Thursday, November 02, 2006

hindi ako nakakakita ng multo o ng iba pang elemento na may buhay dito sa balat ng eart. hindi rin ako nakakaramdam. wala akong sexsixth sense. at wala ring third eye. (third, fourth o fifth ear, meron pa siguro). pero kapag hindi ko pa sinimulang gawin, aralin, isulat ang thesis ko, mumultuhin na ako nito. hindi na ako papatulugin. tatakutin ako sa magiging epekto ng kakulangan ko sa disiplina. baka hindi na ako makahinga kapag nakulangan ako ng oras at wala akong nagawa. nakakatakot akong isipin ang aking kahihinatnan kung matatapos ang program ko dito, pero wala akong maiuwing degree. 頑張らなきゃ。言葉だけじゃなく。

****************

sarado ang mga simbahan ngayon. bukas lang ang mga ito sa umagang misa na alas-siyete ng umaga. pinipilit kong gumising ng ganitong oras pero...
hindi kasi inoobserbahan dito ang all saint's at all soul's Day. hindi nobyembre ang buwan para sa alalahanin ang kanilang mga patay, kundi agosto. kailangan ko ng peace and quiet. kahit kalahating araw lang. walang internet, walang music. makikiisa lang at makikipag-usap sa nature.

5 Comments:

melai said...

pareho pala dito sa Singapore ..ginugunita nila ang araw ng patay tuwing ika pito ng agosto at ang tawag nila sa bwan ng agosto ay month of the hungry ghost

rHo said...

ay ganon?! august pa naman ang birth month ko! buti na lang wala ako dyan... hihihi..

gudlak sa thesis te! kayang-kaya mo yan! kaw pa... God bless po..

Anonymous said...

ganbatte...

kaya nga,di rin ako makapagsimba,di kase holiday ang all soul`s day pati na ang all saint`s day.

pero bukas,yasumi,yay!

Anonymous said...

Mas lalo naman dito sa place namin, walang ginugunita..hehehe. Yung mga patay nga nila libing agad wala ng burol-burol pa na tulad sa atin. Alam ko binabalot lang ng kumot o carpet. Kaya walang business na funeraria dito.

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

3rd Wednesday naman ng Nov. sa amin para sa nga Lutherists, sa lugar lang na maraming Katoliko ang holiday pero mahilig naman silang dumalaw sa sementeryo tuwing Sunday, parang garden kc mga puntod talagang alaga nila ;)

abah bah, mahal na Diosa baka about blogging maging thesis mo nyan heheheh!

blogger templates | Make Money Online