Friday, December 29, 2006

nagsnow kanina! parang bata pa rin akong natuwa kahit apat na beses na akong nakaranas nang pagpatak ng yelo. talagang inabangan ko ang snow ngayon. sabi sa weather forecast kahapon alas-tres ng madaling araw daw mag-uumpisa ang pagsnow. alas-singko ng umaga na ako natulog kanina pero paunti-unti pa lang ang pumapatak na niyebe.

nagising ako ng alas-onse yata. sumilip sa balcony. isnow! isnow! binuksan ko ang tv at pinapakita sa balita ang kagandahan ng golden temple na may naipon nang yelo sa bubungan nito.

kailangan kong magpiktyur. kaya naman kumain ako at naligo. kaso nang mapili ko na ang aking damit (kailangan pula para maganda ang contrast sa yellow at white) e patapos na ang pagbagsak ng niyebe. hehehe.

may enero at pebrero pa naman =)

*****

matatapos na ang taon. napabayaan ko na itong blog ko. napapabayaan ko na rin ang acads ko. kung kelan matatapos na ako, saka pa ako nag-slack. tsk, tsk, tsk.

may nagbebenta ba dyan ng kasipagan?

2 Comments:

dangkin said...

sayang.... di bale, bukas baka mag snow ulit dyan, tulog ka ng maaga para gising ka ng maaga rin at maabutan mo ang pag-i-i-snow ;)

have a blessed, fruitful & blissful new year!

:)

Ann said...

Dito sa amin walang snow pero kahapon na yata ang pinakamalamig na naranasan ko dito for about 13 yrs na andito kami.

blogger templates | Make Money Online