Wednesday, January 31, 2007

kinse minutos bago mag-alas dos. puno ang tiyan ko. kumain ng isda, salad, miso soup, patatas, at kanin. unang meal sa araw na ito.

kinuha ko mula sa aking katya bag ang tatlong folder may nakaipit na mga papel. kung ano ang nakasulat sa mga papel na iyon ay hindi na mahalaga.

siniguradong maayos ang pagkakadikit ng taytel at pagkakalagay ng mga papel. huminga ng malalim at lumabas ng computer room.

bitbit ang tatlong kulay bughaw na folder at dalawang mahahalaga pang dokumento, sinimulan ko nang tahakin ang daan patungo sa katapusan.

binati ako ng isang babae sa may bintana. huminga ako ng malalim nang inabot ko ang mga folder. bahagya siyang natawa. wala akong magawa kundi ang ngumiti ng malaki.
panahon na para iwan ko sa kanila ang mga folder, na naglalaman ng dokumentong mas kilala ko sa p%t#!g-^na*? thesis na yan. tumalikod akong walang dala. pagod ang isipan ngunit magaan ang pakiramdam. isang pagsubok na naman ang aking naungusan.

*****************
yahuuuu! tapos na ang laban pero hindi pa ang digmaan. hahaha! babasahin pa ng tatlong professors ang aking nagpapanggap na thesis. magbibigay ng comments, at kung satisfactory ang result, candidate for graduation. sana lang pagkatapos ng mahigit dalawang taon ko dito ay may degree akong maiuuwi.

balik sa dating buhay =)

Friday, January 26, 2007

pinapasma na ang mga kamay ko. sumasabog na utak ko. dumudugo na ang mga mata ko. pero hindi pa rin matapos-tapos itong papel kung saan nakasalalay ang kahihitnan ng mahigit dalawang taong ginugol ko dito sa bayan ng mga sakang dito sa bansang japan.
ilang sigarilyo na rin ang nahithit, balde-balde na ring kape ang nainom, ilang gabi na ring hanggang sa pagtulog ko ay dala-dala ang mga tanong na bunga rin ng aking pag-iisip.

bakit kasi ako na ang nagtanong, ako pa rin ang hahanap ng sagot?

hindi ko pa makita. hindi ko pa maamoy.
ang katapusan ng aking kasalukuyan.

sana malapit na...
malapit na nga ba?

Monday, January 22, 2007

ang tagal ko nang hindi nagsusulat dito. thesis ang dahilan na kailangang ipasa sa jan 31. ang hinahabol kong deadline ay sa friday na, jan 26, para makaraket na agad.
eniweys, lumabas ako ng bahay para magpahangin. at nakita ang mga ulap. may mga maiitim na ulap na nakatakip sa puting ulap. ang ganda ng effect. tapos pagtingin ko sa mga bundok sa kaliwa, nakakita ako ng bahaghari.

haaaay. ang ganda ng mundo.

Saturday, January 13, 2007

today is a saturday. pero nasa skul ako ngayon, nasa computer room. at katabi ko ang mga katulad kong nagsisipag dahil in two weeks (?) (sobrang lito na ako sa araw at oras) ay pasahan na ng thesis.

maganda na sana ang simula ko pagdating ko dito sa room. inuna ko yung paper at presentation ko for wednesday. nakasulat na ako ng konting nang mapansin kong hindi siya nagmumukhang academic paper kundi isa lamang essay. sumakit tuloy ulo ko sa pag-iisip kong anong gagawin para maging academic sya. narealize ko ang sagot pero bago pa man ako bumalik sa aking task ay may umupo sa tabi ko. at napollute ang hangin na ini-inhale ko. sumakit ulo ko grabe. hindi naman siguro excuse ang nalalapit na deadline para pumunta ng skul ng hindi naliligo at nangangamoy. nakakadistract. nakakunot tuloy ang aking magandang face.

nabawasan na ako ng isang presentation. successful ang chika ko kagabi. good for me. konti na lang. sandaling tiis at konsentrasyon na lang matatapos na ito. gusto ko na itong kalimutan para makapagplano na ako kung paano ko ispend ang pebrero at march nang masaya pero matipid. at magkikita pa kami ng isa kong friend. so excited.

back to work. sana buksan ang bintana para gumanda ang hangin.

Tuesday, January 09, 2007

tapos na ang winter break namin. simula na ulit ng pasukan. weird nga lang ang skedyul namin dahil dalawang linggo na lang ang semestre. wala nang panahon para mag-in-in. dapat aarangkada na sa lahat ng bagay. at sa susunod na dalawang linggo, ito ang mga kailangang kong matapos:

  • dalawang presentations
  • dalawang exam
  • dalawang mini-papers
  • thesis
sabi ni ate melai, pahinga muna ako sa blog para makapag-concentrate sa mga kailangang matapos. ganyan ang ginawa ko last year, pero hindi epektib. sabi ng aking lolo na panalo sa concentration, ito ay isang skill at kailangang idebelop. ang alam ko meron na akong nadebelop na konsentrasyon, naitago ko lang at kailangang hanapin na lang. o lalabas na lang sya dahil kailangan ko na ito. hehehe.

ang ganda ng simula ng bagong taon ko =).

Sunday, January 07, 2007

I WANT THIS!
this. i want.
want me this.

Photobucket - Video and Image Hosting

Friday, January 05, 2007

bakit ba tuwing kailangan kong magconcentrate sa isang importanteng bagay ay nangangati ang aking mga kamay na gumawa ng ibang bagay?

buong araw kong iniisip ang thesis ko, pero iilang oras lang naman ang inilalaan ko para magsulat dito. mas gusto ko pang kalikutin itong aking blog para mapalitan na ng template. medyo nadidiliman na kasi ako sa mga kulay. kailangan ko ng masayang kulay. kailangan kong pigilin ang aking sarili at tapusin muna ang thesis. para kapag tapos na talaga, mareflect ang pagiging maaliwalas ulit ng aking buhay sa bagong template na mahahanap ko.

************

last week (2006 pa noon), may naabutan akong isang feature sa isang show sa news sa isang channel. pinapakita nila ang isang half-Japanese, half-Filipino na teenager na sumisikat na daw sa pinas, si Mayo Suzuki. pinakita sandali ang buhay nila sa pinas, ang pagiging estudyante at ang mga performances niya sa mga probinsya at sa malls. binanggit ang paggamit ng panalong kotse para sa kanilang travels. siguro significant sa hapon iyon kasi ang ibang lumalabas sa tv dito na medyo sikat na rin at taxi lang ang means of transpo. minsan nga train pa.

hmmm. una si Sandara Park, filipino-korean. tapos meron yata sa pinoy dream academy na filipino-japanese din daw (hindi ako maka PDA kaya di ako sigurado). parang lahat ng nasa showbiz half-pinoy at half-something. sasabihin ko nga sa isang nanay-friend ko dito na aalagaan ko yung anak niya at imamanage ko ang showbiz career. baka yumaman pa ako.

Wednesday, January 03, 2007

Photobucket - Video and Image Hostingeto ang mga materyal na bagay na nakapagbigay ng konting kaligayahan sa akin nitong nakaraang araw at sangkatutak na bonding moment with my girl friends.
eto ang halimbawa ng "fukubukuro". iba-ibang klase at iba-ibang kulay. pero yang dalawang chinese characters na yan ang nakatatak sa mga paper bags o plastic bags.

at ito ang laman ng mga paper bags na nakuha ko. yung una at pangalawang bag ang laman ay pang diosa. may bago ako bags. girly-girl. dami ko nang bags. may knitted hat. ginagamit ko na rin para hindi malamigan ang aking kyut na ears. may dalawang pouch bags at muffler. may relo din, tatlo. gamitin ko kayang sabay-sabay? dapat magamit ko muna ang mga iyan bago ko ipamana sa mga susunod na diosa dito sa japan. hindi ko naman kasi magagamit yan sa pinas.

Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting
yung dalawang bags naman ay pampasalubong sa mga nakalimutan ko nang mga inaanak. disney goods at anime. yung disney goods para sa mga bata. at yung anime naman para sa mga friends kong isip bata. dinayo pa namin yung goods ni astro boy. special talaga si astro boy na kilala dito bilang tetsuwan atomu dahil ito ang unang Japanese anime. may pinball game, stroller bag, stuff toys sa disney fukubukuro na binili ko ng 2007 yen. (ang galing no?) para ng nanood ako ng 2 sine. yung si astroboy naman, may t-shirt, carpet, toys, calendar, at iba pa.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting









kailangan ko na lang ma-identify kung ilan na ba talaga ang inaanak ko. at ilan yung mga friends hips ko na di nakakalimot habang nandito ako. at mapapasakanila ang kayamanang ito.

Tuesday, January 02, 2007

manigong bagong taon sa ating lahat! nasabi ko na ang aking wish sa huling entry kaya hindi ko na uulitin. happy new year ulet!

****

pangatlong new year ko na ito. nung una, sa bar. nung pangalawa, dinner tapos karaoke. nitong nakaraan, dinner tapos bisita sa temple. kung ikukumpara sa mga naranasan kong pagsalubong sa bagong taon sa pinas, napakatahimik ng new year dito. pero hindi na kailangang paglaanan pa ng oras ang pagkukumpara. nagawa ko na iyan nung unang new year ko pa lang dito.

maraming lasing sa kalsada. maraming tao sa templo. maraming sersyosong nagdadasal para humingi ng guidance sa kanilang mga pinaniniwalaan. ako, sa totoo lang, pumunta dun para sa experience. at para sa photo-op.

isa sa nadiskubre ko ngayong taon ay ang paglustay ng pera sa mga "fukubukuro". ang mga bag ng kaligayan o kaswertehan. nagkalat sa mga mall simula pa kahapon ang mga fukubukuro. ganito ang konsepto nyan. ang bawat tindahan ay may hinahandang bag na may laman na kanilang goods. at dahil new year, generous sila. pupunuin ang bag ng iba't-ibang gamit at ibebenta ng mas murang halaga. halimbawa, may sampung lapad (100000 yen) worth of goods. ibebenta lang nila ng dalawang lapad. kaya naman maraming nahuhumaling dito. ang catch nga lang ay sealed ang bags. may makikitang sampol sa ilang stores, pero hindi eksakto ang nasa loob ng bag. may dagdag o may bawas. kaya susubukan mo talaga ang swerte mo. at pagkabukas ng bag, malalaman mo kung magiging happy person ka.

sa dalawang araw na pagbisita ko sa Kyoto Sta. at downtown at isa pang mall, nakabili ako ng limang fukubukuro. at isa lang masasabi ko. PANALO! kahit sumakit ang braso ko kabibitbit ng mga bags na iyon, sulit!

ang saya magshopping! ang saya ng may pera! HAHAHAHA! ang feeling ko!!!

buti na lang isang beses sa isang taon lang ang pagsalubong sa bagong taon!

blogger templates | Make Money Online