Monday, November 06, 2006

Photobucket - Video and Image Hostingmaraming salamat sa dumadaan kahit wala akong bagong balita. naging masyadong busy lang nitong mga nakaraang araw dahil sa naging bahagi ang aming grupo ng isang event ang PISTAHAN SA KYOTO kung saan nag-organize kami ng dalawang symposium (tungkol sa ODA at buhay ng students at professionals) at mayroon din kaming booth. gumawa kami ng polvoron at banana cake para ibenta. at dahil malaking event, may ilang bigating tao din. dumating ang consul sa osaka at main speaker si orly mercado, na naka-base pala dito sa kobe bilang visiting professor yata.

Photobucket - Video and Image Hosting
Kyoto Association of Pinoy Scholars with Consul General Ramiro-Lopez

Photobucket - Video and Image Hosting
KAPS with Prof. Orly Mercado

gabi na natapos yan pero hindi pa rin ako nagpapigil at humabol pa sa malapit na musuem kung saan pinakita ang mga iba't-ibang uri ng ceramics ng kyoto. hindi pwedeng magpicture sa loob ng museum kaya naman sa labas na lang ako nagpa-photo-op.

Photobucket - Video and Image Hosting
Kyoto Museum (yata, nakalimutan ko pangalan)

sumunod na araw naman ay pumunta kami sa toei eigamura o movieland. makikita dito ang mga sets na ginamit sa pelikula, palakad-lakad ang mga samurai at geisha. nakakalito nga lang kasi may lugar doon na pwedeng magcostume at magpamake-up ng parang character sa isang lumang movie. kaya kahit yung mga pumapasyal din lang dun inaakala ng iba pang pumasyal (tulad naming mga foreigners) na staff ng place. at mega-papicture naman kami. pero itong mga samurai na ito, yan talaga ang trabaho nila. tumayo at magpapicture.
Photobucket - Video and Image Hosting

9 Comments:

Paeng said...

ganda mo naman sa mga pics.

Anonymous said...

Kumakain din ba ng polvoron ang mga hapon? Ganyan ba talaga mga buhok nyang mga samurai na yan sa picture?

rHo said...

ngayon lang kita nakita te ria! ang cute-cute mo naman. hehehe! ang ganda nung museum...

yay, buti di ka pinugutan ng ulo ng mga samurai na yan! hehehe! may polvoron pa??!

melai said...

uunga danda mo sa pics, anuyung mga tinda nyo mga batik? san galing?

riadiosa said...

mommy ann, nasarapan ang mga hapon sa aming polvoron. dati yata ganyan talaga buhok ng mga samurai. pero itong kasama ko sa pix, wig yan. buong shape ng ulo. galing nga e.

rho, ubos ang polvoron. magaling kaming mang-uto. hehehe.

ate melai, purse, etc lang yan. binili ng isang kasama sa yakan community.

salamat sa pagsabing kyut ako, hehehe =)

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

ej, di pa nagpatilim ng polvoron! mahal ng tinda sa Goldilocks kaya Boy Bawang lang ang iniuwi ko :D

kyut naman pala talaga ng mahal na Diosa, bat ngayon ka lang nagpakita?

mula ng mapanood ko si Tom Cruise sa Samurai, nabighani na ako tungkol sa kanila ... nakakahanga ;)

at may ibang raket pa pala si OM ngayon!

dangkin said...

ngayon lang kita nakita sa pic at sang-ayon ako sa mga sinabi nila.. ganda mo nga! swerte tlaga ni paeng :-)

riadiosa said...

kakaibang papuri naman ang binibigay niyo sa akin. pag feeling down pala ako post lang ako ng pix at pakiulit na lang mga comments niyo. heheheh =D

Anonymous said...

salamat at may mga natitira pang diosa na katulad mo...
salamat sa suporta lalo sa KAPS...humayo kayo ni bf at magpakarami kayo ng tribo ngayon at magpakailanman...anjoeco

blogger templates | Make Money Online