Sunday, December 31, 2006

ilang oras na lang at matatapos na ang taong 2006. napaka-stressful ng taong ito, sa napakaraming aspeto. ang daming hindi magagandang nangyari sa pinas. ang daming pinalagpas na oras dito sa japan. pero ganyan talaga ang buhay. iilan lang ba ang mga taong nagsasabing, "hay, napaka-productive ko ng taong ito". mas marami sigurong tao na napapabuntong-hininga at magsasabing "sa next year, mas pagbubutihan ko. hindi ko na sasayangin ang bawat oras."

eto ang kagandahan ng pagpapalit ng taon. may panibagong pag-asa. pero marami rin naman na hindi na naghihintay ng bagong taon para maimprove ang sarili. bawat bagong araw, bagong buwan, may pagkakataon para magbago.

kaya para sa ating lahat, congratulations sa mga na-accomplish sa taong 2006. at hiling ko na ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng isang magandang bagong taon. para sa mga taong naging maganda ang 2006, ipagpatuloy ang magagandang nasimulan. para sa iba na "nagkulang" siguraduhing hindi magiging 2006 ang 2007.

punuin natin ng pagmamahal at respeto sa kapwa, sa kapaligiran, at sa sarili ang papasok na taon.

magkita-kita na lang tayo muli sa 2007.

MALIGO TAYO SA BAGONG TAON!!!!

Friday, December 29, 2006

nagsnow kanina! parang bata pa rin akong natuwa kahit apat na beses na akong nakaranas nang pagpatak ng yelo. talagang inabangan ko ang snow ngayon. sabi sa weather forecast kahapon alas-tres ng madaling araw daw mag-uumpisa ang pagsnow. alas-singko ng umaga na ako natulog kanina pero paunti-unti pa lang ang pumapatak na niyebe.

nagising ako ng alas-onse yata. sumilip sa balcony. isnow! isnow! binuksan ko ang tv at pinapakita sa balita ang kagandahan ng golden temple na may naipon nang yelo sa bubungan nito.

kailangan kong magpiktyur. kaya naman kumain ako at naligo. kaso nang mapili ko na ang aking damit (kailangan pula para maganda ang contrast sa yellow at white) e patapos na ang pagbagsak ng niyebe. hehehe.

may enero at pebrero pa naman =)

*****

matatapos na ang taon. napabayaan ko na itong blog ko. napapabayaan ko na rin ang acads ko. kung kelan matatapos na ako, saka pa ako nag-slack. tsk, tsk, tsk.

may nagbebenta ba dyan ng kasipagan?

Sunday, December 24, 2006

maligayang pasko sa inyong lahat!

merry christmas to all.

at ito ang inihanda kong dance number para sa inyo.

Check this out, man!

Saturday, December 23, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting

baka naman isipin niyo na wala akong ginagawa dito kundi magmukmok. lumalabas din naman ako at ini-enjoy ang malamig na hangin at mababang temperatura sa mga kalapit probinsya ng kyoto.

pangatlong luminarie ko na ito sa kobe: noong 2001, 2004, at nito lang dec. 12, 2006. special sa akin ang kobe dahil dito ako unang napadpad. ito ang city ng probinsyang tinirhan ko noongPhotobucket - Video and Image Hosting 2001. sobrang layo. 45 mins mula sa pinakamalapit na train station hanggang sa sannomiya, kobe.
balik na lang tayo dito sa luminarie. 16 years na yata itong ginagawa. 2 weeks sa december. para sa nangyaring lindol noong 1995. nag-iiba-iba ang ayos ng pagkakailaw. parang magkakamukha lang pero bawat taon ay iba ang theme. gumagastos daw ang kobe dito ng ilang daang milyon para mailawan ang isang street. 14 days, mula apat hanggang limang oras bawat araw.

mukhang namang profitable ito. kasi kumikita ang localPhotobucket - Video and Image Hosting business. nagkakaroon din ng mga instant carinderia (na yakuza daw ang nagmamanage --chismis lang) nagbibigay din ng business sa ibang tao. at booming din ang local tourism. hindi lang naman mga foreigners ang mga dumadayo, kundi mga hapon din na mula sa iba-ibang probinsya.

kaya lang, baka daw last luminarie na ito (may chismis din na ganito last year). kasi ang totoo ay hindi na daw kumikita ang local business. yung hawak na lang daw ng yakuza. hehehe. pero ayun, dahil sa baka last na nga ito, at last year ko na dito sa japan, go din ako sa gitna ng pagsusulat sa thesis. kasama ang mga kapwa mag-aaral na stressed sa school, at mas stressed sa pakikibagay sa ibang lahi.

di niyo pala makikita mukha ko kasi kanya-kanya kaming hawak ng kamera. views lang ang nakuhaan ko. imaginin niyo na lang ako dyan, naka-peace sign.
(^o^)v

Tuesday, December 19, 2006

limang araw na lang bago magpasko. sa totoo lang hindi ko maramdaman ito. kahit na noong nakaraang linggo lang ay nagkaroon na kami ng masayang christmas party. magkakaroon pa rin kami ng ilang party para hindi naman basta lang lalampas ang pasko. pero hanggang dun lang yun. party. walang simbang gabi. walang puto-bumbong. walang mga nagtatagong ninang at ninong. walang nangungulit na mga inaanak.

ang meron lang dito ay lamig. kasama ng lungkot. dahil kahit may mga pinoy na parang pamilya na rin ay iba pa rin sa pamilyang nasa pinas. iba pa rin ang ngiti sa atin. mas malalakas at malulutong ang halakhak.

masyado talaga ang attachment ko sa mga bagay na naiwan. pero ganun e. mas feel ko ang pasko sa atin.

Sunday, December 10, 2006

hello all! i am temporarily back. katatapos lang po ng aking presentation kahapon, at sobrang relieved ako. matagal ko ring pinaghandaan ito.

kahapon, bago ang aking presentation, nakikita ko ang aking mga kabatchmate. may mga nakaingiti na at yung iba, pareho ng nararamdaman ko. hindi mo alam kung ngingiti o ngingiwi. at nung natapos ang presentation, sobrang laki ng ngiti ko. gusto kong sumigaw. sabi ng isang pinoy kong kaibigan e ibang-iba daw ako nung sumakay kami ng bus papuntang skul at nung papunta na kami sa isang party. waaaaaaahhhhh!!!! grabe!!!! kailangan na lang ang papel nan ipapasa bago mag-pebrero.

medyo magpaparamdam na rin ako sa inyong mga blog, kapag kailangan kong magpahinga sa kababasa ng technical at academic na babasahin tungkol sa wika at katatawanan.

nga pala, ang kyut-kyut ko kagabi. hahaha! ang ganda ng fit ng black slacks ko at bagay na bagay sa red kong blouse. mukha akong payat. siguro isa yun sa dahilan kung bakit nung nasa harap na ako ng aking audience at pagkatapos sabihin ang intro, tuloy-tuloy ang chika tungkol sa aking papel. bwaaahahahaha!

Sunday, December 03, 2006

whew! nakatapos na rin ako ng isang pinagkakaabalahan.

exam po ang dahilan kung bakit walang activity dito sa aking blog. nagreview po ako. esta nagcram pala. kasi naman itong katamaran ko hindi pa nahanapan ng gamot e. at iyon, natapos na nga ang exam at gusto ko nang kalimutan muna.

focus naman ngayon sa thesis. dapat makapagpasa ako bago matapos ang taon. para naman, may babasahin na ang adviser ko habang nilalamig siya sa winter break. at para naman hindi ako magcram. sa totoo lang, ayaw ko na. hindi ko nga lang alam kung bakit natatrap ako palagi sa ganung sitwasyon.

kaya ayan, para maiwasan talaga, hindi muna ako magbablog. charing! kapag may kailangan talaga akong sabihin at hindi ako matahimik hanggat di ito nasusulat mababasa niyo dito. at bibisita pa rin ako sa inyong mga bahay.

hanggang sa susunod! asta la vista beybs!!! =)

blogger templates | Make Money Online