Friday, November 17, 2006

boring na klase
tahimik ang katabi
isip ko ay lumilipad
saan kaya mapapadpad?

gumagawa ng tula
kahit di naman makata
masa nakakatuwa ang ganito
kesa makinig ng lektyur mo

mukhang ika'y nahihirapan
pagpapaliwanag ng kaalaman
sa aming walang kamuwang-muwang
'di mo alam kami'y walang pakialam!



**********
hahaha! ang productive ko sa klase. at least di ako nagdrawing.

HAPPY WEEKEND!!!

Wednesday, November 15, 2006

ang bahay ng dyosa

Photobucket - Video and Image Hosting
at aking personalidad base dyan sa pagkaganda-gandang bahay na ginuhit ko. madalas akong magdrawing kapag tinatamad sa klase. ganyan din. hindi ko lang naisama ang ulap, araw at ibon. ang creative ko, grabe!
Your house tells the world that you ought to be a leader. You are a freedom lover and a strong person. You love your house and family. You are a gifted artist as well. Once you have a problem, you need a friend with you. Your life is always full of changes. You are very tidy person. There's nothing wrong with that because you're pretty popular among friends. Your life is always full of changes.

You will avoid being alone and seek the company of others whenever possible. You love excitement and create it wherever you go. You have a strong personality and you like to command, influence and control people.

You added a flower into your drawing. The flower signifies that you long for love. It also safe to say that others don't see you as a flirt. You don't think much about yourself.
asus. charing-charing. artist daw ako. hindi ako marunong magdrawing, kumanta, humawak ng instrumento. ano kayang art ko? maarte lang, minsan. ok lang akong mag-isa, kumain mag-isa, uminom mag-isa (sa bahay nga lang). hindi ko pa naranasang magkaraoke at magdisco mag-isa. mautos talaga ako. tanong niyo pa sa dalawang nakababata kong kapatid, pati mga pinsan. sinusunod naman kasi ako kaya naman nasasanay din. i long for love. hmmm, nakita ko na, sa pamilya, sa kaibigan, sa tambayan.

sa mga wala pang bahay, punta na kayo dito. umpisahan ang pagtayo ng bahay, kahit sa cyberspace lang muna. lutang muna tayong lahat =)

Monday, November 13, 2006

bukod sa mga wika o language (Tagalog, Japanese, English, Ilokano, Hiligaynon), mayroon ding dialects, nag-iibang anyo ng wika (maaring sa mga salita, punto) depende sa lokasyon, halimbawa ang Tagalog na ginagamit sa Bulacan ay isang dialect ng Tagalog. may sariling dialect ng Tagalog din ang mga Batanggenyo. mayroon din tayong tinatawag na register, o wikang ginagamit depende sa okasyon. halimbawa, mag-iiba ang pananalita mo kapag kausap mo ang iyong kaibigan at isang possible business partner. ibang register din ang gamit kapag sumusulat ka ng showbiz article kesa sa pang-front page na balita. mag-iiba din ang anyo ng ginagamit ng wika kapag nagkukuwento ka sa blog mo ng mga nangyari sa araw mo o kapag meron kang isang komentaryo sa isang isyu.

bakit? kasi hinihingi ng sitwasyon.

nang mabasa ko ang balitang ito, napataas ang kilay ko (kahit sa totoong buhay ay di ko ito kaya). papayagan daw sa exam na magsulat ang mga mag-aaral gamit ang "text speak" dahil ito daw ang nakasanayan na ng mga bata dahil sa dalas ng pagpapadala nila ng SMS o MMS.

may sariling katangian ang text speak na nadevelop dahil sa sitwasyon kung saan sya ginagamit. mahirap nga namang magtype gamit ang hinlalaki (minsan mas maraming daliri) tapos ang liit pa ng keypad tapos limited pa ang bilang ng mga letra. kaya naman para mas mabilis nating maipahayag ang gusto nating sabihin ay iniigsian natin ang mga salita at nagkakaroon tayo ng mga abbreviation para mas mas marami tayong masabi.

ang text speak ay isang register, may tamang sitwasyon para gamitin ito. kung papayagan itong gamitin sa ibang okasyon, mabibigla ang mga tao dahil hindi ito inaasahan. lalo na sa exam. lalo na't walang nakasulat na paraan ng tamang pagti-text speak. lalo na't may epekto ito sa kaalaman natin sa wika.

may magsasabing ang importante ay maipahayag mo ang iniisip mo. tama yan. pero dito sa sinulat ko na inisip ko pa talaga ang mga salitang dapat kong gamitin, inulit-ulit ko pa ang ayos nito, walang kasiguraduhan na 100% ay maiintindihan niyo ang gusto ko talagang ipahiwatig. ang kaya lang nating gawin ay manghula depende sa cues at clues na nakikita niyo dito. paano pa kaya kung gumamit ako text speak? mas madaming hulaan ang magaganap.

kaya naman ang paggamit ng text speak sa pagsusulit ay parang pagsulat ng memo na ipapabasa mo sa boss mo.

"Sir, ms c cald.he wnts 2 no if ur stil on tonyt?pls kol her l8r". maaaring ganyan mo sinulat ang message pero ganyan mo rin ba dapat i-relay sa iyong boss?

pwede rin nating ihalintulad sa pagsusulat ng news gamit ang register sa showbiz.

"ang pandakekok nating lola na si GMA, ayun, windang-to-death na naman dahil may-i resign na ang isa sa mga boys nya dahil tsinugi-tsugi at chinaka-chaka ng mga friendships nya sa cabinet"

pwede yan sa blog ko. pero gugustuhin mo ba yang mabasa sa front page ng isang dyaryo?

maiintindihan mo ang gusto kong ipahayag pero mararamdaman mo na may mali. dahil may mga bagay na dapat ginagawa sa tamang okasyon. nakakakahon pero society rin naman ang nagdikta kung gaano kalaki ang kahon.


***************
nung umuwi ako nung august, bumili ako ng cellphone. nagtext ng ad ang SMART, ang natandaan ko na lang ay may salitang "unli". hindi ko naintindihan. akala ko pa bisaya dahil iniisip ko na 'only' dapat iyon. susme, nag-ooffer lang pala ng unlimited texting ang mga lola niyo.

Wednesday, November 08, 2006

wala akong ibang magawa kundi tumawa habang binabasa ko itong article. humahanap pa ang GMA admin ng kapalit ni DND sec Cruz. nahihirapan daw pumili kung may military experience o civilian. ilan daw sa mga pinagpipilian ay mga taong:

  • vocal defender ni GMA
  • nagblock ng impeachment para di makaabot sa senado
  • pati yung chumaka sa second impeachment
hindi naman pala national defense ang kailangang asikasuhin e, isang maliit na tao lang.

susmaryosepness.

Monday, November 06, 2006

Photobucket - Video and Image Hostingmaraming salamat sa dumadaan kahit wala akong bagong balita. naging masyadong busy lang nitong mga nakaraang araw dahil sa naging bahagi ang aming grupo ng isang event ang PISTAHAN SA KYOTO kung saan nag-organize kami ng dalawang symposium (tungkol sa ODA at buhay ng students at professionals) at mayroon din kaming booth. gumawa kami ng polvoron at banana cake para ibenta. at dahil malaking event, may ilang bigating tao din. dumating ang consul sa osaka at main speaker si orly mercado, na naka-base pala dito sa kobe bilang visiting professor yata.

Photobucket - Video and Image Hosting
Kyoto Association of Pinoy Scholars with Consul General Ramiro-Lopez

Photobucket - Video and Image Hosting
KAPS with Prof. Orly Mercado

gabi na natapos yan pero hindi pa rin ako nagpapigil at humabol pa sa malapit na musuem kung saan pinakita ang mga iba't-ibang uri ng ceramics ng kyoto. hindi pwedeng magpicture sa loob ng museum kaya naman sa labas na lang ako nagpa-photo-op.

Photobucket - Video and Image Hosting
Kyoto Museum (yata, nakalimutan ko pangalan)

sumunod na araw naman ay pumunta kami sa toei eigamura o movieland. makikita dito ang mga sets na ginamit sa pelikula, palakad-lakad ang mga samurai at geisha. nakakalito nga lang kasi may lugar doon na pwedeng magcostume at magpamake-up ng parang character sa isang lumang movie. kaya kahit yung mga pumapasyal din lang dun inaakala ng iba pang pumasyal (tulad naming mga foreigners) na staff ng place. at mega-papicture naman kami. pero itong mga samurai na ito, yan talaga ang trabaho nila. tumayo at magpapicture.
Photobucket - Video and Image Hosting

Thursday, November 02, 2006

hindi ako nakakakita ng multo o ng iba pang elemento na may buhay dito sa balat ng eart. hindi rin ako nakakaramdam. wala akong sexsixth sense. at wala ring third eye. (third, fourth o fifth ear, meron pa siguro). pero kapag hindi ko pa sinimulang gawin, aralin, isulat ang thesis ko, mumultuhin na ako nito. hindi na ako papatulugin. tatakutin ako sa magiging epekto ng kakulangan ko sa disiplina. baka hindi na ako makahinga kapag nakulangan ako ng oras at wala akong nagawa. nakakatakot akong isipin ang aking kahihinatnan kung matatapos ang program ko dito, pero wala akong maiuwing degree. 頑張らなきゃ。言葉だけじゃなく。

****************

sarado ang mga simbahan ngayon. bukas lang ang mga ito sa umagang misa na alas-siyete ng umaga. pinipilit kong gumising ng ganitong oras pero...
hindi kasi inoobserbahan dito ang all saint's at all soul's Day. hindi nobyembre ang buwan para sa alalahanin ang kanilang mga patay, kundi agosto. kailangan ko ng peace and quiet. kahit kalahating araw lang. walang internet, walang music. makikiisa lang at makikipag-usap sa nature.

blogger templates | Make Money Online