Monday, December 31, 2007

Comment Graphics, Graphics Myspace, code for myspace

Sunday, December 30, 2007

Looking Forward to 2008

Masasabi kong isa ako sa siyam sa bawat sampung Pilipino na haharapin ang 2008 na may pag-asa. Bukod sa pag-asa, may kasama pa itong ngiti at excitement. Ito ang ilan sa magdudulot sa akin/aking pamilya ng saya at pag-asa at excitement para sa darating na taon.

Enero: Pagcelebrate ng 2008 kasama ang aking mga mahal sa buhay. Noong nakaraang tatlong taon kasi sa iba ang drama ko. It's so nice to be back talaga.

Enero ulit: Excited na ako sa bagong Koreanovela ng GMA-7, ang Coffee Prince. Kinikilig ako everytime napapanood ko ang teaser.

Pebrero: 28 na ako sa 2008. Magcelebrate ng Valentine's with fafa. Hehehe. Magastos na naman.

Marso: Magtatapos na rin si bunso! Last year, itong sumunod sa akin na nagtapos ng Interior Design (kung meron kayong ipapadesign, bahay o furniture, comment lang. hehehe). Sa awa ni Lord, nakahanap agad ng trabaho. Nakadalawa na nga siya e....

Abril: Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Yukutoy!!!

First four months pa lang yan ng taon. Malalaking events. Sigurado akong, marami pang mangyayari sa mga susunod na araw. Dalawang araw na lang 2008 na! Waaaah!!!!

Friday, December 28, 2007

Panalong Planner

Bilang regalo ng aking mga kapatid (na nadaan sa pilit) ay binigyan nila ako ng Jollibee Planner. Gumagamit talaga ako ng planner at trip ko siyempre yung mga kyut. Hindi ako nakapaghanda para sa starbucks planner pero may inggit akong nadama nung ayain kami ng aming friend na uminom sa starbucks para makumpleto na yung kanyang stickers. Pero nawala din naman yun dahil sinabi ko kay Paeng na yun ang gusto ko next year.

Tamang-tama isang araw, nakita ko ang commercial ng Jollibee na meron din silang 2008 planner. 30 years na sila at limited ito. Kaya naman hindi ko tinantanan ang aking mga kapatid hangga't di nila ako binibili. Takot lang nila kapag di ako nakakuha nun. Pwede ding naawa sila sa akin.

Ang ganda ng planner ko. Ang saya-saya.

Horoscope at wedding ek-ek

You are exceptional at presenting your ideas. Try not to be so demonstrative. It's time to reevaluate your own motives and make changes to yourself first.
***************

Wala akong mai-post na isang buong kwento e. Pachi-pachi lang kaya dyan ko na sinimulan. Halos isang linggo na akong gumugising na masakit ang ulo... Bakit kaya? Hindi naman yung sakit na hindi na makapagtrabaho, pero masakit pa rin. Nakakatulog naman ako ng maayos...

**************
All-out na kami sa wedding preparations. Punta kami ni Paeng sa Papemelroti kagabi para magtingin ng ideas para sa souvenir. Dahil pareho kaming nasa akademya, papel at lapis ang ipamimigay namin! Hahaha. Meron na kaming nakita at tinitingnan na lang namin kung paano ito magiging P50 or less. Sa store kasi nasa P98, masyadong mahal yan para sa aming sosyal pero maliit ang budget na wedding. Saka na lang ang pics.

**************
Ang pinakamalaking problema namin ngayon ay ang pagkain. Nag-email na kami sa ilang nakita naming mura. Yung kapatid ko, botong-boto na sa kusina ni kambal. Si Paeng naman, gusto nang magdecide. Ako naman, siyempre canvass muna. At nang makaranas din ng food tasting. Masyadong mahal para sa amin ang Tamayo's at Hizon's. Sayang mukhang panalo sila at ok ang mga nababasa ko sa forums. Kung may kakilala kayo inform niyo naman ako. Kung realistic ba ang less than P350/head with amenities na. Mukhang nasa 120-150 kasi ang guests namin. Hindi ko pa finafinalize dahil palagi kaming nagkakainitan dito sa bahay. Kung ako lang, masyado nang madami ang 100 guests! Hahaha. Kurips talaga ako.

Wednesday, December 26, 2007

Maligaya ba ang Pasko niyo?

Kung inilaan niyo ito sa inyong pamilya, o kaibigan, o mahal sa buhay tiyak na maging masaya kayo ngayong Pasko.

Kami naman ay umuwi sa probinsya para makasama ang aming mga kamag-anak. Bukod sa mini-get together ng pamilya, nakalanghap din ako ng malinis na hangin. Hindi ingay at busina ng sasakyan ang naririnig kundi mga tawanan namin at ng mga kapitbahay.

Sa mas tahimik na lugar, maririnig mo ang sarili mo mag-isip at magmuni-muni at maging malinaw ang ilang mga bagay.

Sana naging makahulugan din ang Pasko sa inyong mga bahay at inyong mga puso.

Monday, December 24, 2007

Krismas Gift naman dyan...

Hindi ako manghihingi ng iphone o ng bagong lens para kay Hobi-chan o ng mga libro. Gusto ko lang sana ng isang bagong template! Something burgundy and silvery. Bakit yan ang kulay? Bakit nga kaya. Pag binigyan/nahanapan niyo ako, saka niyo malalaman...

Maligayang Pasko sa ating lahat. Huwag kalimutan ang dahilan kung bakit tayo nagpapakasaya sa mga panahong ito!

Sunday, December 23, 2007

Wedding Preps

Walang update!!! So para saan ang post na ito? Magrirelease ba ako ng stress, init ng ulo, inis o lahat ito?

Hindi pa rin final ang guest list namin. Marami kasing kamag-anak e. Kailangan lang namin talagang i-limit dahil maliit lang ang budget namin. Kami lang naman kasi ang gagastos at hindi naman 6 digits ang numero sa payslip namin. Bibigyan na lang siguro namin ng CDs (yung pirated copy ng kasal, hahaha!) yung hindi makakapunta o masasama.

Sasamantalahin lang namin itong bakasyon para ayusin ang mga legal papers para sa kasal. Si Paeng na ang bahala doon. Ang malaking responsibilidad ko lang sa ngayon ay magpa-kumpil. Hindi pa kasi ako nakumpilan. At bishop lang yata ang pwedeng magkumpil. Sa Binondo Church kami nakakita ng regular na skedyul ng confirmation. Kailangan ko na lang ng ninong o ninang.

Pinaparenovate pala namin ang aming church. Chenes lang. Nirerenovate siya ngayon. Pinipinturahan ng puti ang bubong. Ang swerte namin, bagong renovate next year. Sana pala matapos before April.

Yan muna. Meron akong mga reklamo pero hindi ko na lang ilalagay dito. Hahaha. Good night all!

Pagkalipas ng 10 taon

Nag-get together ang aming block nung college kamakalawa sa Trinoma. Ten years ago kasi, una kaming nagkakakilala pagtapak namin sa UP. Mula sa iba't-ibang probinsya, sa iba't-ibang hayskul na pinag-isa ng kursong Linguistics at Geography. Nang panahong iyon, dahil sa konti lang ang kumukuha ng aming courses ay nagshare sa isang block, pero hindi na iyan uso ngayon.

Umuwi ang isang member ng aming block from switzerland at nagplano kaming magkita-kita. Dapat ang plano ay iimbitahan din namin ang aming mga unang propesor kaso wala na akong nakita nung huling linggo ng pasukan. Tapos, dahil sabay sa mga parties ng mga offices, kokonti din lang ang nakapunta. Pero kahit na, masaya pa rin. Nakakatuwa na balikan ang issues dati, at magkaroon ng bulgaran. Hahaha. Balik college kami. Maiingay, tawa ng tawa. Mas malalim na rin ang iba naming pinag-uusapan, pero babalik at babalik pa rin sa mga mabababaw na usapan. Hahaha. Sana matuloy na kahit isang beses sa isang taon ay magkita-kita kami. At dadating ang panahon na makukumpleto ulit ang aming block.

BLOCK N2 1997

Saturday, December 22, 2007

UP Lantern Parade

Ang late na ng post ko na ito. Last Wednesday ang UP Lantern Parade. Matapos ang tatlong taong pagkamiss ko dito, excited ako siyempre na masaksihan ito... At dahil malaki ang publicity ngayong taon dahil preparasyon para sa centennial ng UP, medyo hyped ang mga tao.

Maagang nagstart ang parada. Wala pa yatang alas-singko ng hapon may nagpeperform na sa Quezon Hall. Parang ayaw pa ng mga colleges and units dahil walang epek ang kanilang mga ilaw. Ang konti ng delegation ng college ko! Walang event, epek, drama. Wala, wala, wala!!! Haaaay. Kakalungkot. Di katulad ng College of Engineering na mukhang ni-require ng kanilang dean na sumama. At very kwela din ang emcee dun sa quezon hall. Nakakatawa. Balahura. Hehehe. At siyempre, panalo ang Fine Arts. Talaga naman. Parang wala lang sa kanila. Hahaha.

Parang magulo lang. Tapos weird yung sunduan concept. Hindi tulad ng dati na magsisimulang magparada ang lahat mula dun sa pa-Faculty center na daan. Pero, ayus pa din. Eto ang ilang kong pix:

KONTRA-GAPI (org ko nung college)
PEP SQUAD (yung likod, hehehe)
CSSP (kolehiyo ng diyosa)
FINE ARTS (ibang level na mga tao)

Dami pang pictures dito. Tapos kung gusto niyo rin makita ang pinakamagarbong fireworks display mula sa beta epsilon punta kayo dito.

Friday, December 21, 2007

Christmas Parties

Ang December talaga ay napakabusy. Panahon din na mafifeel mo kung gaano karami ang groups mo base sa imbitasyon para sa Christmas party na matatanggap mo. Feeling popular ba kayo dyan? Hehehe...

Unang linggo pa lang ng Disyembre may nagparty na. Sinabay ang party sa graduation ceremonies sa foundation sa UN na pinagturuan ko for 2 months. Kinailangan kong magtrabaho nung araw na iyon kaya sibat ako agad at di man lang nakakain.

Ang second party ay para sa teachers ng foundation na iyan. Sinabay na rin ang year-end party dahil aalis ang aming mga Japanese na bosses. Hindi masyadong uso sa mga Hapon ang Christmas party pero mas madalas ang Year-End party o let's-celebrate-good-things-that-happened-this-year-and-forget-the-bad-ones-and-hope-for-a- better-new-year party. Kantahan at sayawan to the max ang drama namin sa isang karaoke place sa Manila.

College at Department parties naman ang nangyari nitong nakaraan linggo. Sa college party, nadamay pa ako sa kailangang maghandog sa madla ng isang song and dance number. Isang prof namin ang kumanta ng Mr. Suave, classical version (keri niyo yun?) at sayaw naman kami to that tune. At nung department party ang pinakahappy dahil kumain lang ako, nangantyaw ng mga nagperform at nanalo pa sa Bingo! Ayan ang pruweba:


At ngayon naman, magkikita-kita kami ng aking blockmates, ang aking unang grupo pagpasok ng unibersidad. 10 years na kaming magkakakilala this year. Hay, time flies...

Bukas naman, ang aking performing group. Hehehe. Ang mga kasama kong naggrow bilang isang tao, isang artista. Chenes!

Meron na kayang online christmas parties? Hindi ako imbitado. Hahaha!

============
4 days na lang Pasko na!!!!!!!!
Wiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!

Thursday, December 20, 2007

Isa akong anghel

You Are an Angel

A truly giving soul, you understand the spirit of Christmas.

====================
5 days na lang Pasko na!!!!!!!!!
Wiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!!!

Tuesday, December 18, 2007

Finally!!!

No more classes! Yehey!!!! College party kanina. Kinailangan naming magperform para madagdagan ang kasiyahan ng pagsasalo. Ayun, kakahiya lang ginawa namin. Hahahaha! Sa susunod dapat mas madami ang magparticipate para mahati sa mas madami ang kahihiyan.

*************
Nakakatakot sumakay sa isang jeep na mainit ang ulo ng driver. Parang hindi na naiisip na ilang buhay ang umaasa sa kanya na umabot sa kanilang patutunguhan ng ligtas. May mga narinig akong komento sa mga pasahero kanina na dapat mag-orientation ang mga drivers. May mga bastos kasi na nakikitungo sa pasahero.

Hirap din kasi ang lagay ng mga driver. Magmamaneho. Kukuha ng bayad. Mag-aabot ng sukli. At kailangang siguraduhin na nagbabayad lahat ng hinahatid niya. Nakakaawa din minsan kasi talaga namang may mga taong nanggugulang.

Sa panahon na ganito na parang stressed ang lahat (kumikita, gumagastos) sana hindi nawawala yung paggalang sa kapwa. Kung meron kang nakuhang serbisyo mula sa iba, kailangang ibigay mo yung kapalit para dun. Para lahat masaya.

==================
7 days na lang Pasko na!!!!!!!!!!!
Wiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!

Saturday, December 15, 2007

Bakasyon na...

Sana!!! May isang klase pa ako sa Lunes at isa pa sa Martes. Sa miyerkules naman, krismas party ng department namin, at sa hBoldapon naman ay lantern parade...

Gusto ko na ng bakasyon!!!

Pero habang iniisip ko ang bakasyon, inaayos ko na rin kung anong mga trabaho ang kailangan kong matapos bago magklase ulit next year. Panget!

===================
10 days na lang Pasko na!!!!!!!!!!!!
Wiiiiiiiiiiii!!!!

Thursday, December 13, 2007

Kulayan ang mundo

Matagal na akong hindi naggaganito. Hehehe. At kung kelan kailangan kong gumawa ng lektyur para bukas, iba na naman ang inaatupag ko. Hahaha.

You Are a Yellow Crayon

Your world is colored with happy, warm, fun colors.
You have a thoughtful and wise way about you. Some people might even consider you a genius.
Charming and eloquent, you are able to get people to do things your way.
While you seem spontaneous and free wheeling, you are calculating to the extreme.

Your color wheel opposite is purple. You both are charismatic leaders, but purple people act like you have no depth.

Krismas Reklamo

Ramdam na ramdam niyo na ba?????

Yan ang pinag-uusapan namin ni Paeng kagabi sa may MRT. Hindi man lang nababawasan ang bad news. Hindi ko alam kung magandang balita ang pagbaba ng dolyar. Malaki ang nawawala sa mga Pinoy na nagpapakahirap sa ibang bansa. Kailangan nilang matugunan ang nababawas sa mga pinapadala nila. Pangungulila, kapaguran... Madaling sumunod dito ang pagkawala ng pag-asa.

Tataas daw ang pandesal. Magiging 2.50 na ang isang piraso!!! Tataaas ang kuryente, ang tubig. Nagtaas ang arina, asukal. Bumaba ang langis, pero mataas pa rin ang gasolina. Magtataas din yata ang LPG. Paano na ang lulutuin ngayong Pasko?

Baka hindi na rin kami makabili ng ham at keso de bola. Hindi naman sa ito lang ang Pasko para sa akin, pero yung tradisyon nawawala. Kahit na panay pa rin ang trabaho mo para ma-keep ito. Nakakalungkot lang isipin na kahit anong trabaho ng mga tao, hindi pa rin ito sapat para maging maayos ang buhay (siyempre depende yan sa depinisyon ng maayos). Kailangan mo pa ring magtrabaho ng doble, o triple para maibigay ang basic na pangangailangan. At para mas maging malungkot o mas maging bothered tayo, isipin niyo na lang ang mga reklamong ito ay galing sa mga taong may trabaho... Paano na yung mga wala? Paano kaya nila sasalunbungin ang pinakamasayang araw ng Pasko?

==================
12 days na lang Pasko na!!!!!!!!!!!
Wiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii?

Tuesday, December 11, 2007

Two weeks na lang!

In two weeks, Christmas day na! Akala ko makakapagpost ako dito araw-araw, kasabay ng manual kong countdown, kaso natambakan na naman ako ng trabaho at ng mga pinagpapalibang trabaho. Next week wala nang klase. Nag-iisip pa ako kong magkansel na rin ako ng last day, lalo na't mula 7am ang klase ko. Pero sayang naman. Dalawang beses nang natamaan ang mga klase ko dahil sa suspension.

Bukod sa mga parties, lantern parade, naghihintay din ang lamesa ko sa skul na malinis. Hahaha! Ang daming papel na nakakalat. At madami pa ang madadagdag dyan.

Sana bakasyon na. Para naman madagdagan ang maa-accomplish namin para sa KTD 2008.

============
14 days na lang Pasko na!!!!
Wiiiiiiii!!!

Thursday, December 06, 2007

Krismas Tree


Ito ang krismas tree namin para sa taong ito. Inayos na ni mama at bunso dahil naiinggit na kami sa iba. Hehehe. Never kaming nagkaroon ng krismas tree na mas malaki pa sa amin. Pangarap namin yan. At dadating din yan. Pero hindi naman sa laki nasusukat yan. Kundi sa dami regalo na nasa ilalim nito! Bwahahahah!

************
Salamat sa mga nagkokoment at dumadaan!!!

Tuesday, December 04, 2007

Pasko sa UP 2007

Nag-ilaw kahapon sa UP Admin building para salubungin na ang panahon ng Kapaskuhan. Marami ding mga estudyanteng nakisama sa pagdiriwang, at madami ding mga pamilya mukhang dinayo pa ang pag-iilaw. Nakakatuwa. May fireworks pa! Ang happy-happy! Nakakatawa ang UP crowd! Nung sinabi na may fireworks, madami akong narining na comment na 'uy, mayaman na tayo'. Talaga naman!

Ito ang isang hindi masyadong magandang kuha ng administration building o Quezon Hall pagkatapos ng pag-iilaw.

May dance concert din pagkatapos. At talaga namang kabilib-bilib at kainggit-inggit ang mga talent nila! Sa susunod na ang mga piktyur.

===========
21 days na lang PASKO na!!!!
Wiiiiiiii!!!

Monday, December 03, 2007

Ngitian ang bagong linggo

Yes, kailangan masaya tayo palagi. Kahit 4am gumising na ako para gumawa ng lesson plan. Nakangiti akong gumagawa ngayong ng blog entry.

Bakit?

Bisitahin niyo ito at basahin ang nilalaman.

Panget ang hindi tumawa.

Isang productive na week para sa ating lahat!!!

===========
22 days na lang PASKO na!!!!
Wiiiiiiii!!!

Sunday, December 02, 2007

Push your luck!!!

Gustong-gusto ko itong line na galing sa Whammy, isang game show sa Channel 7 na talaga namang suwerte lang ang kailangan mo.

Ginagamit ko ito ngayon para pangmotivate sa sarili at dinadamay ko na rin ang aking mga friends sa motto na ito. Siyempre, sa paggamit ko na iyan, hindi lang swerte ang inaasahan ko talaga.

Para sa akin, pushing your luck means testing the waters. Going out of your usual habit. Exploring new things. At titingnan kung nginigiti ba sa iyo ang tadhana.

-----------

Kanina nag-exam ako, katulad ng exam ko last year na kinulang ako ng puntos para pumasa. Inisip ko na huwag nang tumuloy kaninang umaga, dahil kung noong nakaraang taon, nasa Japan na ako hindi ko pa rin ito pinasa, ngayon pa kaya na kalahating taon na akong nakabalik. Pero instead of backing-out, na madalas kong gawin sa mga activities ko na ayaw ko na o wala akong nakikitang patutunguhan, i decided to just do it. May isang araw na nakapagbasa ako ng libro. Kung hindi man pumasa ngayon, may susunod na taon pa naman. Papasa din ako dyan. Kanina, ginamit ko ang aking bagong motto:

I just pushed my luck.

HAHAHAHA!!!!

Saturday, December 01, 2007

Disyembre na!!!!

Pasko. Paksiw. Pasko. Paksiw...

Saya-saya naman!!!

Thursday, November 29, 2007

OA kayo ha!

Curfew from 12am to 5am simula ngayon...

Pagsira ng isang entrance ng Manila Peninsula para makapasok ang isang tangke sa lobby ng hotel.

Daan-daang armadong sundalo.

Tear gas sa hotel.

Pagposas sa mga media people na nagko-cover ng event.

Dahil sa pagwalk-out nina Trillanes at Lim at manawagan sa ating mga Pilipino na mamulat na sa katotohanan at magwithdraw ng suporta sa kasalukuyang pamahalaan...

May mga makukulit na nagtatanong. Nagpapaka-hero na naman ba sina Trillanes, et al, dahil National Heroes Day bukas?

Tuesday, November 27, 2007

Hilo, lindol, windang

Lumindol kanina! At naramdaman ko... Huli akong nakaramdam ng lindol nung 2004, sa Japan. Biglaan yun, mabilis, isang sundot lang. Yung lindol kanina, nakakahilo. Akala ko, nahihilo lang ako dahil sa pusit flakes na kinain ko. But no, naramdaman din ng mga katabi ko. Malakas pala sa norte. Sana ok lang ang mga kababayan natin doon...

Bakit kung kelan talaga malapit na ang pasko, madaming di magandang nangyayari. Ayan nga, lindol. Tapos nagsasayawan pa sina Mina at Lando. At sisingit naman si Nonoy. Ano ba naman yan. Sino ba naman ang hindi mawiwindang?

Eniweys, hindi masyadong malakas ang ulan dito sa caloocan. Malamig. Masarap lang uminom ng barako at magrelax. Hihihi.

Monday, November 26, 2007

Limang bagay na pwedeng ipalit sa ginagawa ko ngayon (as in now!)

1. matulog hanggang tanghali bukas (kaso 7am ang klase ko)
2. manood ng grey's anatomy, heroes, at how i met your mother
3. mag-isip ng study plan para sa phd (uy, advance... excited)
4. basahin yung libro na Uh-oh (nasimulan ko na, di ko matapos)
5. maghilamos (kaso di pwede kasi pagod mata ko, baka lalong lumaba ang aking mata)

balik sa trabaho. wala pa akong lektyur bukas. bwahahaha...

Thursday, November 22, 2007

Tuwing umuulan...

...na hindi ka kapiling. Charing. Hindi ito isang senti post dahil umuulan. Isa itong post para makapagpost lang. Haha. Panget.

Nakakalungkot naman ang ibang kababayan natin na nasa bicol at visayan region. Nakatikim na naman mula kay inang kalikasan. Palagi na lang sila. Samantalang ang iba, nag-iisip kung may pasok bukas (kasama na ako).

Tumutulo dito sa bahay namin. Kainis. Nakailang ayos na ito. Sayang ang ginagastos. Parang itong koneksyon namin sa internet. Palpak ang serbisyo. Bakit ba yung perang pinagtatrabahuhan mo na ginagastos sa mga bagay-bagay minsan hindi mo nakukuha ang tamang serbisyo. Nakakairita yung feeling na naka-isa sila sa iyo.

Kakainom ko lang ng kapeng barako. Kaya kahit maaga akong gumising kanina at buong araw nagtrabaho, nandito pa rin gising sa harap ng kompyuter. Dapat siguro, tiyagain ko nang basahin yung mga sinulat ng estudyante ko. Makapal-kapal na rin yun.

Kapag umuulan talaga, bumabaha ang ideas. May naisip na akong regalo para sa friends. Gimik para sa KTD 2008. Aktibidades para sa klase. Sana lang hindi ko makalimutan.

Ano naman ang drama niyo kapag umuulan?

Tuesday, November 20, 2007

bakit naman sobrang busy ngayon? gusto kong maglakad. gusto kong magbasa ng libro na hindi ko kailangang basahin. gusto kong umupo sa isang lugar na mahangin at mapuno para naman guminhawa ang pakiramdam mo.

ang tagal ng christmas break.

i want one now!

Thursday, November 15, 2007

umuulan...
ang sarap magbabad sa kama,
mas masarap kung may kasama.

Monday, November 12, 2007

Break muna

Dapat natutulog na ako kasi alas-siyete ang klase ko bukas. Tatlong sunod-sunod na klase. Sa isang klase pa lang ako may naihanda. Naghahanap pa ako ng ichichika dun sa dalawa. Dapat nagrereview din ako.

Nalulungkot din ako. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng lungkot sa mga binabalita ngayon? Pero hindi pwedeng magpakababad sa lungkot.

Buti na lang at sa academe ako nagtatrabaho. Iba't-ibang tao ang nakakasalamuha at nakikilala ko. Gusto ko lang i-share sa inyo ang first day ko.

Nagklase na ako kanina sa Japanese. Binigay ko lang naman ang aming silabus at pinadugo ko lang ang utak ng mga estudyante ko sa isang diagnostic test. Para alam nila na seryoso ako sa ginagawa ko kahit na madali kaming maging friendships. Eniweys, pagkatapos ng eksam, pinagsulat ko sila ng info card.

Hiningi ko ang basic na info tulad ng contact numbers, rason kung bakit sila nag-aaral ng japanese, talents, at expectations sa klase. Dati hinihingi ko rin kung ano ang expected grade nila. Lahat gusto ng uno. Walang paltos yan. Narealize ko nito lang na nalilito sila sa expected at wish. Kaya binago ko ang tanong. Ano ang grade na willing nilang pagtrabahuhan.

Ayun na. Lumabas ang totoong kulay. Meron pa ding nagsulat ng uno. Pero pwede na sa iba ang 1.5, 1.75, at 2. Nilimitahan na nila agad ang sarili nila. Nakakalungkot naman. Kahit sabihin nilang may pagka-realistic sila. Nakakalungkot pa rin.

Wednesday, November 07, 2007

Comfort zone

Umaga pa lang kanina nagrereklamo na ako sa aking araw. Tuwing Miyerkules kasi ay nagtatrabaho ako sa foundation at nagtuturo din sa gabi. Pang-apat na beses ko pa lang magtuturo pero nakakaramdam na ako ng irita. Bukod kasi sa pagtuturo, kailangan pa ng matinding preparasyon. Mas matindi pa sa preparasyong ginagawa ko sa skul. Dito kasi sa foundation kailangang may lesson plan. Every session din, may nag-oobserve sa klase at may comments pagkatapos. Marami tuloy pumapasok sa isip ko na hindi kagandahan.

At pagkatapos kong huminga ng malalim at basahin itong entry ni father jboy, hinarap ko na ang dapat kong gawin.

Hindi natin nakikita ang lahat ng pwede at kaya nating gawin. Nagpapasalamat ako actually na kahit hindi kami matagal na nagkasama sa pagtatrabaho, nirekomenda pa rin ng isang teacher dito sa foundation. Ibig sabihin kaya may nakita siya sa akin na dapat at magandang idevelop? At hindi rin natatapos dito ang aking mga gawain, dahil hinihingi ang aking opinyon, at kinokonsidera din ako sa iba pang activities.

Narealize ko din na isa lang itong challenge. Ngayon lang kasi ako umalis sa aking comfort zone. Simula ng makagradweyt ako ng BA, nagtry na agad akong mag-MA at magturo sa department kung saan ako nanggaling. Kilala ko na ang mga tao. Familiar set-up. Wala masyadong adjustments. Hindi katulad ngayon.

Nagtatrabo ako kasama ang mga Japanese. May ibang kultura at may ibang work ethics. Ang dami ko ngayong ginagawa na never kong ginawa sa skul. Na madalas tinatanong ko kung kailangan ba talaga. Madalas na sinasagot ko din na, oo kailangan. Dapat. Kahit di na ako magpasampal sa iba para matauhan. Dumarating na lang ang dahilan kung bakit kailangan kong ipagpatuloy ang mga nasimulan kong gawain.

At sana kapag dumating ang araw tulad ngayon, kahit makaramdam ako ng negatibo tungkol sa mga ginagawa ko, ay marealize ko tulad ngayon ang magandang naidudulot sa akin nito. At ang magandang maibabahagi ko sa ibang tao dahil din dito.

Sunday, November 04, 2007

KTD 2008

Isa at kalahating buwan na rin ang nakalipas ng (sa wakas ay) magpropose na rin ang aking long time boyfriend. yes! we are finally doing it. at para patunayan na wala na itong urungan at talagang mangyayari na next year, nagpareserve na kami ng date sa Church of Holy Sacrifice sa may UP. Unang perang lumabas para sa event next year na aking tatawaging Kasalan ng Tambay at Dyosa 2008 o KTD 2008.

Paminsan-minsan mag-uupdate din ako. Para maishare ko, makachismis kayo, o kung kakailanganin kong magrelease. Hehehe. Sa ngayon, bisita ang malaking nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo. Kapag may budget na hindi naman malaki, hindi pwedeng imbitahan ang buong angkan, buong barangay. Ilang beses na rin akong nairita kapag ito ang pinag-uusapan namin.

Basta ok na ang church. Matagal na rin naming napag-usapan na sa Holy Sacrifice talaga kami magwalk down the aisle. A month and a half after the proposal, we have made progress! More stories next time.

Thursday, November 01, 2007

Telenovela

Ako ay hooked sa isang telenovela ng GMA, ang Hwang Jini. Katatapos ko lang manood kanina at nakakaiyak ang episode. Matagal-tagal na rin akong hindi naiiyak sa mga palabas sa tv.

Base sa aking internet research, totoong tao pala si Hwang Jini. Isang kisaeng, na sa aking intindi ay maihahalintulad sa isang geisha ng Japan. Mga babaeng nagpapakabihasa sa iba't-ibang klase ng arte na hindi maaaring magmahal. Chorva no?

Tragic ang episode kanina. Namatay ang first love ni Jini. Parang pinipiga ang puso ko sa mga linya nila. Dahil sa pagkamatay ng first love ni Jini ay nagdesisyon ito na kakayanin na nitong maging isang kisaeng, nagpapamalas ng kanyang kaalaman sa arte, maaaring maangkin ng kahit sino sa tamang halaga, pero hindi na papayagan pang ma-involve muli ang kanyang puso. Perfect ingredients para sa isang palabas na aking susubaybayan.

Wednesday, October 31, 2007

Buhay nga naman...

Nakakatawa ang ilang balita kagabi. Katatapos lang ng barangay election. At tapos na rin ang bilangan. Naproklama na rin ang mga panalo. Siyempre may mga aberya din. May ilang lugar na nagka-failure of election. May tensyon din sa mga kumandidato. Pero sa kabuuan ay maayos at successful naman ang naganap na eleksyon.

May mga lugar kung saan wala pang nadedeklarang panalo. Kasi pantay ang mga nakuhang boto ng kumandidato. Sa SK, (nakalimutan ko lang ang lugar), pareho ang boto ng dalawang kandidato. Meron ding kagawad at meron ding nagtie na barangay captain. Paano kaya ang solusyon dun?

Nakalagay pala sa batas na kapag may nangyaring ganyan ay kapalaran na magdidesisyon. Paano? Puwedeng drawlots o kaya toss coin. Hehehe. Ang saya!

Monday, October 29, 2007

Pardon-ness

Nabanggit ko na ang aking saloobin tungkol sa topic na ito. Gusto niyo pang makabasa ng pananaw mula sa ibang bloggers? Basahin niyo si Paeng at si Keboy. Ilan sa mga kasama ko noong January 2001. Punong-puno ng pag-asa. Ngayon ay punong-puno ng sama ng loob. Sino ba naman kasi ang matutuwa ha?

Kahit nga si Donya Mary na mahal na ina ni Erap ay galit.

"dahil wala na naman raw siyang natapos...
di tapos ng college, di natapos ang presidential term,
tapos ngayon, di na naman natapos ang jail term niya."

Wala akong sembreak?

Bad trip! Buti pa ang gradeschoolers may nalalaman na ring sembreak! Wala ngang pasok ngayon pero sumakit pa rin ang mata mo dahil sa lesson plan ko para sa Miyerkules. Kaya nga hindi ako nag-education dahil ayaw kong masyadong teknikal. Pero eto ako ngayon, katatapos lang gumawa ng 6 pages na lesson plan, in Japanese pa! Saan ka pa? Pakisampal nga ako!

Friday, October 26, 2007

Executive Clemency

Pwe!!!!
Basura!

Tuesday, October 23, 2007

The geek in me

"I wish I were an anaphor
so I could be bound in your domain."

Haaaay... Such a sweet linguistic quote.
From Facebook :)

Monday, October 22, 2007

Manalangin at Gumawa

Isang makabuluhang sermon na naman ang narinig ko noong Linggo. Tuwing magsisimba ako sa UP at si Fr. JBoy ang inabutan naming pari, i always have this urge na i-share sa lahat ng nakakasalamuha ko ang narinig ko at natutunan ko sa kanya.

Kahapon ay tungkol sa pagdadasal at paggawa ng tao. Related sa 'Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.' Hindi sapat na magdasal lamang. Hindi tayo dapat kampante na porke naidulog na natin sa Kanya ang ating mga hinaing sa buhay ay magkakaroon na agad ito ng kasagutan. Kailangang gawin natin ang parte natin.

Parang itong nangyayari sa ating bayan. Alam kong maaaring nawawalan ng pag-asa na magbago ang buhay natin. May naririnig din ako sa mga kakilala na ipinagdadasal na lang nila ang magiging kinabukasan natin. Kalahating tama lang ito.

Marami sa atin na hindi na alam kung ano pa ang dapat gawin para mapabuti ang kalagayan natin. Isa na ako dun. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang magiging aksyon ko. Hindi ko pa alam kung ano pa ang dapat gawin. Kung ano pa ang kaya kong gawin.

Kaya naman ipinagdadasal ko na mahanapan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ngayon. Hindi lang ng aking mga mahal sa buhay, kundi ng mas nakararami. At kapag nasagot na ang dasal kong ito, ihahanda ko na ang sarili ko para sa gawa.

Crunch Time

Grades na lang. Yes! Grades para sa limang subject na tinuro ko ngayong semestre. Konti na lang at magkakaroon ako ng sandaling panahon para magpahinga...

Saturday, October 20, 2007

Nakakapagtaka. Nakakatakot. Bakit may mga taong nakakapag-isip at nakakagawa ng mga bagay na makakasakit sa mga inosenteng tao?

http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=95571

Wednesday, October 17, 2007

First Day

Natapos din ang unang araw ng turo ko sa foundation, kung saan ako nagtatrabaho once a week. At ang masasabi ko lang *wheeeew*.

Grabeng kaba ang naramdaman ko simula nung Lunes. Idagdag pa dyan ang mga napanaginipan ko. Tapos nagkaaberya pa 20mins bago ako magturo! Wala sa memory stick ko yung isang file na ididiscuss ko. Tawag agad ako sa bahay. Buti na lang nandun ang aming bunso. Lucky pa rin.

Sobrang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng klase. Habang nagkaklase, nakijoin din ang senior at junior language adviser. Si Junior adviser ang nagtrain sa amin. Marami akong natututunan sa kanya at ako'y natutuwa. Sobrang napressure lang talaga ko. Hello?! Sino ba ang hindi mapipressure kung nag-oobserve ang mga language experts. Tao lang naman ako...

Hindi ko pa alam talaga kung anong naging performance ko kanina. Humihingi ako ng komento from my observers. Pero they congratulated me na after the class. Sabi ni senior adviser, successful. I am a natural daw pagdating sa teaching. At yung character kong iyan daw ay hindi nakukuha sa experience. Natural lang daw talaga. So I guess, ok na yun no? Mas marami akong matututunan sa kanilang komento. Kaya yun lang hinihintay ko.

Ngayong gabi, gusto ko lang matulog ng mahimbing. At managinip ng walang kinalaman sa trabaho.

Monday, October 15, 2007

Stress hanggang sa panaginip

Dalawang sunod na gabi na akong nanaginip ng tungkol sa hindi ko pagiging handa. Nakakainis. Nakakstress lalo!!!

Iisa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit hanggang panaginip ay nadadala ko ang aking worries. Magsisimula akong magturo ng isang klase sa isang foundation. Ang klase ay para sa mga teachers ng japanese language na hindi pa masyadong mataas ang proficiency. Grabe ang preparations namin. Never pa naman akong nagtraining for teaching talaga. Lalo na ng training para sa Japanese. Nangangamote tuloy ako sa paggawa ng lesson plan. Never kong ginawa pa yan sa klase ko sa unibersidad. Meron lang akong syllabus at outline, pero hindi detalyadong lesson plan na pati ang na-imagine na behavior ng student at kung gaano katagal ang activity sa klase ay nakaplano na.

At ayan. Ang first class ko ay sa Miyerkules. Ang course ay nagsimula na kanina. Sana naman di na ako managinip ng hindi ako handa sa mga bagay-bagay. Natapos ko na naman ang dapat kong gawin para ngayong araw. Nakakapayat ba ang stress?

Thursday, October 11, 2007

Pacquiao the Environmentalist

Kongrats muna sa ating pambansang kamao, Manny Pacquiao (kelan kaya tayo magkakaroon ng pambansang paa? hita? mata? <- siguro mga mata ni anghelita<--yak korni!).

Mula Unang Hirit, laman na sa Manny. Hanggang mamaya siguro sa Saksi. Yes, we are celebrating. A hero's welcome. Magandang promotion din para sa pelikula ni Manny.

Welcome party kaninang umaga, welcome party kaninang tanghali, concert party kaninang hapon. Ang sarap naman ng buhay.

Ang di ko lang matanggap ay ang pagkakaroon ng conference sa DENR. Nung narinig ko kanina, ang tanong ko ay BHAKHET?! Nawala sa isip ko na si Atienza pala ang sekretari ng departamentong iyan. Ang tatay-tatayan ni Manny.

Anong koneksyon ng boksing? May mga sinusuportahan ba si Manny na proyekto sa DENR? May mga suhestyon ba siya para mapaayos ang kapaligiran natin? (May article tungkol sa Phil. Eagle bilang sunod niyang pagkakaabalahan. Tapos?!)

Dumaan ako kaninang umaga, bandang alas nuwebe, sa Visayas Avenue, kung saan nandun ang DENR. Mabagal na ang daloy ng sasakyan. Ang daming tao na nasa labas ng opisinang departamento. Bukod sa mga reporters, naghihintay din ang mga empleyado. Flex time kaya silang lahat?!

Ang conference area, pwedeng magkasya ang 300-400 na tao daw. Siyempre, special catering pa yan. Bigatin talaga si Atienza. Sinagot kaya niya ang gastos dyan gamit ang personal na resources? Hindi naman siguro gagalawin ni Secretary ang budget ng departamento para sa ganyang bagay na wala namang kinalaman sa environment at natural resources...

Uy, huwag ka namang mag-isip ng masama...

Bakit hindi Philippine Sports Commission ang nag-aasikaso sa mga atletang nagbibigay karangalan sa bansa? Okay lang na may motorcade. Maraming party. May concert. Pero saan kukunin ang gagastusin? Sino ang gagastos? Ikaw ba? Ayoko yatang gastusan iyan...

Sunday, October 07, 2007

Done with classes

Finally! Natapos din ang aking unang semestre. Technically, klase pa lang ang natapos. Simula next week ay estudyante naman ang magkukumahog mag-aral para makapasa sa mga killer exams ng kanilang ginigiliw na mga propesor. Tapos mga titser naman ulit ang magpupuyat para sa pagkompyut ng mga grado. Tapos mamomroblema pa sa mga pasaway na estudyante. Bawian lang talaga ang buhay.

***********
Oktoberfest. Virgin pa ako sa ganyan. Pagkapasa ko ng grades, magpapakalasheng talaga ako. Pero sa bahay lang siguro. Para aalagaan pa rin ako ni ina. Hehehe.

***********
May sasabihin nga pala ako sa inyong sikreto. Kontakin niyo na lang ako pag gusto niyong magdonate. =)

Thursday, October 04, 2007

Last day tomorrow at ibang pang random na mga bagay

Ako na lang yata ang may klase pa sa department namin. Kawawa naman ako. Pero isang araw na lang at bakasyon na sa peyups. Wiiiihiiiii!!!

************
Ang panget na sa may Philcoa. Yung iniikutan ng jeep na lalabas ng UP. Pinutol ang mga puno at hinukay ang lupa. Para daw lumuwag ang trapik banda dun. Wala namang trapik doon. Hindi naman siguro kalabisan ang maghintay nang konti ang mga motorista dahil sa mga nagbaba at nagsasakay ng pasahero. Bukod pa dun, baby pink at baby blue na ang kulay ng overpass. Sunod sa fashion ni Bayani. At hindi pa nakuntento, naglagay din ng kulay pink na pole (na hindi pala alam kung saan gagamitin) malapit sa bato kung saan nakalagay ang pangalan ng UP. Panira!

************
Yung isa sa hot topic sa pulitika ngayon ay ang broadband deal. As of writing, cancelled na ito. Resign na rin si Abalos ng COMELEC na siyang dawit dito. Komento ni Cong. Datumanong, maganda daw ang ginawa ni Abalos na pagreresign. Dahil daw dito ay pinapakita ang pagiging tapat sa serbisyo ni Abalos. Ibilang daw si Abalos sa mga maprinsipyong pulitiko. Haaay. May mga taong hindi ko mawari kung paano mag-isip...

************
May isang kaklase ang aking kapatid na may kanser. Humingi ng tulong sa Malakanyang. Nagbigay ng tseke ang Malakanyang worth 400K para sa therapy. Mabuti di ba? Hindi dun natatapos ang kwento. May isang tao daw dun sa Malakanyang na nagsabing siya na lang daw ang magpapalit ng tseke saka idideposito sa banko nung may kanser. Dumating ang pera 4K na lang. Grabe no? Wala nang pinipili ang mga manloloko. Kakarmahin din kayong lahat!

Tuesday, October 02, 2007

Windang

waaaah!!!! malapit nang matapos ang klase. so near, yet so far. after ng klase, may mga kailangan pang basahin na term papers at iba pang projects. bakit ganito???

ano ang kailangan kong gawin para makatapos ng mga gawain? marami pang naghihintay na dapat simulan. bukod pa dyan, kailangan ko ring pumayat! (huwaaaat?! saan nanggaling ito?!!!)

focus. focus. FOCUS!!! bakit napakahirap gawin? ano ba ang dapat kung unahin? alam ko pala. kailangan ko na lang ng aksyon. aksyon. AKSYON! ngayon na!

Monday, October 01, 2007

Nagbabalik...

Welkam sa October!!! Yehey! At dahil dyan, I'm here. I'm back. Hope I can stay...
Binago ko na rin ang aking template. Nasawa na ako. Saka ko na aayusin ng maayos talaga ang aking bahay...

Matagal akong nawala. Di ko rin knows ang mga chismis sa buhay niyo. Magbalitaan muna tayo. Ano na bang nangyayari sa akin?

  • isang linggo na lang ang klase sa skul. dalawang exams ang kailangang gawin. walong term papers ang kailangang basahin. at hanggang tatlong kilong quizzes, assignments, seatworks ang kailangang bigyan ng grade.
  • sa departamento namin, ako lang ang junior faculty na naiwan. dalawa ang may training sa labas ng pinas, yung isa ay nagsusulat dito ng thesis. sa akin naiwan ang trabaho ng paggawa ng skedyul, pag-aadvice sa lahat ng students namin, etc.
  • centennial celebration ng UP buong taon ng 2008. excited na nga ako eh. may mga plano ding gimik ang departamento namin. at hulaan niyo kung sino ang kasama sa dirty work ng drafting, consultations, etc? ako! ako! ako! palagi na lang ako! hehehe.
  • nagstart din ako ng training sa pagtuturo sa isang foundation. ngarag. habang may klase pa sa skul, isang araw isang linggo lang ako napunta. madadagdagan pa iyon.
  • kailangan ko nang magreview sa same exam na binagsak ko last year. ayokong bumagsak ulit.
  • bumisita ang aking housemate sa japan noong august. at umuwi na ng pinas ang pusa ko sa japan. namiss ko sila. namiss ko ang pamilya ko sa japan. may mga babalik na dito. at hopefully magkita-kita kami.
  • sa october, 8 years na kami.
Dami ko gawa no? Hopefully, magawa ko lahat at magawa ng maayos. Maraming nakasalalay eh. Kayo naman, anong chika sa inyo?

Thursday, September 27, 2007

anong maganda shade ng red? tsaka, anong pwedeng ipares na kulay?

Thursday, September 20, 2007

Hulaan niyo kung saan ito...


eto, alam niyo kung saan?

Thursday, September 13, 2007

nagulat ako nang mabalitaan ko kaninang umaga na nagbitiw na sa pwesto ang prime minister ng Japan. maraming iskandalo ang kinasangkutan ng miyembro ng kanyang gabinete. at dahil siya ang pinakamataas na pinuno ng bansa, diretso sa kanya ang puna at pintas. at alam niya iyon, kaya naman siguro pagbibitiw ang kanyang naging aksyon...

dito, ayun. maraming appointed officials ang kakabit ng mga anomalya. daming tsismis. pero makapal pa rin ang apog ng isang babae na hindi man lang umabot sa five feet. andun pa rin siya sa kanyang palasyo. wawa naman si juan.

ang dating presidente ng masa, convicted sa plunder. ang mga kinasuhang kasangkot, hindi daw guilty. ang anak at abogado, walang sala? hindi na ito nakakainis. natatawa na lang ako dahil sa mga pangyayari. at mas lumakas ang tawa ko nang marinig ko na naman sa balita na may bagong spokesperson si erap. hulaan niyo lang... si attorney! bwahahaha!

parang isang telenobela na ayaw mo na sanang panoorin dahil lokohan na lang ang nangyayari. pero pinapanood mo pa rin dahil umaasa ka na baka... baka sakali lang naman na magbago pa ang plot.

again i find myself lost, confused, tired, and questioning things that should have been settled a long time ago. even in the company of friends and loved ones. ugh...blahblah.

Saturday, September 01, 2007

9am. unang araw ng setyembre. simula ng mahabang pagdiriwang ng pasko dito sa pilipinas.

give love on christmas day. unang awitin pampasko na narinig mula sa radyo.

saka ko na lang kayo babatiin ng pasko kapag naramdaman ko na. ang nararamdaman ko lang ngayon ay pananakit ng kanang bahagi ng aking ulo.

Monday, August 20, 2007

itigil ko na kaya ito?

Thursday, August 16, 2007

Ironic talaga

Malakas ang ulan noong Miyerkules. May panibagong bagyo. Malakas ang hangin. Nagsipasok ang mga estudyante kahit na binabaha sila, dahil wala namang suspension ng klase sa umaga. Nagkaroon lang ng suspension ng bago magtanghali, nung nasa eskwelahan na ang mga estudyante. Siyempre madaling binitbit ng mga nanay ang kanilang mga anak pero nastuck sila sa daan dahil baha. Kawawa naman. Maraming nastranded. Mabagal ang takbo ng mga tren. Lahat ng taxi may sakay o nananamantala.

Dadating dapat ang super typhoon ngayon. Kaya naman kahapon pa lang, may suspension na agad.Ang kaso, tuyo kanina. Walang ulan. Walang baha. Kaya naman sigurado akong napuno na naman ang mga malls. Hahaha.

At ngayon, mukhang ito na ang bagyo... Na-late lang yata ng konti. Humahampas na naman ang ulan at hangin. Mukhang matagal na namang pagbuhos ito. Magbabaha na naman siguro ang mga daan. Maghihintay na naman ng balita kung may suspension o wala. Maghihintay sa kawalan hanggang sa kailangan na namang sumuong sa baha para makarating sa pasukan. At pagkatapos magsusupend na lang kapag nasa paaralan na ang mga bata.

Bwahahaha.

Thursday, August 02, 2007

Spoiled ang mga Pinoy?

After almost a month of being absent from the blogging world. ako ay pansamantalang bumabalik.

Napansin ko sa araw-araw kong pagbabyahe na may tendency ang mga pinoy na maghintay na pagsilbihan sila.

Nasabi ko ito dahil sa araw-araw kong nakikita ang mga tao na sasakay sa jeep na kailangang hihintuan sila sa tapat nila mismo. Bibihira ang mga taong naglalakad para sumakay sa tamang sakayan. Hindi rin sila nagkukumpol-kumpol sa isang lugar para naman hindi na pahinto-hinto ang mga jeep. Para hindi rin nakakaabala sa iba.

But no, kailangan hihinto talaga sa harap ng mga sasakay. At ilang hakbang lang ay kailangang hintuan uli ang iba pang pasahero. Dahil kaya mainit at konting lakad lakad lang tagaktak na ang pawis?

Paano naman kapag bababa ng sasakyan? Kailangang bumaba din sa pinakamalapit na patutunguhan. Kapag sa taxi ka nakasakay, walang problema. Pero ang jeep dapat hindi ginagawang taxi. May magpapara na pasahero, baba. Pagkausad ng jeep, may bababa ulit na kung tutuusin ay pwede namang makisabay sa unang bumaba.

Sanay kaya ang pinoy na pagsilbihan? O uhaw sa pagsisilbi kaya sa bawat pagkakataon na maaaring pagsilbihan ang isang tao ay sinasagad niya ito?

Friday, July 13, 2007

Ngarag sa trabaho

Sa isang malayong nayon, may isang gurong nagtuturo ng wikang Hapon. Sa umpisa ay sa paaralan lang siya nagtatrabaho. Tuturuan ang mga mag-aaral. Pagkatapos ay makakapagpahinga. Makakapasyal. Makakatulog ng maayos. Masaya ang pagtuturo. Kung ano-ano ang naiisip para ipagawa sa estudyante. Maliit ang kita. Pero mas mabuti na kesa wala...

Biglang naging uso ang pag-aaral ng wikang Hapon. Natuwa ang guro. Magkakaroon siya ng ibang pagtatrabahuhan. Hindi nga nagtagal at may kumuha sa kanya. Sabay ng turo sa paaralan ang pagtuturo sa iba pang lugar. Sa isang araw ay nagtuturo ng halos pitong oras. Nakakatanggap ng higit pa sa inaasahan. Nakakakilala ng iba't ibang nilalang. Ngunit napapabayaan ang ibang responsibiladad. Ang mag-aral para sa sarili para may maiturong bago sa araw-araw niyang kaharap. Ang magbasa at manood ng tv para sa mga balita at iba pang kaganapan.

Palagi talagang may kapalit para matugunan ang ibang pangangailangan...

Sunday, July 01, 2007

Babu sa kalahating taon

Grabe ang bilis!!! Lumipas na ang unang anim na buwan ng 2007. Kalahating taon na lang ang natitira dito at magpapalit na naman ng taon.

Ni hindi pa nga ako nakakahinga ng maluwag sa mga bagong roles ko, sa mga bagong trabaho. Nangangapa ulit ako sa pagtuturo. Sabagay, mas matagal ang panahon na wala ako kesa yung panahong nagturo ako. Sana lang mahanap ko na ang timpla ng mga klase ko bago pa ito matapos. Wala pa namang isang buwan ang nakaraan nang magsimula ang pasukan. Kayang-kaya pa. Forgivable pa naman yata itong mga kapalpakan ko. Hehehe...

*****

Narinig ko na naman ang homily ng paborito kong pari sa Parish of the Holy Sacrifice, si Father JBoy na kakambal yata ni Michael V. Hahaha.

Sabi niya wag matakot magdesisyon. Ito ang humuhubog sa buhay natin. Ang mga taong walang direksyon sa buhay ay yung mga hindi nagdedesisyun o takot gumawa nito. Iwanan ang nakaraan, para magmove forward.

Kaya ayan, let's move forward! Salubungin ang natitira pang kalahati ng 2007. Go go go!

Monday, June 25, 2007

Fete de la Musique

Finally was able to experience fete de la musique last saturday. Ang Fete ay isang event ng pagsasama-sama ng iba't-ibang musikero mula sa iba-ibang genre. Isang araw lang. Ang pinakamaganda sa lahat ay ito'y L-I-B-R-E!!! Yeeebah!

May apat na stage para sa iba-ibang genre ng musika. May stage para sa world music, sa hiphop, at sa rock. May isa pang main stage kung saan nandun ang mga sikat. At dahil sa hindi naman kalayuan ang bawat stage na nasa area lang ng malate, dinaanan namin lahat ito at nakinig ng sandali. Nakakatuwa dahil may sikat sa world music, may hiphoppers sa rock stage, may rocker sa hiphop stage at may hindi sikat sa main. Bakit nagkaganun? May respeto. Kanya-kanyang gawa ng musika. Iba-ibang klase. At respeto sa bawat isa.

Nagtagal kami sa world music stage. Sulit na sulit. Napakinggang namin ang Cosmic Love kung saan may isang miyembro na lasheng na yata dahil walang sinabi kundi "Pakers". Naka-off na yung mic dada pa rin ng dada.

Napanood din namin ang Wahijuara. Jazz naman ang trip nila. At grabe ang may hawak ng trumpet at alto sax, hindi nauubusan ng hangin. Pero, i kras myself wid d guitarist. HAHAHA!

At isa pang banda na nasaksihan namin ay ang Paramita. Asteeeg. Yan lang ang masasabi ko. Ang drummer nila ay bokalista din. At katukayo ko pa. Saan ka pa? Hehehe.

Kaya lang nung tumutugtog na ang Paramita, may umeksanang matatangkad na people na nasa harap namin. Kaya hirap kaming mapanood ang nasa stage. At isa pa, itong matatangkad na people na ito ay walang inatupag kungdi ang maglaplapan to d max. Nadistrak tuloy kami. Ako, personally nabastos. Alam na may pinapanood sa stage, eekstra pa! Ewan ko lang kung mapansin niyo sa video.

*****
3 sec lang tinatagal ng videos kapag iniembbed ko dito. punta lang kayo sa http://dyosa4ever.multiply.com/video at tingnan kung nakunan ko nga yung naglalapglapan! hahaha!

Ako ayon sa aking pangalan

Dahil wala pa akong matinong entri at maganda na may sulat sa umpisa ng linggo, eto ang bigay ko sa inyo:

You entered: Ria dela Cruz Parsram

There are 18 letters in your name.
Those 18 letters total to 87
There are 7 vowels and 11 consonants in your name.

What your first name means:
Spanish Female From the river's mouth.

Your number is: 6

The characteristics of #6 are: Responsibility, protection, nurturing, community, balance, sympathy.

The expression or destiny for #6:
The number 6 Expression provides you a truly outstanding sense of responsibility, love, and balance. The 6 is helpful and ever conscientious, making you quite capable of rectifying and balancing any sort of inharmonious situation. You are a person very much inclined to give help and comfort to those in need. You have a natural penchant for working with the old, the young, the sick, or the underprivileged. Although you may have considerable creative and artistic talents, the chances are that you will devote yourself to an occupation that shows concern for the betterment of the community.

The positive side of the number 6 suggests that you are very loving, friendly, and appreciative of others. You have a depth of understanding that produces much sympathetic, kindness, and generosity. The qualities of the 6 make the finest and most concerned parent and one often deeply involved in domestic activities. Openness and honesty is apparent in your approach to all relationships.

If there is an excess of the number 6 in your makeup, you may exhibit some of the negative traits associated with this number. There may be a tendency for you to be too exacting and demanding of yourself. In this regard, you may at times sacrifice yourself (or your loved ones) for the welfare of others. In some cases, the over zealous 6 has difficulty distinguishing helping from interfering. You may have difficulty expressing your own individuality, because of involvement with responsibilities and causes. Like all with the Expression of the number 6, it's quite likely that you worry much too much.

Your Soul Urge number is: 3

A Soul Urge number of 3 means:
With the Soul Urge number 3 your desire in life is personal expression, and generally enjoying life to its fullest. You want to participate in an active social life and enjoy a large circle of friends. You want to be in the limelight, expressing your artistic or intellectual talents. Word skills may be your thing; speaking, writing, acting, singing. In a positive sense, the 3 energy is friendly, outgoing and always very social.

You have a decidedly upbeat attitude that is rarely discouraged; a good mental and emotional balance.

The 3 Soul Urge gives intuitive insight, thus, very high creative and inspirational tendencies. The truly outstanding trait shown by the 3 Soul Urge is that of self-expression, regardless of the field of endeavor.

On the negative side, you may at times become too easygoing and too optimistic, tending to scatter forces and accomplish very little. Often, the excessive 3 energy produces non-stop talkers. Everyone has faults, but the 3 soul urge doesn't appreciate having these pointed out.

Your Inner Dream number is: 3

An Inner Dream number of 3 means:
You dream of artistic expression; writing, painting, music. You would seek to more freely express your inner feeling and obtain more enjoyment from life. You also dream of being more popular, likable, and appreciated.

*****************

Kung walang magawa, punta na dito: http://www.paulsadowski.com/Numbers.asp

Saturday, June 23, 2007

Natabunan

Pagkatapos ng aking entry sa aking first day, parang nailibing na ako sa malalim na kawalan at hindi na nakapagpost ulit. Pinipilit kong umahon ngayon at maging regular man lang na makapagpost ako kahit kaunti.

Ano na ba ang nangyari? Madalas akong maghabol ng oras. Madalas din akong makatulog. Hindi ito magandang kumbinasyon. Lalo na at nangangapa ako sa iba kong klase.

Mahirap pala magturo ng isang klase na tungkol sa introduction ng isang bagay. Karamihan ng mga estudyante ko ngayon ay sariwa, batang-bata (hahaha! para akong manyak ng prop). Madaling maniwala. Kaya naman dapat sasalain ko lahat ng sasabihin ko. Kapag nagkamali, tigok.

At dahil mahigit dalawang taong hindi sa linguistics umiikot ang aking academic life, ako mismo ay nangangapa. Kasabay ng pangangapa ang muling pagkatuto at muling pagtuklas kung bakit ako masaya dati sa linguistics. Kung bakit masayang pag-aralan ang wika.

Tuesday, June 12, 2007

First Day High

Matagal ko ding namiss ang first day ng semester. Pagkadating ko sa skul kanina paakyat sa faculty room, nadaanan ko ang iba't-ibang mukha ng mga estudyante. Andyan ang mga marami nang ekspiryensya at ang iba ay mga virgin pa... sa buhay kolehiyo.

Estudyanteng iba-iba ang amoy: may mga amoy ng kulang pa sa units, amoy hindi tinanggap sa prerog, amoy nawawala, at mga amoy-araw dahil palipat-lipat sa iba't-ibang kolehiyo para mapunnan ang kanilang form 5.

At ako? Nahanapan ko ng rason ang hindi ko pagpasok sa aking mga klase: independence day; iwas sa prerog--mga estudyanteng nagmamakaawa na maenrol sa klase mo, wala pa ang mga freshie dahil may assembly. Ang totoo -- hindi ko pa naayos ang aking silabus, rekwayrment at mga babasahin.

Saya ng first day. Hehehe.

Monday, June 11, 2007

Tomorrow is I-Day

Kawirduhan ng mga taong namamahala na palitan ang araw ng pagdiriwang para sa kalayaan ng bansa. Bukas ang Araw ng Kalayaan. Pero kanina walang pasok, at bukas meron. Ipit ang lunes at para maenjoy ng buo ang holiday, nilipat ito sa lunes. Pero bukas may gagawin pa ring mga events para sa kalayaan. Pero kanina ang parada sa luneta dahil nga walang pasok. Kapag nagpatuloy ang ganitong gawain, parang wala nang saysay ang nakaraan. Para saan ba ang mga holiday, para mapahaba ang bakasyon o para maalala natin na may makabuluhang nangyaring nagshape ng ating kasalukuyan.

*****

At dahil walang pasok kanina, bukas umpisa na ng klase. waaaah! may mga bagong tao na tatawag na naman sa akin na mam. hehehehe. kung alam lang nila...

Tuesday, June 05, 2007

Guinness' Record Broken

Ayan bida na naman ang pinoy. Noong Mayo pa pala ito nangyari, ngayon ko lang sa 24 oras (hindi natutulog ang balita) napanood. Ano ang tinutukoy? Ang pagbasag sa rekord ng pinakamahabang pagdidribol. Bago pa ito nabasag ng isang pinoy, ang unang rekord ay tumagal ng 26 oras, mahigit isang oras. Ang ginawa ng pinoy na si erwin evangelista ay hindi lang 27 oras... hindi 30... hindi doble ng unang rekord... ang rekord ay napakahabang 45 oras. yes mahigit dalawang araw ng pagdidribol. ewan ko lang kung paano ginawa kapag kailangang mag-cr.

ang masasabi ko lang... sana may dalawang araw din ako na kayang ilaan sa mga gawain tulad ng pagdidribol. hehehe.

Friday, June 01, 2007

Tatak Mark Lapid

Sakit ng tiyan ko katatawa. Alam ko na ang linyang ito pero yung remix video hindi. Paki puntahan na lang ang blog ng friend ko na nag-eenjoy pa sa Japan para naman matuwa kayo ngayong araw na ito.


hint: SAGING LANG ANG MAY PUSO!!!

June na!

Just last March i was so excited thinking na in a few months i'll be teaching again. I'll be able to practice what i learned. My head is full of these ideas how to have a great class, one where my students can learn and also have fun.

And now its June, and i'm like "Pakshet June na! 15 units ako, 4 na preparations! Wala pa akong ginagawa. Ni wala pa akong syllabus!"

Buntong-hiniga. This is my layf.

Tuesday, May 29, 2007

Blessing pala

Nitong nakaraang linggo ko pa na naramdaman na parang may iba dapat akong ginagawa. Naisip ko na magstay muna ako sa kasalukuyang sitwasyon ko ng isang taon. Bagamat hindi pa malinaw sa akin kung ano ang dapat kung gawin halos buo na sa loob ko na iwan muna ang binalikan kong buhay.

Nakakatawa lang na kung kelan malapit na akong magdecide, saka naman may mga balitang makakapagpabago ng mga plano. Hindi ko pa pwedeng ipagsigawan ang balita pero kung matutuloy ito, hindi na muna siguro matutuloy ang pag-eeksplor ko ng ibang gawain. Naiinis ako dahil hindi ko inaasahan ito. Dahil mapupurnada na naman ang mga planong wala pa namang katiyakan.

Tapos, ito, napagtanto ko na dapat magsaya ako. At dapat magawa ko ng maayos ito. Dapat hindi masayang sa akin. Kapag nagkatotoo kasi ang balita, isa itong biyaya.

Miss Universe 2007

I almost forgot about the pageant. Inaabangan ko pa naman the past few days dahil sa ating kandidato. Pinaalala ko pa sa kapatid ko na manood siya sa office nila. Kaso, naalala ko lang na panoorin nang marinig ko sa radio na hindi nakapasok sa Top 15 si Ms. Philippines. Dali-dali kong binuksan ang tv at ang inabutan ko nang portion ay Swimsuit. Saan na naman pinulot ang atin gkandidato?! Ayun, nanalo naman ng Miss Photogenic. Simula nang maging internet voting ang basehan ng Miss Photogenic, aba'y palagi na lang yata tayong nanalo. Adik talaga mga pinoy sa internet.

**************

Nagulat ako nang sa Top 5 ay magtanong ang isang pamilyar na mukha. Si Masahashi Ando na sidekick ni Hiro Nakamura sa HEROES! Ewan ko ba pero naging fafa ang dating sa akin ni Ando. Kyut na sya sa show nila pero siyempre di ko sya masyadong napapansin kasi mas kyut si Hiro. Si Ms. Korea ang nakakuha ng pangalan niya at ang tanong ay.... oo tungkol sa superpower!

**************

Kailan ba naging regular sina Ms. Korea t Ms. Japan na nagiging Finalist? Nabrowse ko dati na isang sobrang seksing Ms. Japan suot ang very modern samurai outfit ang nagpakitang gilas sa Ms. Universe. At ngayon, siya lang naman ang tinanghal na Miss Universe 2007! Congratulations!!!! (yes, feeling connected ako!)

*************

Ang galing ng youtube talaga. Meron na agad nakapag-upload ng clip ng Ms. U. Eto ang Top 5 winners:
4th place: Miss USA
3rd place: Miss Korea
2nd place: Miss Venezuela
1st place: Miss Brazil
Miss U: Miss Japan

Monday, May 28, 2007

Ang Kabataan at MacArthur

Isang balita na naman ang pumukaw sa aking pansin habang nagpapalipas ng oras sa harap ng computer. May mag-asawang nakatambay bandang Ermita, Manila at nagtetext daw si misis ng agawin ng dalawang kabataang lalaki ang kanyang cellphone. Hindi pa daw nakuntento dun ang dalawang kabataan lalaki at binastos pa daw ang babae. Sa presinto naman habang iniinterview ang mga biktima at suspek, kanya-kanyang bersyon ang maririnig. Hindi naman daw inagaw ang cellphone dahil may cellphone naman daw ang dalawang lalaki. At tungkol sa bastusang naganap, ang nasambit ng isang suspek ay pagandahan na lang daw ng girlfriend. Hindi daw nito tatangkaing hipuan ang misis dahil sa hitsura nito.

Narinig ko na lang nagkomento ang tatay ko: "Mga tarantado itong mga batang ito, ang yayabang pa!"

*************

Ang kabataan din ang pokus ng bagong libro ni Bob Ong. Mga kabataang napariwara ng landas. Hindi nakakatawa ang libro. Nakakapangilabot. Hindi exaggeration o approximation ang mga nilalarawan sa libro. Pawang katotohanan. Sigurado akong isang kakilala mo o kakilala ng kakilala ng kakilala mo ay dumadaan sa mga paghihirap sa buhay. Mga paghihirap na hihilingin mong hindi sana maranasan ng iyong pamilya.

************
Iniisip ko na utang ng lipunan sa isang bata na hubugin siya nito upang maging mamamayan na makakatulong sa lipunan at huhubog din sa susunod na henerasyon ng mga bata. Sa tinatakbo ng panahon natin ngayon, nagkukulang kaya ang lipunan ang sa pag-aaruga sa mga bata kaya may mga lumalaki na ang ugali ay katulad sa mga bata sa itaas? O ang mga batang ito mismo ang hindi nagpapahalaga sa aral na hinahatid ng lipunang nagpapalaki sa kanila? Kaninong kasalanan ito? Hindi maganda ang magturo at manisi. Hindi rin naman maganda ang magpasawalang-bahala at hayaan na lang ang ganitong sitwasyon. Mayroon kayang babalik na Mac Arthur na mag-aayos ng mga pangyayaring ito? Kailangan ba natin ng isang Mac Arthur para maging maayos ang mga bagay-bagay?

Shrek 3

Hindi ko alam kung bakit may panget akong reviews na naririnig/nababasa tungkol sa Shrek 3. Na kesyo, masyadong maraming istorya, mahaba, corny. Pwede ba, panoorin niyo ng maayos. Hahaha. Warla mood ako. Kanya-kanyang taste lang siguro yan. Pero panalo ang Shrek 3 (and for that panalo ang SM, ang luwang ng sinehan ha!). Hindi nga tumitigil si paeng sa katatawa. Kahit na maiingay ang mga bata, at may mga umiiyak (na ang sarap ihagis) keribels pa rin. Sabi nga ni Benjo, maganda ang graphics. Panalo ang scene kung saan kumakanta si prince charming at naglugay ng buhok. Kasing soft and smooth ng buhok ni prince charming ang buhok ng kanyang kabayo. At para sa major spoiler, puntahan niyo site ni Benjo, hindi kayo mabibigo.

Feeling lost

Paggising ko isang umaga bumulaga na lang sa akin ang pakiramdam na ako'y nawawala. Na hindi ko alam ang susunod kong hakbang. Na dapat ko bang balikan ang mga nasimulan at iniwan. Grabe ang feeling na ito. Hindi ko magets. =(


(ang ganda ng start ng week ko)

Friday, May 25, 2007

Sta. Quiteria

Dito sa Sta. Quiteria, Caloocan ako lumaki. Parusa sa maliliit na sasakyan ang daan dahil nabukbok na ang ilang beses na ring nasementong daan ng mga malalaking trak. Madalas ang trapik dito dahil ginagawang shortcut ng mga dyip na biyaheng Novaliches at Blumentritt kapag may ginagawa sa Quirino Highway. Sa tuwing magtataxi ako, kapag hindi alam ng driver ang lugar, binabanggit ko ang sabungan, at alam na nila kung saan ako ihahatid. Hindi lang sabungan ang sikat dito. Minsan ko na ring nakita si Danny Javier ng APO na nakasakay sa kanyang kotse papuntang simbahan.

Kung madadalaw mo ang simbahan namin, malamang mabigla ka. Ang patron namin ay isang santa na pugot ang ulo, si Sta. Quiteria. Kamakalawa lang ay pinagdiwang dito ang pista ng aming patron. Nakauglian na naming magsimba at maghanda ng kaunti kahit wala namang inaasahang bisita. Taon-taon ding sumasama sa prusisyon ang aking nanay. Ngayong taon hindi ko narinig ang kwento ni Sta. Quiteria at kung bakit hawak-hawak niya ang kanyang ulo. Sinubukan kong i-google, pero wala naman akong nakita. Kaya ito na lang ang ipapakita ko sa inyo.

Tuesday, May 22, 2007

Ang Nueva Vizcaya

ang umaga


at gabi

Monday, May 21, 2007

Election Headlines

ito ang una kong natanggap na message sa aking selpown ngayong umaga:

* PICHAY pinulot sa kangkungan
* SOTTO nabulaga
* CHAVIT sumabit
* PACQUIAO knocked-out
* ORETA naboomtaratarat
* MONTANO na outshine
* GOMA naflat

******
hindi pa rin tapos ang bilangan ng boto. nakakalungkot isipin na may mga taong walang pahalaga sa buhay. ilang balita na ba ang naglalaman na pinatay ang mga naproklama nang mga lokal na opisyal o kaya ay mga kamag-anak at supporters? ganun na lang siguro kaprofitable ang isang may posisyon. nakakapangilabot...

Friday, May 18, 2007

Weekend getaway

Naks! Mukha bang excited? I'm off to Nueva Vizcaya to attend my inananak's (from one of my best friends in college) 1st birthday party. Babalik na lang ako para maibahagi sa inyo ang ganda ng Nueva Vizcaya.

Have a nice weekend to every all!

Tuesday, May 15, 2007

Blogging and Earning



Being a blogger for about three years now, I've thought of exploring the possibility of earning money while spending time in front of the computer. But then I got overwhelmed with all these established sites and people already earning a lot. I came across BLOGGERWAVE, which was launched just last year of March. It's relatively new and is looking for bloggers who want to use their writing skills to earn extra income. For newbies in this area, it's a perfect fit, don't you think?



Monday, May 14, 2007

Election updates

Mananalo daw si Victor Wood, Atty. Luzano, at Amay Bisaya. Lahat sila nasa Top 5 ng kanya-kanyang survey. Ang kanilang poll watcher ay ang Diyos. Hindi naman daw nahulaan ni Madam Auring, ex ni Victor Wood, kung ito ay mananalo sa eleksyon. Tinanong tuloy sa ibang manghuhula:

Reporter: Mananalo ba si Victor Wood?
Manghuhula: Oo, mananalo sya. Ano ba yun, congressman?
--Channel 2 report

Exciting talaga ang eleksyon. Parang isang mahabang pelikula na may komedi, drama, at aksyon. Ang masaklap lang e totoo man ini.

Exercised my right

And then we watch, listen and wait...

Eleksyon na

Pagkatapos ng agahan, aalis na kami at boboto. Handa na ang kodigo namin tatlo ng nanay at tatay ko. Ito ang laman ng aking kodigo:

  1. Aquino (walang Oreta na kasunod)
  2. Arroyo
  3. Bautista
  4. Escudero
  5. Lacson
  6. Pangilinan
  7. Paredes
  8. Pimental
  9. Roco
  10. Sison
  11. Trillanes
  12. Villar
Kung may kakilala kayo sa kahit anong parte ng Pampanga, baka gusto nilang iboto si Cayetano. Dahil sa isang report ni Kara David, may promise ang isang kaalyado ni Mikey Arroyo na kapag 0 vote si Cayetano, maaga ang kanilang pamasko. Wow! Kakaiba. Kakaibang kasamaan yan... Sana naman hindi ipagpalit ng mga Kapampangan ang isang maagang pamasko ang kinabukasan ng kanilang mga anak at apo.

********
Naglakwatsa na naman ako nitong weekend kaya naman walang entry kahapon na Araw ng mga Nanay. Isang pagbati sa inyo lahat! Wala kayong katulad. HAPPY MOTHER'S DAY sa mga minamahal at pinagmamalaki naming mga nanay!

Tuesday, May 08, 2007

People answer to expectations

Pagkatapos ng mahabang panahon, nakapagturo na ulit ako kahapon. Tatlong oras na klase at ang mga estudyante ay mga seamen na pupunta ng japan (pero di pa nila alam na sigurado na ang pag-alis nila). Sa loob ng 10 araw, susubukan nilang matuto ng wikang Hapon para naman hindi lang sila nakanganga kapag nasa port na sila at binibigyan na ng utos ng boss. Masyadong demanding. Kaya naman pinapadali ang mga language lesson.
Tama naman yun. Pero sa isang banda, mali din. Hindi marerealize ng tao ang potensyal nila kung walang sitwasyon kung saan nila matetest iyon. Kaya naman sa klase ko kahapon, kahit na sinabihan na akong dalian ang lesson, matigas ang ulo ko at pinilit ko pa ring ituro ang mga rules.
At ayun, nagulat na lang kami nang nagegets ng mga estudyante kung ano ang ginagawa namin. Nalilito sila, at natural lang iyon. Ang importante nasusundan nila ang ginagawa nila. Dahil kinailangang intindihin ang mga rules, lumabas na kaya nilang maging logical. At natuwa naman kaming dalawa na naghandle ng klase kahapon.
Kailangan lang alam ng tao kung ano ang hinihingi sa kanila. Para naman tama ang maging behavior nila. At kailangan din na hindi ikakahon ang tao sa kung ano ang persepsyon mo sa kanila. Pareho kayong nalilimitahan kapag ganun.

Saturday, May 05, 2007

Ang pogi ni Harry

Hindi po si Harry Potter kundi si bestfriend Harry ni Peter Parker. Grabeness. Tuwang-tuwa ako sa Spiderman 3. Tuwang-tuwa din ako kasi first time ko sa Greenbelt nanood. Ano ba masasabi ko? Maganda ang effects. Okay pa rin ang storyline. May mapupulot na aral. Nagpunas din ako ng luha. Ganyan lang ako magreview. Hehehe.

Yung mga dance steps ko habang naglalakad sa UP oval e kinuha nila. Huhuhu. Original ko iyon e. Charing. Pero pramis yung dance portion dun, ginagawa ko yun. Ang vakla.

Mas nagkonsentreyt ako kay Harry. Ang guwafo niya ever. Hindi nga lang makatarungan na pinapanget siya. At namatay siyang chaka! Nyek, spoiler. Sorry.

Thursday, May 03, 2007

Speed is everything

weeeh! DSL rocks!!!

hindi ko alam kung saan ko kukunin ang pera para sa dagdag na bayad sa serbisyo ng skyDSL pero ito, unang araw pa lang, gamit na gamit talaga ito. medyo nagfocus lang sa pagtingin ng webpage ng grey's anatomy, download ng songs at episodes nito. pero alam kung sa simula lang ito, naexcite lang talaga ako at mga kapatid ko. sa mga susunod na araw naman e magagamit din ang dsl sa academic research namin. tulad ko, kailangan ko ng mga lecture notes para sa klase ko ngayong sem. at kailangan ko ng japanese drama at songs at shows para makapagbrush-up ng wikang hapon.

sisipagin na naman akong bumisita sa inyo. asahan ang aking pangungulit.

My babies

May mga bago akong modelo. Salamat sa isang kaibigan. At dahil nitong nakaraang linggo ay may event, naging busy si hobi-chan at kinailangan ng magpopose nang hindi nagrereklamo. Gusto ko lang ishare sa inyo, si Ami at si Ima.


Si Ima, medyo mataray. Ayan, pose siya sa harap ng Carillon Tower sa UP. Sayang hindi yan naayos. Nakaakyat na ako sa taas ng tower, ang sarap ng feeling. Siyempre nung nasa taas kami, hindi tumutugtog ang mga bells.



Si Ami naman, mahiyaing bata. Alam niyang kyut siya. Tulad niyan, pakyut siya sa harap ni Oble. Ganda ng kulay niya with the sunflower, na tumutubo lang along UP para sa graduation. Graduation flowers?!

Wednesday, May 02, 2007

Buwan ng mga Bulaklak

Panibagong buwan na naman. Bagamat nagsimula ang buwan sa isang holiday (na hindi ko naman naramdaman dahil nakabakasyon pa rin ang byuti ko) jam-packed ang buwang ito: eleksyon, santa cruzan, at sangkatutak na piyesta. Sa personal na lebel naman, marami akong pinupuntahang meeting para sa mga posibleng pangsupplement ng sweldo sa pagtuturo, may balak na punta sa nueva vizcaya para sa first birthday ng inaanak at ang paghahanda ng mga lesson plan at gimik sa klase para sa darating na pasukan (charing!).

Pero bago ang lahat na yan, kailangan ng bagong mukha ng aking blog. Hindi na angkop ang title nito, dahil hello, nasa pinas na ako. Iniisip ko kung ano ang angkop na itawag sa blog na ito. Naisip kong bumalik sa dati -- Feelings ng Dyosa. Pero wag na rin, kasi nga nakaraan na rin yun. Hindi rin pwede ang Super Dyosa, bagama't swak sa akin ang pagkabading ng dating ng pangalang ito, wala akong way para patunayan na ako'y isang super. Balik ako lupang sinilangan, papasok sa isang regular na trabaho. Magiging normal...

Isang KARANIWANG DYOSA? Tagapagtanggol ng mga naapi? For short, KD? (Naku agawan ko pa ng nickname si fafa KaDyo?)

Ayun, hanggang sa wala pang mas matunog na pangalan para sa akin, i'll stick with that muna. Sanay visit-visit pa rin kayo dito para makitsismis sa buhay ng isang karaniwang dyosa.

Lipad KarDyo, lipad!!!! (yaki)

Thursday, April 26, 2007

Balik-tanaw sa isang buwang nagdaan

Isang buwan na rin akong tambay dito sa bahay. Lumalabas para magpa-aircon o kaya ay para gumimik. Mahirap pala itong may trabaho ka nga, pero hindi pa lang nagsisimula. Walang magawa kundi hintaying magpalit ang mga araw. Mabuti na rin siguro dahil may mga naiwang trabaho pa mula sa dating buhay.

Dating buhay... Ano ba pinagkaiba nito sa buhay ko sa kasalukuyan?

Dependent na naman ako. Sa halos 3 taon ko sa Japan, alaga ko sarili ko - pagkain, social activities, gawaing bahay. Ako lang, ako, ako. Ngayon, ilalagay ko ang nagamit na damit sa labahan, may mag-iisip kung anong iluluto mula almusal hanggang hapunan, may magtitimpla ng kape. Kung kelan ako naging 27, saka naman ako bumalik sa bahay ng parents ko.

May nag-aalaga na ulit sa akin. Oo, 27 na ako. Sa edad na ito, hindi na nakakagulat kung may inaalagaan na rin ako. Pero sa ngayon, ako ay isa pa ring alagain. Hindi ko na kailangang isipin kung may kakainin pa ba o anong kakainin. Hindi sa akin nakadepende kung paano pagkakasyahin ang budget. May mapapakiusapan akong magtimpla ng kape.

Nang nasa Japan ako, marami akong namimiss sa Pinas. At ngayong nasa Pinas naman ako, e may namimiss din ako siyempre sa Japan. "Sala sa init, sala sa lamig" ba ang tawag dito? Mahirap talagang makuntento sa buhay, unless magdecide ka na makuntento.

At ako ay desidido...

Monday, April 16, 2007

Kumukutitap na Coastal Road

nabalitaan ko na mayroong World Light Expo mula sa kapwa skolar sa kyoto nang siya ay bumalik sa japan pagkatapos ng isang buwang bakasyon. sabi niya, mas maganda pa sa mga ilaw sa Kobe tuwing disyembre. siyempre dahil sa ganitong press release, kinailangan kong pumunta dito. at kahit may kalayuan ang coastal road sa caloocan (at dumaan pa ako sa makati bago pumunta dun), tinyaga pa rin namin, kahit pagod na from work, meeting, sayaw, at karaoke.

siguro dahil may ipon akong konti kaya naiisip ko na sulit naman ang binayad kong 200 pesos bilang entrance fee. may mini-concert, may laser light shows, at kung ano-ano pang display. dalawang beses may fireworks display. kung iisipin ang ginagastos ng organizers sa kuryente, space, employees, parang malulugi batay sa tao na kasabay namin. sabado na kasi iyon pero nakakapagpicture pa rin ako ng walang sagabal at singit.

sana madalas na may mga ganitong papasyalan ang pamilya. sana rin medyo kaya ng bulsa ni tatay. at kung may mga kamag-anak kayo, pwede niyong irekomenda ito. at bilang pang-enganyo, ito ang mga kuha ko sa tulong ni hobi-chan.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Isang blah entry

tatlong sabado na ang lumipas pagkatapos kung bumalik. hindi ko masasabing nag-aadjust pa rin ako. pero hindi ko rin masasabing normal na ang buhay ko dito. sa hindi maiiwasang pangyayari ay may mga naiwan pa akong trabaho. wala na naman itong kinalaman sa pag-aaral. paunti-unting raket, habang siguro wala pa akong regular ng trabaho dito.

speaking of trabaho, simula june, sa pagsisimula ng klase, magsisimula na naman ako sa bagong paglalakbay. bagong paglalakbay na ito kahit na nagsimula na akong tahakin ang daan na ito, naudlot nga lang dahil pumunta ako sa japan. at ibang riadiosa na yung maglalakad sa landas na ito. hopefully, mas mature, mas maalam at mas karapat-dapat.

kahit na ma...ba...gal ang koneksyon ko, susubukan ko pa ring magsulat dito at bisitahin ang mga bahay niyo. sabi nga ni mami ghee, ibang ihip na ng hangin ang ikukuwento ko. hangin na minsan ng naranasan ng marami sa aking mga kablog, at malamang na hinahanap-hanap niyo din. kaya daan-daan lang kayo dito ;)

Thursday, April 05, 2007

hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa nasaksihan kong eksensa kanina sa isang grocery store. nasa cashier na kami at sa katabing counter ay may maingay na customer. wala naman kaming ginagawa kundi bantayan yung pagpunch ng mga binili namin kaya naman nakinig na rin kami sa tinatalak ng customer na iyon.

nagrereklamo ang customer dahil may sinabihan siyang bagger boy na magpapassist siya sa kanyang groceries. ang nangyari yata ay umalis ang bagger boy at nung makadaan ulit sa counter e saka siya inokra-okray nung lalake. bakit daw ganun ang ginawa ng bagger boy, hindi siya inassist. dapat daw inaassist ang customer. hindi ko naririnig yung sinasabi ng kawawang bagger boy, malamang nilalamon na ng pagkapahiya. naisip ko nung una, bakit naman hindi tinulungan nung bagger boy yung customer, lalo na kung humingi ito ng assistance?

tinanong na ng customer kung nasaan ang manager. panay ang banggit niya ng "ay hindi. hindi ganun yun." (nalaman ko na lang sa kapatid ko na sinasabi ng bagger boy na may policy sila na kung sino ang assigned dun sa counter siya ang bahala dun at nung time na yun ay hindi sya ang toka sa counter). nang dumating na ang manager, nagtatalak na naman ang customer. nawala ang amor ko dun sa customer (na feeling ko bading) dahil sinabi niya "hindi mo ba papagalitan ito (yung bagger boy) sa harap ko?" napa-pucha tuloy ako ng mahina. yung lang ba ang habol nung customer? dahil nakagawa na siya ng eksena dun, tatapusin lang niya iyon kapag napagalitan sa harap niya yung bagger, dahil kung hindi siya ang magiging kahiya-hiya. ang sinasabi ng manager ay parang pagsasabihan niya ang empleyado niya pero hindi sa harap ng maraming tao dahil nga napapahiya na ito.

hay! hindi talaga totoo na the customer is always right. may mga tao talagang abusado, spoiled, at mataas ang tingin sa sarili at nangmamata lang ng ibang tao!

Sunday, April 01, 2007

sa bagal ng internet ko dito sa bahay, nakakatamad mag-internet. back to basic ako, pagchecheck lang ng internet. paminsan-minsan nakakapag-online sa YM pero para lamang malaman kung may nag-iwan sa akin ng offline message. may mga iniwan pa akong gawain mula sa japan at aligaga pa ako. kapag hindi naayos yung mga iyon ay hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos kong maiuntog ang ulo ko sa pader.

kalagitnaan na ng campaign period dito sa pinas. bukod pa sa ingay ng sasakyan sa kalsada, sa sigawan ng mga batang naglalaro, hindi rin nahihinto ang mga jingle ng kandidato. makikita mo rin ang mga mukha nilang nakapaskil sa mga poste at pader, at kahit sawang-sawa ka na, makikita mo pa rin sila sa TV.

mahigit isang buwan pa ang hihintayin bago mag-eleksyon. panibagong gulo na naman matapos ang eleksyon. nakasabay pa sa init ng panahon ang init ng pangangampanya. kahit siguro nakakatunaw ang init, matitiis ko. itong campaign period, di ko talaga ma-take!

Thursday, March 29, 2007

kahapon, nakatutok sa iisang pangyayari ang buong pinas at pati ang international community. paggising ko pa lang ang balitang iyon na ang laman ng TV: ang paghostage sa isang bus na puno ng mga batang nasa pagitan ng lima at pitong taong gulang.

parang isang malaking drama ang lahat. nang makita ko si bong revilla na makikipagnegotiate sa punong hostage taker (na kumpare niya) biglang pumasok sa isip ko: SCRIPTED ba ito? pero hindi naman siguro, ideya lang yun ng isang cynical na tao.

nagsimula ang hostage drama ng bago mag-alas diyes ng umaga at natapos ng alas siyete ng gabi, nang palayain na ang 31 bata at 2 guro (ang nakasulat sa headline ngayon ay 26 lang).

lumabas kami ng bahay kaya naman hindi rin namin nakita ang developments. nakinig na lang kami sa radio. at pagkauwi namin, biglang starring na rin si chavit singson. matapos palabasin ang mga bata, kinuha ang ammunition ng hostage takers. may 2 granada at uzi. si chavit ang kumuha ng granada at nagbigay sa mga kinauukulan. (habang hawak niya eh naiisip ko na ano kaya kung sumabog?) tanong niyo kung bakit biglang nandun si chavit? well, kasama daw niya sa mindanao yung isa pang hostage taker kaya siya nakipagnegotiate din.

at sa pakikinig din namin na maraming nanamantala. dahil maraming usisero't usisera, naging maganadang pagkakataon ito para sa mga nangangampanya na mamigay ng mga t-shirts, etc. at meron ngang gumawa nun!

nang matapos ang hostage drama, umuwi si papa dito sa bahay. at ang bukambibig ay scripted lang daw ito, isang drama lang, nandun si chavit dahil hindi lumalabas sa survey... bukambibig ng taong cynical.

ang paghohostage kahapon ay isang paraan upang maiparating ng taker ang kanyang hinaing at kahilingan. kahilingan para sa edukasyon ng mga batang pinag-aaral niya. hinaing sa mga pangyayari sa society natin. pagbibigay ng warning sa kapwa sa darating na eleksyon. mga hinaing at hinanakit na narinig na natin nung Oakwood Mutiny. mga hinaing at pag-aalala na nararamdaman ng bawat isa sa atin. sana lang wag ma-inspire ang ibang tao na gumawa ng similar na aksyon tulad ng nangyari kahapon.

Tuesday, March 27, 2007

hindi ako nawawala. hindi ako nilamon ng alien. ako ay nagbabalik at unti-unting umaahon sa kumunoy ng basura, ingay, trapik at init na mas kilala sa tawag na pinas (drama lang).

isang linggo bago ako nakauwi dito sa pinas ay maraming nangyari. uunahin ko na muna ito:

(ang pic ay mula sa isang friend. galing mo kumuha, mads!)

Thursday, March 22, 2007

hindi ko kailangang umiyak para malaman
na may kapiraso sa pagkatao ko ang maiiwan
na may parte ng puso kong napupunit

Sunday, March 18, 2007

waaah! natabunan na ako ng mga last-minute na kailangang gawin bago umalis. well, hindi pa pala last-minute kasi may isang linggo pa naman ako dito. pero sa isang linggo na iyon kailangang isiksik ang pagpapaalam, pag-aayos ng gamit, isa pang trabaho, graduation, graduation party, at pictorials dito sa kyoto. i am so happy that i'm so busy.

pero kagabi naisip ko na sobrang pagod ito (nakakaidlip na nga habang may kachat) at kung pwede bang sa isang iglap e maayos na ang gamit, magtipon sa isang lugar ang mga taong kailangan kong makita para magkaroon ako ng oras para magpaalam sa kyoto, sa buhay ko dito, at sa diyosang dalawang taong tumira dito.

ang daming nangyayari dito. pero isa sa hindi ko inasahan ay ang pagpatak muli ng snow. ang tahimik kaninang paggising ko. nang buksan ko ang bintana ay para na naman akong bata na sumaya dahil sa andyan ang snow. pumapatak nang tahimik at binabalot ang kapaligiran ng isang misteryo. kung hindi lang malamig at wala lang akong kailangang gawin dito sa loob ng kwarto e bumaba na ako, pumunta sa park at umupo at nagmuni-muni.

pero dahil malamig talaga, nagkasya na lang ako sa pagkuha ng picture sa labas ng kwarto namin. share ko na lang sa inyo at pasensya na kung puro bubong yan. hehehe.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

Thursday, March 15, 2007

naramdaman ko ang unang lungkot kahapon sa aking pag-alis nang magpaalam ako sa aking part-time job. nagsimula akong magturo ng english sa isang language center (na isang oras ang layo sa bahay kapag naglakad) noong october. isang beses lang sa isang linggo, isa hanggang dalawang oras. hindi kalakihan ang bayad pero sapat na para makakain sa masasarap na lugar sa pinas paminsan-minsan. (inipon ko kasi ang natanggap ko simula noon at kasama siya sa budget ko habang wala pa akong trabaho sa pinas.)

kahit gaano pala kaigsi at kadalang mong gawin ang isang bagay, nagkakaroon ka pa rin ng attachment. at kapag mapuputol na yun, natural lang na malungkot.

nagkaroon tuloy ako ng enlightenment habang nasa bus na kung gugustuhin ko talaga, magkakaroon ako ng niche dito. masusuportahan ko ang sarili ko dito at makakatulong pa rin ako sa pamilya ko.

kaso hindi ko ginusto talaga. feeling ko lang talaga na ngayon habang nandito ako eh may natutulungan na ako, pero mas marami pa akong mako-contribute kapag nakabalik na ako.

Tuesday, March 13, 2007

naalala niyo pa ba ang sensei ko na may kembot? nagplano ang isa kong kaklase ng lunch date kasama ang sensei na iyon. kanina nangyari ang lunch date. ang gwaping talaga ng professor ko na yun. at yung kembot niya? walang ibang kahulugan, sa tingin ko lang. kasama niya kanina ang kyut na kyut niyang anak na may hawig sa kanya. gwapito din ang bata. at sobrang active kanina dahil siguro nakalabas at nakakita ng magagandang nilalang. hehehe.

mas gumwapo si sensei sa paningin ko. nilibre niya kami ng lunch eh. HAHAHA. aktuwali, nakalimutan niya na may lunch date siya kasama kami. na-late siya at para mapalubag ang loob namin at mapahupa ang gutom namin eh siya na ang nagbayad. swerte.

at sa susunod na linggo, meron ulit plano. pupunta kami sa isang pasta place na special ang pasta. muntik ko nang sabihin sa isa kong kaklase na mag-oorganize na dapat next time sasadyain na namin na ma-late siya para makalibre ulit kami.

Monday, March 12, 2007

ang ganda ng araw sa labas. kahit may blinds dito sa computer room, pinipilit pasukin ang kwarto ng sinag ng palubog na araw. inaanyayahan akong lumabas at magpalipas ng oras sa isa sa mga upuan sa labas. malamig ang hangin pero hindi naman ako magiging yelo kapag nagtagal doon para lang umupo at magpalipas oras habang umiinom ng mainit na cocoa mula sa vending machine.

pero nandito ako sa loob at patuloy na hinahangad ang pwede kong magawa sa labas. sana lang matapos ko na itong ginagawa ko para naman maenjoy ko na ang tumatakbong oras ko dito. gusto ko nang mafeel na graduate ako. yung lumabas, kumakain sa sosyal na lugar (hangga't nandito pa ako eh kaya pa ng bulsa). pero kaya nga pala ako nandito sa harap ng computer e para mas bongga ang mapupuntahan kong lugar at mas masarap ang makakain kong pag-ibig.

nakakatawang nakakainis.

Friday, March 09, 2007

It's Official!

ngayong umaga ang official na labas ng list of graduates. nagbukas ako ng laptop bandang alas-nuwebe. may bagong news sa website ng ritsumeikan, pwede nang ma-access ang official list. kinlik ko agad yun kasi ang sabi, pwede lang ma-access simula alas-diyes. e di naghintay ako. nagluto muna ako ng adobong manok na may gata. pagkatapos nun, ina-access ko ulit yung link. kailangang i-input ang student number at password. nung ginawa ko, hindi ko naman ma-access. ilang beses kong sinubukan pero ang lagi lumalabas e baka daw mali ang student number o password ko. pinakaba pa ako. naisip ko tuloy na error message ang lumalabas kapag hindi pasado. part ng pagiging polite ng mga hapon.

pumunta ako sa skul para hindi ako madistrak sa kalat sa bahay (hindi pa ako nagsisimulang mag-impake). inabutan ko ang taong nagsasabit ng announcement sa bulletin board. dahil nakakahiya namang hintayin ko kung ipapaskel na niya ang listahan ng graduates, pumasok muna ako sa computer room. pero hindi ako mapakali kaya lumabas din ako agad. at nasa bulletin board na nga ang mga student numbers. at salamat naman eh nandun ang student number ko. yehey! wala nang makakapigil sa pagmamartsa ko.

ang inyong lingkod,
diosa master diosa

blogger templates | Make Money Online