Tuesday, February 27, 2007

noong nakaraang linggo ay naganap ang plum blossom festival sa kitano tenmangu shrine. isang shrine na dinadaanan ko kapag ako'y pumupunta sa skul. last year ko lang nalaman na isa sa dinadayo dito ay ang plum blossoms. last year, nagkataon lang na maganda ang panahon kaya nagdecide akong maglakad at may bitbit din akong kamera kaya naman ang dami kong nakuhang pictures. ngayong taon, pumunta kami sa shrine sakto sa pagdiriwang ng festival. hindi pa masyadong namumulaklak ang mga plum. pero ang dami pa ring pumunta, dahil festival nga.

bukod sa plum, ang kitano tenmangu shrine ay puntahan din ng mga estudyante para magdasal na makapasa sa kanilang mga examination. ang deity dito ay si michizane sugawara, kilala bilang patron ng pag-aaral at mahilig siya sa plum.

nung feb.25 ang araw ng kanyang kamatayan. bilang pag-alala, may malaking event sa shrine, bukod pa sa buwanang bazaar, may mga maiko din na nagserve ng tea (hindi na ako pumunta dun dahil kailangang magbayad). wala akong naabutang performance. sayang. hirap na hirap akong sumilip sa lugar kung saan ginaganap ang tea ceremony. siksikan kami ng ibang japanese (may kuripot din palang japanese).

enjoy niyo na lang ang ilang pictures na nakuha ko.

1)daming tao! daming tao! 2)pila para makapag-wish
Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting
3) ikebana - flower arrangement 4) maiko na nagtatago
Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting

Saturday, February 24, 2007

isang buwan.
apat na linggo.
dalawampu't walong araw.

simula na ang pagbibilang ng mga araw. simula na ang pagliligpit, ang pag-aayos, ng buhay na sinimulan dito. para bumalik sa buhay na iniwan sa kabilang-ibayo. simula na ng pamamaalam.

何でこんなに切ないの?
ずっと帰りたいと思ってたのに。
何でいまさら、帰りたくない感じは
心のどこかで強く響いてるの?

Friday, February 23, 2007



ipagmalaki at ituro ang yaman ng kulturang pilipino.

Thursday, February 22, 2007

Takarazuka

(wow may title ang entry!)

dahil sa ilang linggo na lang ay ipapatapon na ako pabalik sa pinas, asal turista na naman ako. ang aking misyon sa nalalabing panahon dito sa japan ay maglagwatsa, magpapiktyur, at ma-experience ang mga bagay na wala sa pinas. magastos, oo. pero hindi ko alam kung kelan ako ulit makakabalik dito kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon. at isa pa, ano naman ang gagawin sa pera? (bwahahaha! ang rich ng dating!)

eniweys, isa akong turista ngayong araw. pumunta ako sa takarazuka, sa may osaka kung saan may isang grupo ng artist dun na may parehong pangalan sa lugar. ang TAKARAZUKA ay grupo ng performers kung saan lahat ng miyembro ay babae. at yung mga babae na nasa role ng lalaki, e parang lalaki talaga. hindi yung tipong brusko. parang mga lalaking japanese na napapanood ko sa tv na lelembot-lembot (pero hindi naman gay). naisip ko tuloy na ang male roles sa takarazuka ang siyang inspirasyon kung paano sumayaw o kumilos ang ibang lalaking artista dito, katulad ni kimura takuya at jun matsumoto.

Photobucket - Video and Image Hostinghindi naman nasayang ang pinambili ko ng tiket (3,500yen). tatlong oras kami sa theater, sa pinakalikod. kaya lang sa upuan namin hindi ko na makita kung paano ang make-up ng performers. ang layo naman kasi. muntik ko nang sabihin sa kasama ko na lumipat kami sa mas harap kasi hindi naman puno yung theater. aba, bago ko pa nasabi, may gumawa na, isang grupo ng mga babae. mula dun sa parehong linya namin pumunta sila sa pinaka-unang row ng box namin. iba na ang presyo ng tiket dun. kaso ilang sandali lang, may lumapit na usherette sa kanila at pinabalik sila. kakahiya.

Photobucket - Video and Image Hostingdalawang palabas ang napanood namin. isang detective story at isang sayawan. natuwa talaga ako. ang ganda ng stage! bongga! umiikot, tumataas, bumababa. ang at design, ilaw, panalo! at may live orchestra! ilang beses kong nilabas ang camera ko at phone para kumuha ng piktyur kaso may nakabantay sa likod.

panalo din ang costume. maganda ang production. parang very, very, very special, with a very, very, very big budget na GMA Supershow! pero totoo, na-appreciate ko ang napanood ko. at halata sa kilos ng mga performer ang disiplina nila para sa pinasok nilang career.

ang sarap maging turista. at least naranasan ko ito. meron pang kabuki at sumo. pero hindi ko alam kung kakayanin pa. malalaman niyo na lang dito sa blog. (binabalik ko lang pala yung perang natanggap ko sa nagbigay nito!)

Wednesday, February 21, 2007

nangako ang ate ni karen na bibilhan siya nito ng bagong bag. isang magandang bag na hindi naman luho, kailangan talaga niya ito para sa iskul. sira na ang bag na regalo sa kaniya tatlong pasko na ang nagdaan. bukod sa sira na ang zipper nito, nahuhulog na rin ang bolpen niya mula sa loob ng bag dahil may butas na ito at hindi na niya ito matahi pa.

sabado ngayon at sweldo kahapon ng ate niya. noong isang linggo pa siya nagpaparinig. baka kasi nakalimutan na nito. excited na siyang talaga. dumaan siya isang beses sa mall at may nakita siyang magandang bag. mukhang matibay. mukhang magagamit niya ng mahabang panahon din. at higit sa lahat, naka-sale ito.

kaya naman maaga siyang nagising. nagluto siya ng agahan. ipagtitimpla niya ang ate niya ng masarap ng kape na may gatas. paborito niya iyon. at pagkatapos, tulad ng nakagawian na nilang dalawa, lalabas sila ng bahay at mamasyal.

pagkagising ng ate niya, nagsimula na silang mag-almusal. "mukhang pagod pa rin si ate," naisip niya. "may problema kaya?" habang umiinom ng kape, tinanong niya sa kanyang ate, "saan tayo pupunta mamaya? bibili na ba tayo ng bag ko? may nakita akong naka-sale, ate, sa mall. doon na lang tayo pumunta." tapos balik na lang tayo agad dito sa bahay para kumain, para konti lang ang gastos, sunod niyang naisip.

napansin niyang parang wala sa sarili ang kanyang ate. naka-angat lang ang tasa ng kape pero hindi naman niya ito iniinom. parang ang lalim ng iniisip nito.

"ading, wag muna tayong bumili ng bag. may problema sa opis e. hindi nabigay ang sweldo kahapon. sa susunod na lang na linggo ha," parang mas malungkot pa ang boses ng ate niya. parang mas apektado pa at hindi sila makakabili ng bag.

tumango na lang siya at ngumiti.

naisip niya sa susunod na linggo, maraming kailangang bayaran sa bahay: renta, kuryente, tubig. sabay-sabay na naman iyon. hindi na naman sila makakabili ng bag, alam niya iyon. pero wala naman siyang magagawa.

pagkatapos niyang maghugas at maglinis ng bahay, maghahanap siya ng retaso. baka may mga tela sa kabinet na pwede niyang gupitan. maliit lang naman. yung kulay itim. para hindi halatang may tapal ang bag niya.

Monday, February 19, 2007

"Bading lang ang nagtsa-tsaa."

-- Jacklyn Jose sa Sarong Banggi (2005)

kamakailan lamang nakinig ako sa isang forum tungkol sa migration na nakapokus sa mga pilipino. tatlong pilipino ang nagsalita mula sa magkakaibang area: economics, politics, at sociology. bago ako magkuwento tungkol dito, gusto ko lang sanang itanong sa mga nabibisita dito, dahil karamihan ng nasa links ko ay wala sa pinas:

bakit wala kayo sa pilipinas?

Sunday, February 18, 2007

nang magsimula ang career ko sa linguistics (sosyal!), namulat ako sa yaman ng ating kulturang pilipino kung saan kabilang ang wika. kapag may mga term paper kami, madalas na ibang wika ang aming pinag-aaralan. kaya naman madalas naming hanapin ang katumbas ng mga pangungusap sa tagalog sa ibang wika sa pilipinas para mapag-aralan ang istruktura ng mga ito.

at ngayon kasama na sa mga raket ko ang pagtatranslate ng mga dokyumento. may natranslate na akong ilang chapters ng isang nobela sa wikang hapon tungo sa filipino. may itatranslate din akong journal article na nasa hapon at gagawing ingles. may experience na rin ako sa pagtatranslate ng mga health document na nasa ingles tungo sa tagalog. pati campaign material para sa election naisalin ko na sa ilocano.

ngayon naman, may pro-bono translation job ako mula english tungo sa tagalog. at ito ay tungkol sa AIDS at HIV. kaya naman kailangan kong hanapan ng katumbas ang mga salitang blood test, immune system, opportunistic infection, etc. minsan ginagamit ko na rin ang ingles kasi maiintindihan naman agad ng target audience. kung walang eksaktong termino, pwede itong i-describe sa tagalog. madali lang di ba?

hindi rin. kasi isang parte sa ginagawa ko ngayon ay pagdescribe ng mga mapanganib na gawain kung saan pwede kang mahawaan ng HIV. natatawa na lang ako (hindi na nahihiya, tutal salita lang naman ito) sa mga nababasa ko: oral sex, anal sex, sexual toys.

kaya balik muna sa trabaho. kailangan ko pang i-describe kung ano ang cunnilingus at rimming, hindi base sa personal na karanasan (hahaha!) kundi sa scientific na paraan.

birthday ng syota ko. hahaha!

PostCardMaker

Saturday, February 17, 2007

apektado ako masyado ng dramang pinapanood ko. inlab ako kay jun matsumoto na gumaganap bilang tsukasa doumyoji sa hana yori dango. base ito sa isang manga na may parehong title. pagkatapos ay nagkaroon ito ng taiwan drama na sigurado akong pamilyar kayo, ang meteor garden. meron ding anime ang series na ito at ngayon naman ikalawang season ng japanese live drama.
kahit hindi ko napapanood tuwing biyernes (gimik day kasi), masisipag ang mga fansub group na magupload nito at maglagay ng subtitles. at dahil madali lang para sa akin ang mag-DL ng files (isang oras para sa isang 700mb file) updated ako.
magkaiba ang charm ng japanese drama at taiwanese drama. pareho ko silang mahal. pero mas mahal ko si jun matsumoto talaga (hindi ko na kasi nakikita si jerry yan e). every episode e umiiyak ako. sana ma-DL ko lahat ito ng may subs na para naman mapanood ng aking mga kapatid.
isa pang maganda dito sa drama ay yung ending song. ilalagay ko ang lyrics. tungkol ang kanta sa dalawang tao hindi malaman kung mag-bf ba sila o hindi. at may nakuha pa akong video sa youtube. kung saan-saan na makukuha ang information. grabe.

FLAVOR OF LIFE -- UTADA HIKARU

Arigatou to kimi ni iwareru to nandaka setsunai
sayounara no ato no tokenu mahou awaku horonigai
The flavor of life
tomodachi demo koibito demo nai chuukan chiten de
shuukaku no hi wo yumemiteru aoi furu-tsu
ato ippo ga fumidasenai sei de
jirettai no wa nande?
arigatou to kimi ni iwareru to nandaka setsunai
sayounara no ato no tokenu mahou awaku horonigai
The flavor of life
amai dake no sasoi monku ajike no nai doku
sonna mono ni wa kyoumi wa sosorarenai
omoitoori ni ikanai toki datte
jinsei suteta mon janai tte
doushita no? to kyuu ni kikareru to "uun. nandemo nai"
sayounara no ato ni kieru egao watashi rashikunai
sinjitai to negaeba negau hodo nandaka setsunai
"aishiteru yo" yori mo "daisuki" no hou ga kimi rashii janai?
The flavor of life
wasurekakete ita hito no omoi wo totsuzen omoidasu koro
furitsumoru yuki no shirosa wo omou to sunao ni yorokobitai yo
daiyamondo yorimo yawarakakute atatakana mirai
teni shitai yo kagiri aru jikan wo kimi to sugoshitai
"arigatou" to kimi ni iwareru to nandaka setsunai
sayounara no ato no tokenu mahou awaku horonigai
The flavor of life


lyrics mula dito at may translation din.

ilang mga larawan nung ako'y nagpunta sa tokyo para magsaya.

Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting

eto ang asakusa. yung unang picture ang entrance. makikita niyo yung malaking nakasabit na kulay pula na may dalawang chinese character. KAMINARIMON ang nakasulat dun na ang ibig sabihin ay THUNDER GATE (gate of thunder).

pagpasok dito ay gugulantang sa iyo ang iba't ibang tindahan ng pagkain, handicrafts, at marami pang iba. nung pumunta kami ay ginagawa ang sensoji temple. hindi ko na tuloy kinunan kasi tarpauline lang makikita. sa katabing pagoda na lang kami nagkodak moment ng aking mga kasama. sabi ng aming tour guide ito ang pangalawang pinakamataas na pagoda sa japan (ang una ay nandito sa kyoto). naghahanap ako ng pangalan pero wala sa mga sites na tinitingnan ko.

sulit na sulit ang aming lakad dyan. kumain pa kami ng manju (tinapay na may sweet beans sa loob) at nag-ice cream kami. kakaibang mga flavor: green tea, plum, blueberry, at yung sa akin, rose. sana may rose-flavored ice cream din sa pinas.

Friday, February 16, 2007

matapos kong maipasa ang aking thesis, nakalutang na ako dito. pakiramdam ko wala na akong kailangang gawin kundi maghintay ng desisyon mula sa aming graduate office. hindi ko na rin binalikan ang aking research simula nang pumasok ang pebrero. naging abala ako sa pagpapahinga at pag-iisip kung paano aayusin at didispatsahin ang mga gamit ko dito. ang hirap ng nakabitin. hindi ko pa maipagsigawan na ako ay may MA degree na dahil wala pa namang opisyal na dokumento. dahil dito, napupuno ako ng takot, tanong at pangamba. paano kung hindi ako kasama sa listahan ng gagraduate? paano kung walang resulta ang pagiging malayo ko sa aking pamilya? saan na lang ako pupulutin sa pinas kapag umuwi akong walang natapos? sa isang papel nakadepende kung anong magiging kinabukasan ko (parang over naman yata ito), o kung ano ang mga susunod kong hakbang sa buhay.

at kahapon, nakatanggap ako ng email mula sa international office. may tiket na ako pauwi. handa na silang patalsikin ako sa lupa ng bumababang yen. uuwi na ako, may degree o wala. kapag wala, out na ang pagtuturo. bukod pa dun parang mababalewala ang ginugol kong panahon dito. kahit na sa tingin ko at alam ko na mas higit pa ako dun sa matatanggang ko (sana) na sertipikasyon na nakapagtapos ako. dahil lang sa isang papel, na hindi naman sinasalamin kung ano ang mga natutunan ko dito, kung paano ako nagbago at lumago bilang isang tao.

ano ba itong mga insecurities ko? di ko keri. pakibatukan nga ako (wag masakit ha).

Thursday, February 15, 2007

mga ka-blog, im back. salamat pala sa lahat ng bumati sa akin. yehey!!! may bumati. ang KSP ko talaga.

***************************

kababalik ko lang mula sa Tokyo. nakipagkita ako sa aking friends, blockmates, orgmates, kumare s na nagpapakasaya doon. actually yung isa kong friend eh galing ng geneva at magbabakasyon sya sa pinas. ang transfer ay sa japan kaya nag-decide siya na magstay ng sandali. kaya fly ako dun. na-meet ko din ang ibang pinoy students na nagpapakahenyo sa wikang hapon (?). grabe! ang babata nila. kaedad lang ng aking graduating na sister. hay... ambilis nga naman ng panahon. update ko na lang ito para may masilayan kayong pictures.

***************************

nagsimula na ba ang campaign period sa pinas? hindi kasi ako sigurado pero may napanood lang ako sa youtube na pangangampanya. nagpapaalam si tito sotto dahil iiwan na naman niya ang eat bulaga. (sa tanda ko, ginawa na niya ito nung unang takbo niya, tapos nung 2000 after ng impeachment trial, hindi siya agad nagpakita dyan. hindi siya naging regular host ulit. pagkatapos bumabalik-balik na siya tuwing sabado o kapag may special sa eat bulaga.) kasabay ng pagpapaalam ang mga pangakong maririnig niyo sa isang nangangampanya. kasama niya sina vic at joey at ibang hosts ng show at nandun din si helen gamboa. lakas ng back-up niya. ilang bahay mula sa batanes hanggang jolo ang nanonood ng mga panahong iyon? ilang milyong tao ang nakakakilala kay vic (na siyang pinakasikat sa tatlo, para sa akin) at joey (na sangkatutak ang show sa TV) na maa-associate agad ang pangalan ni tito? lakas ng backers niya.
eniweys, sabi sa isang nabasa ko nung feb.13 ang unang araw ng kampanya (kung mali, pakisabi lang po) pero yung video, in-upload nung feb.10. pamamaalam nga ang tema nung segment pero andun ang pangangampanya. swabeng-swabe. panoorin niyo na lang ang video at kayo ang humusga.

Thursday, February 08, 2007

"it's my party ang i'll cry if i want to, cry if i want to, cry if i want to..."

but i won't.

i'm 27 and i am happy. oo, malayo ako sa pamilya ko at mga kaibigan ko sa pinas. pero kahapon ko naramdaman na may nabuo na rin kaming pamilya dito. may kasama sa tawanan, may samaan ng loob, may mga pagtatalo, may kainan, may inuman.

ginawan ako ng isang slideshow. at mula doon ay humugot ang isang kuya/tatay ng isang passage mula sa Bible na damang-dama ko:

For I know the plans I have for you declares the Lord,
plans to prosper you and not to harm you,
plans to give you hope and a future.
-- Jeremiah 29:11
Happy 27th birthday to me!!!

Wednesday, February 07, 2007

nakahinga na talaga ako ng malalim. kapag may exam kang kinuha, dalawa lang ang pwedeng resulta. pasado o bagsak. minalas lang ako ngayon. sabi nga ng mga pinagsabihan ko na hindi ako pumasa, may next year pa naman. at mataas na level na naman yung kinuha ko. (may mga kasabay akong nagtake ng exam pero sa ibang level at pumasa sila.) hindi pa naman tapos ang pakikibaka.

pagpasok kasi ng taon, inasahan ko na may awa ang Diyos at papasa ako. ibang-iba noon sa pakiramdam ko pagkatapos ng exam: windang. ayun, ang siste e umasa lang ako.

hindi naman sa hindi ako nagprepare. sa katunayan, nagreview ako a week or two weeks before the test. kaso ganun lang talaga. kinulang ako sa gawa. kaya hindi umepek ang awa.

"Bahala na." Yan ang naging attitude ko. Sa San Francisco, parte yan ng chant sa play na tinugtugan namin. Galing daw sa "Bathala na, bahala." Ipinagpapasa-Diyos na lang ang lahat. KAPAG NAGAWA NA NG TAO LAHAT NG KAYA NIYANG GAWIN. yun ang nakalimutan ko.

iniisip ko na lang na maganda din na ngayon ko natanggap ang balitang ito. hindi ko pa birthday. sisigaw na ako ngayon, malulungkot ng konti. para bukas tanggap ko na. at old news na ito. pwede nang kalimutan ito. tutal, bukas bagong simula na.

PAKSHET!!!! BAGSAK AKO SA EXAM NA KINUHA KO NUNG DECEMBER.

WAAAAAAAAAHHHHHHH!

KULANG LANG AKO NG 16 POINTS.

LENTEK!!!!!!!!!

(hinga ng malalim...)

okay na. my fault.

(hinga ng malalim ulit...)

waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!

i turn 27 tomorrow. wow! i emailed friends and asked them if we could have a potluck party. we will have it later today. everybody's still busy and i'm just happy the family i have here in kyoto will make time to get together and cook (or buy) food. on my big day tomorrow, i'll be with my sensei's and classmates. not my party, but sort of we-finished-our-papers-let's-celebrate-get-drunk-and-spend-big-money party.

yun lang.

Sunday, February 04, 2007

nakapanood ba kayo dati ng isang palabas kung saan pinapakita ang pagpapahirap sa mga katoliko sa japan. hindi ko alam kung kelan ko eksaktong napanood o kung saan o kung bakit, pero hanggang ngayon nasa ala-ala ko pa rin si san lorenzo ruiz at kanyang mga kasama na tinotortyur ng mga hapon. malinaw pa sa isipan ko ang pagpapa-inom ng galong-galong tubig kina san lorenzo ruiz pagkatapos ay papahigain sila at lalagyan ng tabla ang tiyan saka tatapak-tapakan. meron din akong memory na tinutusok ng matatalas at mahahabang bagay ang dulo ng daliri nila. pinapasok sa may kuko. hindi naman siguro constructed memory ito, ano? sila ang mga martyr na kinikilala dito ng mga katolikong hapon. (hindi ako sigurado sa mga hindi katoliko. itatanong ko nga minsan sa mga kaklase ko.)

kanina naman, ang misa ay isang commemorative event para alalahanin ang 26 Martyrs of Japan. tatlong beses na akong nakapagsimba ng ganitong panahon dito at sa unang dalawang beses, akala ko kasama sa 26 si san lorenzo ruiz. kanina lang ako naliwanagan. may mga nauna pa pala.

***************
sa ibang church yung service kanina. hindi sa madalas kong puntahan kung saan nandun ang filipino community. marami ring pinoy kanina. madaming beses na rin akong naka-attend ng misa in japanese at karamihan ng tao ay hapon din. (sa regular kong pinupuntahan kasi, english mass. iba-ibang foreigners ang pumupunta, pinakamarami pinoy.)

iba ang feeling.

sa misang japanese, una kong napansin ay tahimik ang misa. magsasalita ang pari, sasagot ang mga nagmimisa. walang mga batang umiiyak (walang mga bata talaga). walang maiingay na sasakyan. sa atin, halo-halong tunog. sasakyan, iyak, sigaw ng mga nagbebenta, etc. sa english mass dito, walang sigaw o ingay ng mga sasakyan, pero may ingay pa rin. siguro nagbubungisngisan ang mga nagsisimba.

may mga parte din sa misa na may mahahabang katahimikan: bago mag-first reading pagkatapos ng gospel, pagkatapos ng homily at bago magkomunyon. nung umpisa, hindi ako mapakali. as in sobra. naiisip ko na bakit ang tagal? ano pang ginagawa? pagkatapos kong kausapin yung paring pinoy, naliwanagan na naman ako. mas okay daw yun. para may time kang makapag-isip at maintindihan yung misa.

on time din ang simula ng misa kapag japanese mass. yung english mass, 3pm dapat nagsisimula. sa tinagal ko dito, wala akong matandaang misang nagsimula ng itinakdang oras. minsan, malelate yung lector. may time dati na nakalimutan ng pari na siya ang magcelebrate ng misa. minsan, alas tres na ako aalis dito sa bahay, magbike papuntang church (20mins ang layo) at maabutan ko ang simula ng misa. palagi kong naiisip na hindi naman magsisimula ng 3pm kaya okay lang mahuli. nakakatawa lang kasi 3pm ang press release at nalelate. siguro kasi iniisip ng mga nag-aayos ng misa na ok lang malate kasi late din naman ang mga pinoy. hindi naman ganun kadami ang nagsisimba kaya okay lang na maghintay. e kaso, minsan 3:30 na magsisimula ang misa, may papasok na mga tao habang naghohomily ang pari. walastik ano?

***************
ang tagal kong iniisipan ng conclusion itong entry. wala akong maisip. marami pa kasi akong gustong isulat pero hindi na konektado sa unang thought. hmmm. babalikan ko na lang ito.

Saturday, February 03, 2007

habang hinihintay kong matapos ang ikatlong batch ng aking labadami-labango. sasagot muna ako ng tag na nakita ko sa blog ni ate melai. kahit hindi naman naipasa sa akin ang tagay, eepal na lang ako at iseshare ko na rin ang mga bagay na naidulot sa akin ng blogging.

malapit na rin akong magtatlong taon na nagsusulat ng kung ano-ano dito sa cyberspace. yung una kong blog sinimulan ko nung nasa pinas pa ako. at marami na ring nagawa ang pagbablog na ito.

  • nagkaroon ulit ako ng kontak sa ilan sa mga elementary classmates ko. parang kay rose at aggie ko nakuha ang idea. sayang lang at di na nag-uupdate si rose. si aggie naman active pa rin kaya madalas akong makichismis sa blog niya.
  • nagkaroon ako ng mga bagong kakilala. may nameet akong isang pinoy na nagtatrabaho dito sa kyoto. at paminsan-minsan nakakasama namin siya sa mga party. at syempre ngayon, ang dami kong binabasa tungkol sa mga buhay ng bagong kakilala. at sana, magkaroon ng pagkakataon na makilala ko sila sa labas ng cyberspace.
  • natuto akong maging madaldal. hindi naman kasi ako talaga chikadora. kuntento na ako sa patango-tango, pagsabi ng "ay talaga?", "grabe no?" "eh, ganyan e" at kung ano-ano pang maiigsing komento. pero dahil panget naman kung puro one-liner lang ang magiging entry ko, ayun naging masalita din ako. tingnan niyo, ang haba ng sinabi ko dito, e yung importante first line lang. hehehe.
  • natuto rin akong magshare. mga dating experience, mga pananaw sa buhay, sikreto, minsan angsts. hirap ako dyan sa departamentong iyan e. pero kailangan may ma-iblog kaya nailalabas. hahaha.
  • nadiskubre ko ang computer language. hahaha! joke. ang totoo natuwa ako dahil kahit papaano, may bago akong nalaman sa tungkol sa computer. kahit na hindi ko pa talaga gamay ang pangangalikot ng template at kulang pa rin ang aking kaalaman sa mga software na pwedeng gamitin para dito, at least may drive ako na matuto. heheh. drive lang.
yan lang muna. tapos na ang labada at kailangan nang isampay dahil sayang ang sikat ng araw.

Thursday, February 01, 2007

ang ganda talaga ng view sa bahay ko. sa balcony, nasasaksihan ko ang sunset bago dumilim. at sa umaga, e masarap batiin ang araw. nitong mga nakaraang linggo e maganda ang panahon. mula alas-otso ng umaga e mataas na ang sikat ng araw. sa lumalabas ako ng pinto at doon nag-iinat. buti na lang at nasa 5th floor ako. at wala pang gising ng ganung oras sa mga kapitbahay ko. hindi nila ako nakikitang nakapantulog pa at nagpapa-araw.
at kanina naman, bago magtakipsilim e nasilip ko ang buwan. nakakagaan ng loob. nakakarelaks. sayang nga lang at di masyadong maganda yung kamerang hawak ko. pero maganda yan. pramis.

Photobucket - Video and Image Hosting

******************
ang bilis ng panahon. pebrero na. ito ang pinakapaborito kong buwan. bday ko eh. bday din ni paeng. at marami akong kaibigan na kulang-kulang din.

magtatag kaya ako ng KKK? Kulang-Kulang Klab?

blogger templates | Make Money Online