Tuesday, January 02, 2007

manigong bagong taon sa ating lahat! nasabi ko na ang aking wish sa huling entry kaya hindi ko na uulitin. happy new year ulet!

****

pangatlong new year ko na ito. nung una, sa bar. nung pangalawa, dinner tapos karaoke. nitong nakaraan, dinner tapos bisita sa temple. kung ikukumpara sa mga naranasan kong pagsalubong sa bagong taon sa pinas, napakatahimik ng new year dito. pero hindi na kailangang paglaanan pa ng oras ang pagkukumpara. nagawa ko na iyan nung unang new year ko pa lang dito.

maraming lasing sa kalsada. maraming tao sa templo. maraming sersyosong nagdadasal para humingi ng guidance sa kanilang mga pinaniniwalaan. ako, sa totoo lang, pumunta dun para sa experience. at para sa photo-op.

isa sa nadiskubre ko ngayong taon ay ang paglustay ng pera sa mga "fukubukuro". ang mga bag ng kaligayan o kaswertehan. nagkalat sa mga mall simula pa kahapon ang mga fukubukuro. ganito ang konsepto nyan. ang bawat tindahan ay may hinahandang bag na may laman na kanilang goods. at dahil new year, generous sila. pupunuin ang bag ng iba't-ibang gamit at ibebenta ng mas murang halaga. halimbawa, may sampung lapad (100000 yen) worth of goods. ibebenta lang nila ng dalawang lapad. kaya naman maraming nahuhumaling dito. ang catch nga lang ay sealed ang bags. may makikitang sampol sa ilang stores, pero hindi eksakto ang nasa loob ng bag. may dagdag o may bawas. kaya susubukan mo talaga ang swerte mo. at pagkabukas ng bag, malalaman mo kung magiging happy person ka.

sa dalawang araw na pagbisita ko sa Kyoto Sta. at downtown at isa pang mall, nakabili ako ng limang fukubukuro. at isa lang masasabi ko. PANALO! kahit sumakit ang braso ko kabibitbit ng mga bags na iyon, sulit!

ang saya magshopping! ang saya ng may pera! HAHAHAHA! ang feeling ko!!!

buti na lang isang beses sa isang taon lang ang pagsalubong sa bagong taon!

4 Comments:

Linguist-in-Waiting said...

Uy! Ngayon ko lang ulit na-encounter iyang fukubukuro na iyan ah. Sinilip mo muna ba ang laman?

dangkin said...

sarap pala pumunta dyan pag may pera pag bagong-taon.. ano pala laman ng mga bag na nabili mo? :)

riadiosa said...

lolo! happy new year! hindi sinilip e. talagang sarado. kinapa ko na lang. hehehe.

dangkin, hi! happy new year. madami laman: bags, accessories, character goods. upload ako ng pix next time. =)

rem said...

katuwa naman ang fukubukuro(tama ba? hihihi parang mali), ano bang laman ng mga bags? buti na lang at panalo ka, magandang senyales na maganda ang 2007 mo.

happy new year!

blogger templates | Make Money Online