Monday, November 13, 2006

bukod sa mga wika o language (Tagalog, Japanese, English, Ilokano, Hiligaynon), mayroon ding dialects, nag-iibang anyo ng wika (maaring sa mga salita, punto) depende sa lokasyon, halimbawa ang Tagalog na ginagamit sa Bulacan ay isang dialect ng Tagalog. may sariling dialect ng Tagalog din ang mga Batanggenyo. mayroon din tayong tinatawag na register, o wikang ginagamit depende sa okasyon. halimbawa, mag-iiba ang pananalita mo kapag kausap mo ang iyong kaibigan at isang possible business partner. ibang register din ang gamit kapag sumusulat ka ng showbiz article kesa sa pang-front page na balita. mag-iiba din ang anyo ng ginagamit ng wika kapag nagkukuwento ka sa blog mo ng mga nangyari sa araw mo o kapag meron kang isang komentaryo sa isang isyu.

bakit? kasi hinihingi ng sitwasyon.

nang mabasa ko ang balitang ito, napataas ang kilay ko (kahit sa totoong buhay ay di ko ito kaya). papayagan daw sa exam na magsulat ang mga mag-aaral gamit ang "text speak" dahil ito daw ang nakasanayan na ng mga bata dahil sa dalas ng pagpapadala nila ng SMS o MMS.

may sariling katangian ang text speak na nadevelop dahil sa sitwasyon kung saan sya ginagamit. mahirap nga namang magtype gamit ang hinlalaki (minsan mas maraming daliri) tapos ang liit pa ng keypad tapos limited pa ang bilang ng mga letra. kaya naman para mas mabilis nating maipahayag ang gusto nating sabihin ay iniigsian natin ang mga salita at nagkakaroon tayo ng mga abbreviation para mas mas marami tayong masabi.

ang text speak ay isang register, may tamang sitwasyon para gamitin ito. kung papayagan itong gamitin sa ibang okasyon, mabibigla ang mga tao dahil hindi ito inaasahan. lalo na sa exam. lalo na't walang nakasulat na paraan ng tamang pagti-text speak. lalo na't may epekto ito sa kaalaman natin sa wika.

may magsasabing ang importante ay maipahayag mo ang iniisip mo. tama yan. pero dito sa sinulat ko na inisip ko pa talaga ang mga salitang dapat kong gamitin, inulit-ulit ko pa ang ayos nito, walang kasiguraduhan na 100% ay maiintindihan niyo ang gusto ko talagang ipahiwatig. ang kaya lang nating gawin ay manghula depende sa cues at clues na nakikita niyo dito. paano pa kaya kung gumamit ako text speak? mas madaming hulaan ang magaganap.

kaya naman ang paggamit ng text speak sa pagsusulit ay parang pagsulat ng memo na ipapabasa mo sa boss mo.

"Sir, ms c cald.he wnts 2 no if ur stil on tonyt?pls kol her l8r". maaaring ganyan mo sinulat ang message pero ganyan mo rin ba dapat i-relay sa iyong boss?

pwede rin nating ihalintulad sa pagsusulat ng news gamit ang register sa showbiz.

"ang pandakekok nating lola na si GMA, ayun, windang-to-death na naman dahil may-i resign na ang isa sa mga boys nya dahil tsinugi-tsugi at chinaka-chaka ng mga friendships nya sa cabinet"

pwede yan sa blog ko. pero gugustuhin mo ba yang mabasa sa front page ng isang dyaryo?

maiintindihan mo ang gusto kong ipahayag pero mararamdaman mo na may mali. dahil may mga bagay na dapat ginagawa sa tamang okasyon. nakakakahon pero society rin naman ang nagdikta kung gaano kalaki ang kahon.


***************
nung umuwi ako nung august, bumili ako ng cellphone. nagtext ng ad ang SMART, ang natandaan ko na lang ay may salitang "unli". hindi ko naintindihan. akala ko pa bisaya dahil iniisip ko na 'only' dapat iyon. susme, nag-ooffer lang pala ng unlimited texting ang mga lola niyo.

4 Comments:

manilenya said...

heehehe kulet netong post mo dyosa, kalokah naman yun gagamiting ang text speak sa business?? susme e di lalong bumagsak ekonomiya ng pinas nyan ano pero yung sa dyaryo ginagawa ni aimee marcos yan, nung umuwi ako lanya sobrang bakla ng comlumn ni aimee sa abante

Anonymous said...

Akala ko tuloy sa pinas yan gagawin. Ako nga lagi kong nasisita eldest ko dahil sa paggamit ng text speak kapag may ka chat or minsan nga nakita ko sa lecture nya. Draft lang daw yun pero di ko pinayagan talaga.

rHo said...

natawa ako sa example mo sa text speak! hehehe... kakaloka talaga yan! nung kasagsagan ng text-text ko... para akong barok! grabe! ngayon, medyo na lang.. binabawasan ko na pero pag nagmamadali ako... naku po, bahala na! haha!

Ka Uro said...

very relavant ang post mo. dami ko rin natutunan. oo nga dito sa NZ yung balitang papayagan daw ang text sa mga exam. in fairness hindi naman daw sa lahat ng subjects. pero malamang hindi rin ituloy kasi maraming hindi sangayon. pati mga estudyante marami hindi sang-ayon.

blogger templates | Make Money Online