Sunday, October 01, 2006

wagi ako! kagabi habang nagba-bike ako pag-uwi, naglalaro sa aking isipan ang kantang "ako ang nagwagi". naparaos ko na kasi ang unang colloqium. natapos kahapon ang poster session namin. ang isa kong pinagsisisihan e naghabol ako ng oras kaya nakalimutan ko ang aking camera. wala akong sariling piktyur.

balik tayo sa poster session. 20mins para ayusin ang poster, isang oras na babantayan at maghihintay sa mga magbabasa at magtatanong, at 20mins ulit para magligpit ang nakalaan na oras bawat estudyante. natuwa ako dahil nasa first shift ako at naisip ko na wala pang masyadong tao, walang magtatanong, wala masyadong hassle.

pero nang matapos akong mag-ayos nung gabi bago ang takdang araw, naisip ko ulit na sayang naman ang pinaghirapan ko. nagbuhos ako ng effort para dito. mahabang oras din ang ginugol ko. at masasayang siya kung wala man lang kahit isang tao na lalapit sa poster ko na magbabasa at magtatanong. at natapos ang shift ko at naramdaman ko ang satisfaction. hindi naman nasayang ang pagod ko. dumating ang ibang coursemates, nagbasa at nagtanong. dumaan ang mga sensei, humingi ng paliwang at kasagutan. at masasabi ko na, isa akong wagi kahapon.

por dat, dapat hanggang january ako ay busy, busy, busy (academically).

5 Comments:

karmi said...

congrats ate ria! :)

ikaw ang wagi.. ^_^

gudluck din po sa studies.. :)

riadiosa said...

tsalamat karmi! =) parang ang taas nga ng energy level ko, kahit maulan ngayon dito. sana mag-last hanggang sa matapos ang sem =)

ann said...

Yung mga nagtatanong sa project mo , ano yun english o japanese?

riadiosa said...

mommy ann, nung umpisa mga kaklase ko kausap ko, in japanese. my own version of barok japanese. hahaha! nung huli di na kinaya ng utak ko ingles na lang, mas nadalian akong i-explain =)

rHo said...

galing-galing!!! kantahin mo na lang lagi yan pag nagbi-bike ka te! hehehe! naks...

God bless po sa lahat pa ng mga gagawin nyo! yay... lapit ka na matapos te!! isa pa ulit.. galing...galing!!! hehehe!

blogger templates | Make Money Online