Monday, October 30, 2006

si paeng sinasalanta ang luzon. signal 3 sa pangasinan. sana naman ok lang ang mga biik ni inay.

*********************

naisip ko na naman yung abo ng sigarilyo. kapag nililipad pala ito ng hangin, mayroong lilipad ng mas mataas, mayroong namang simula pa lang unti-unti nang bumababa. nakadepende ang direksyon nila sa ihip ng hangin. maaaring ang mga akala nating babagsak na e bigla na lang ililipad ng hangin, pataas, sa ibang direksyon. at akala nating magtatagal sa itaas ay bubulusok pababa. basta, sabi nga ni lojik, lahat tayo magiging abo. lahat ay babagsak. kahit gaano katagal sa itaas, kahit gaano kagaling sumabay sa hangin, baba din yan. tatama sa lupa. at matatapakan.

5 Comments:

Ka Uro said...

very profound!

Anonymous said...

Wrong timing nga si Paeng, undas pa naman.

melai said...

naaalala ko dito sa entry mo yung binabasa kong libro no ni Mitch Albom ....sabi niya pag narealize mong mamamatay ka na wala ng kwenta ang trabaho, materyal na bagay at kung anu-ano pa.....so hindi kailangang mangarap ng sobrang taas dahil masasayang lang

riadiosa said...

KU, hello! salamat sa pagdalaw.nalulunod na nga ako e.

mommy ann, hehehe! wawa nga sya sa mga text at pang-aasar na inabot niya.

ate melai, nabasa ko iyan. hindi naman siguro masasayang (lalo na pag naabot!). dapat lang siguro hindi tayo nakasentro sa mga bagay na iyan kasi pansamantala lang at di madadala sa ibang universe/dimension. =)

karmi said...

wow, magaganda talaga ang mga libro ni Mitch Albom!!

oo ate, di natin alam kung anong pwedeng mangyari.. kaya we shouldn't really cling sa material na bagay..

lahat tau galing sa abo at magiging abo ulit....

blogger templates | Make Money Online