Sunday, December 10, 2006

hello all! i am temporarily back. katatapos lang po ng aking presentation kahapon, at sobrang relieved ako. matagal ko ring pinaghandaan ito.

kahapon, bago ang aking presentation, nakikita ko ang aking mga kabatchmate. may mga nakaingiti na at yung iba, pareho ng nararamdaman ko. hindi mo alam kung ngingiti o ngingiwi. at nung natapos ang presentation, sobrang laki ng ngiti ko. gusto kong sumigaw. sabi ng isang pinoy kong kaibigan e ibang-iba daw ako nung sumakay kami ng bus papuntang skul at nung papunta na kami sa isang party. waaaaaaahhhhh!!!! grabe!!!! kailangan na lang ang papel nan ipapasa bago mag-pebrero.

medyo magpaparamdam na rin ako sa inyong mga blog, kapag kailangan kong magpahinga sa kababasa ng technical at academic na babasahin tungkol sa wika at katatawanan.

nga pala, ang kyut-kyut ko kagabi. hahaha! ang ganda ng fit ng black slacks ko at bagay na bagay sa red kong blouse. mukha akong payat. siguro isa yun sa dahilan kung bakit nung nasa harap na ako ng aking audience at pagkatapos sabihin ang intro, tuloy-tuloy ang chika tungkol sa aking papel. bwaaahahahaha!

6 Comments:

Anonymous said...

Paano naman kami maniniwala na cute ka nga sa suot mo eh wala namang proof, post ka ng picture...hahaha!

Congrats sa presentation mo and Merry Christmas!

riadiosa said...

hi mommy ann! tiwala na lang po. hehehe =)

manilenya said...

e bakit wala yung pic para malaman namin kung kyut ka nga kagabi :)
hehehhe halos pareho pala kami ng comment ni tita ann :)

rHo said...

congratss!! dapat mag-celebrate... cheeeeerrsss! hehehe...

advance merry christmas po!

makiki-3rd na rin ako, nasan ang picture?! nyahaha!

Linguist-in-Waiting said...

Yaay! Anong presentation iyan? Patapos na rin ang semester dito at time for relaxation na!

Buti naman at maayos ang presentation mo. Kailangan din ng charisma eh?

LIW

ghee said...

wow!congrats at nakatapos ka na ng presentation :)

oo nga,walang pic,anong ginagawa ng keitai mo? :)

malapit na ang pasko :)

blogger templates | Make Money Online