ng tyan ko sakit din ng mga kalamnan ko...... ang hirap kung kailan pa naman magpapamedical na ko :( ...pagaling ka na sis ng makakain ng bbque

riadiosa said...

mami ghee, nagbabayad ako ng hoken pero nung nagpunta ako sa ospital di ko makita card ko :(

rho, korek. bawal nga magkasakit. hindi lang dahil sa pera, kundi walang mag-aalaga :(

ate melai, meron ka din? uso pala. hehe. baka mabigla pag nag-bbq ako, kaya sushi muna kakainin ko =) salamat!

melai said...

oo no nanay ko nga nakausap namin sa fone e 3 weeks na daw yung singaw nya kaya nagpadoktor na siya lol pinaabot pa ng 3 weeks bago magpadoktor tsk tsk sk tsk!

karmi said...

hirap talagang magkasakit, tapos di ka pa makakakain sa buffet!!! waaaa.. sana maging ok na damdam mo ate.. :)

Anonymous said...

Magkano ba yan sa peso?

Ako laging may gamot sa bahay, effective yung bigay ng doktor ko dati kaya pag may singaw na ganyan di na kailangan magpa doktor.

jai skizzy said...

dapat siningil mo yung taong nakaalala sayo kaya mo nakagat ang "loob" ng pisngi mo. mahirap ata makagat ang pisngi... whehehe peace. take care!

Anonymous said...

i keep mo yung receipt,pwede mong mahabol yun pag nakita mo na yung card mo :)

blogger templates | Make Money Online