Tuesday, December 19, 2006

limang araw na lang bago magpasko. sa totoo lang hindi ko maramdaman ito. kahit na noong nakaraang linggo lang ay nagkaroon na kami ng masayang christmas party. magkakaroon pa rin kami ng ilang party para hindi naman basta lang lalampas ang pasko. pero hanggang dun lang yun. party. walang simbang gabi. walang puto-bumbong. walang mga nagtatagong ninang at ninong. walang nangungulit na mga inaanak.

ang meron lang dito ay lamig. kasama ng lungkot. dahil kahit may mga pinoy na parang pamilya na rin ay iba pa rin sa pamilyang nasa pinas. iba pa rin ang ngiti sa atin. mas malalakas at malulutong ang halakhak.

masyado talaga ang attachment ko sa mga bagay na naiwan. pero ganun e. mas feel ko ang pasko sa atin.

5 Comments:

manilenya said...

uhmmn homesick sa panahon ng pasko, natural yan ...... advance merry christmas

Anonymous said...

agree ako.. iba talaga ang tunog ng halakhak at hugis ng ngiti pag pasko dun sa pinas..

nway, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon s'yo! :)

Anonymous said...

tama ka...hontoni..iba sa 'Pinas...lalo na ako isang ama na may mga naiwan na pamilya..umaasa na ako ay uuwi...lalo na msa mga anak ko.
bat wala pa pics excited na ako makita..
ano plano countdown to krismas at new year?
- anjoecon

ghee said...

di ko rin mafeel ang xmas dito,pinipilit ko lang dahil sa daughters ko :)

bakasyon na Ria!!Happy Holidays!!

rHo said...

haynaku, parang lahat tayong nasa malalayong lugar e ganyan ang nararamdaman!! wala naman kasi talagang makakapantay sa kung paano natin ipagdiwang ang Pasko sa Pilipinas!

oh wel... tara, uwi na lang tayo sa pinas te! nyahahahahha! merry christmas and happy new year te! mwuahuggggz!

blogger templates | Make Money Online