Friday, January 05, 2007

bakit ba tuwing kailangan kong magconcentrate sa isang importanteng bagay ay nangangati ang aking mga kamay na gumawa ng ibang bagay?

buong araw kong iniisip ang thesis ko, pero iilang oras lang naman ang inilalaan ko para magsulat dito. mas gusto ko pang kalikutin itong aking blog para mapalitan na ng template. medyo nadidiliman na kasi ako sa mga kulay. kailangan ko ng masayang kulay. kailangan kong pigilin ang aking sarili at tapusin muna ang thesis. para kapag tapos na talaga, mareflect ang pagiging maaliwalas ulit ng aking buhay sa bagong template na mahahanap ko.

************

last week (2006 pa noon), may naabutan akong isang feature sa isang show sa news sa isang channel. pinapakita nila ang isang half-Japanese, half-Filipino na teenager na sumisikat na daw sa pinas, si Mayo Suzuki. pinakita sandali ang buhay nila sa pinas, ang pagiging estudyante at ang mga performances niya sa mga probinsya at sa malls. binanggit ang paggamit ng panalong kotse para sa kanilang travels. siguro significant sa hapon iyon kasi ang ibang lumalabas sa tv dito na medyo sikat na rin at taxi lang ang means of transpo. minsan nga train pa.

hmmm. una si Sandara Park, filipino-korean. tapos meron yata sa pinoy dream academy na filipino-japanese din daw (hindi ako maka PDA kaya di ako sigurado). parang lahat ng nasa showbiz half-pinoy at half-something. sasabihin ko nga sa isang nanay-friend ko dito na aalagaan ko yung anak niya at imamanage ko ang showbiz career. baka yumaman pa ako.

8 Comments:

Paeng said...

sino si Mayo? parang di ko pa narinig kung sino yun?

bakya ni neneng said...

ipasok ko rin kaya ang inakis ko? hmmm, pero magulo ang showbiz ... maraming intriga, baka maging stage mother lang ako at maihampas ang buntot sa mga chikadora! tama na dito sa blogworld! heheheh

HAPPY THREE KINGS mahal na diosa! ;)

dangkin said...

parang pinoy din pla sila-nsa news lagi pag may kabayan na sumisikat sa ibang bansa ;)

karmi said...

hahaha.. oo nga ate ria, panay, half-pinoy half-something ang mga sumisikat sa pinas.. ung sa PDA, si Jun Hirano un, tiga Japan.. :)

ang dami ko nga ring kakilala dito, maisabaka nga sa showbiz.. hehehe.. ^_^

manilenya said...

si sandara walang lahing pinoy pure kOrean po :)

sis thesis muna bago ang blog para pagtapos na thesis magblog ka na lang ng magblog wag na magwork lol!!!

Ann said...

Mahilig sa imported na gamit kaya pati artista eh imported ang mga sumisikat.

Di ko rin kilala yung Mayo.

Linguist-in-Waiting said...

Concentration... Diosa, skill iyan, kailangang i-hone.

Speaking of your template, oo nga, medyo tapos na ang autumn, kailangan mo ng facelift.

Lolo

haha said...

may e-mail ba si mayo...sent her e-mail at disonojr@yahoo.com ganda mo kasi.

blogger templates | Make Money Online