Thursday, February 01, 2007

ang ganda talaga ng view sa bahay ko. sa balcony, nasasaksihan ko ang sunset bago dumilim. at sa umaga, e masarap batiin ang araw. nitong mga nakaraang linggo e maganda ang panahon. mula alas-otso ng umaga e mataas na ang sikat ng araw. sa lumalabas ako ng pinto at doon nag-iinat. buti na lang at nasa 5th floor ako. at wala pang gising ng ganung oras sa mga kapitbahay ko. hindi nila ako nakikitang nakapantulog pa at nagpapa-araw.
at kanina naman, bago magtakipsilim e nasilip ko ang buwan. nakakagaan ng loob. nakakarelaks. sayang nga lang at di masyadong maganda yung kamerang hawak ko. pero maganda yan. pramis.

Photobucket - Video and Image Hosting

******************
ang bilis ng panahon. pebrero na. ito ang pinakapaborito kong buwan. bday ko eh. bday din ni paeng. at marami akong kaibigan na kulang-kulang din.

magtatag kaya ako ng KKK? Kulang-Kulang Klab?

5 Comments:

manilenya said...

maganda ang kuha mo plamis :) sana ako rin makakita ng ganyan kagandang umaga ano :)

uyyy happy birthday sa inyo ni Paeng :)

riadiosa said...

ate melai, actually pagabi na yun. buwan iyong bilog at kulay orange ang ulap =)

melai said...

nyay heheheh kala ko umaga
nubayan di ba ko nagbabasa :)

rHo said...

ang ganda naman ah... kuhang-kuha mo!! galiiingg...

kamusta ka naman?! ingat ka lagi te en God bless po!

ghee said...

lol!KKK?

ganda nga ng view,sarap mamintana kaya lang malamig :)

ur month and mine!

blogger templates | Make Money Online