Sunday, December 03, 2006

whew! nakatapos na rin ako ng isang pinagkakaabalahan.

exam po ang dahilan kung bakit walang activity dito sa aking blog. nagreview po ako. esta nagcram pala. kasi naman itong katamaran ko hindi pa nahanapan ng gamot e. at iyon, natapos na nga ang exam at gusto ko nang kalimutan muna.

focus naman ngayon sa thesis. dapat makapagpasa ako bago matapos ang taon. para naman, may babasahin na ang adviser ko habang nilalamig siya sa winter break. at para naman hindi ako magcram. sa totoo lang, ayaw ko na. hindi ko nga lang alam kung bakit natatrap ako palagi sa ganung sitwasyon.

kaya ayan, para maiwasan talaga, hindi muna ako magbablog. charing! kapag may kailangan talaga akong sabihin at hindi ako matahimik hanggat di ito nasusulat mababasa niyo dito. at bibisita pa rin ako sa inyong mga bahay.

hanggang sa susunod! asta la vista beybs!!! =)

2 Comments:

rHo said...

gudlak sa mga gagawin mo te!! advance merry christmas na rin sa'yo... ingatz!! mwuahugggz! god bless po!

manilenya said...

uunga gudlak kaya pala d ka nagpaparamdam e :)

blogger templates | Make Money Online