Monday, October 09, 2006

tatlong araw ang nakakaraan, ipinagdiwang ko ang pangalawang taon ko dito sa japan. well, hindi ko pala pinagdiwang dahil wala naman akong ginawang espesyal. maliban na lang kung espesyal na para sa akin ang pagkain sa restaurant ng napolitan spaghetti at ceasar's salad.

dalawang taon dito sa bayan ng makabagong teknolohiya. dalawang taon sa bayang maunlad. dalawang taon sa lugar na nakikita na ang lahat ng paghihirap ng isang tao ay natutumbasan ng karampatang gantimpala. dalawang taong nakikisalamuha sa mga hapon na seryoso, may drive sa buhay, matiyaga, weird ang sense of humor (pero madalas kong nakukuha), at may malaking pagpapahalaga sa oras, sa tradisyon, sa kanilang nakaraan, at sa kanilang hinaharap.

hindi mahirap mahalin ang bayang ito. kampante ka na kapag ikaw ay nagsikap, uunlad ka. sa pagtatrabaho mo ay makakabili ka ng bagay na kailangan mo, at madalas ay pati bagay na gusto mo. in general, mabait ang mga tao dito. may mga taong mahirap pakisamahan, mahirap ma-gets, pero kahit saan naman, kahit kalahi mo pa nga e, may mga ganyan talagang tao.

pero sa dalawang taon ko dito, may naramdaman akong kulang. bukod ito sa pamilya at mga kaibigang naiwan sa pinas. at kung ano ang kakulangang ito ay wala pa rin akong sagot. kung ang kapalit sa pagkaunawa ng kasagutan ay pagtagal pa dito, baka mas mabuting hindi ko na lang malaman.

4 Comments:

ghee said...

amen to that...

lahat ng sinabi mo ay tama,hindi mahirap mahalin ang bansang hapon,
at ang kulang??hmmm,ako alam ko..
depende sa tao...

dito kase,kelangan mong gumastos para makapagrelax nang husto,di gaya sa pinas,chitchats with family lang,tanggal ang pagod mo,err,depende sa topic,hehe ;)

ann said...

Kahit yata sinong nasa ibang bansa hindi buo ang pakiramdam sa sarili, laging may kulang.

Or depende na rin siguro sa level ng satisfaction mayroon ang isang tao.

rHo said...

gossssshhh.... sapul na sapul mo ate! tinamaan ako sa huli ah! haaay naku! lagi na lang may kulang.. talaga yatang ganon ang buhay ate! walang perpekto sa mundo but you can make it perfect base sa pangangailangan mo!

melai said...

ang komento ko sana ay hindi ba mas magandang malaman kung ano ang kulang para matimbang mo kung talagang kailangan ba yun o hindi? :)

blogger templates | Make Money Online