Monday, October 23, 2006

sa january 30 o 31 2007 ang pasahan ng aming final research paper, aka thesis. ibig sabihin, meron akong dalawang linggo ng oktubre, apat na linggo ng nobyembre. ganun din sa disyembre at enero. ibig sabihin ulit, labing-apat na linggo o siyamnapu't walong araw para matapos ang rekwayrment na ito at para makauwi akong may degree. ha! at ano na ang nagawa ko? iba't-ibang seksyon ng aking papel. ni wala pang deskripsyon. ha! progress ba itong matatawag?

**********************

natakot ako kaninang umaga kasi dalawang beses akong nasuka na laway lang naman pero maasim, sabay nahilo at nanlamig (parang yung nararamdaman ko (pati siguro ikaw) kung kailangan mo nang umupo sa trono pero aabutin ka 3 minuto bago makarating dito) at nagkaroon ng pressure sa tenga na parang mula sa malalayong lugar ang mga tunog na naririnig.

ngayon, mabuti na naman ang pakiramdam ko. nangangasim lang ang sikmura at parang may hinahanap na lasang hindi ko mawari. naku hindi ko na uulitin ang ginawa kong pagyosi kaninang umaga na kape palang ang pinapasok sa katawan.

4 Comments:

Anonymous said...

Acidic ka ba? Ako pag uminom ng softdrinks ganyan kaya iwas muna sa soda.

Kala ko positive... hahaha! Wala nga pala si fafa ryan.

rHo said...

'te pagaling ka! sa susunod, wag ng magkape at magyosi! hahaha! jokeee lang! mwuaaahugzzz! pero.. di kaya positive ka??! hmmmm... kelan ka nga last umuwi sa pinas?! yiheee!!

riadiosa said...

mommy ann, si fafa paeng po =) at rho, umuwi ako nung august. nagkabisita that time. nagkabisita din nung sept. kaya malabong positive. sobrang labo talaga. HAHAHAHA. =) salamat sa care!

Paeng said...

hala, sino si Ryan? LOL

blogger templates | Make Money Online